Chapter 130: From afar.

233 6 1
                                    

ONE WEEK LATER...

Sunday. 7:30AM.

Gemeniano's Residence.

Jayem's POV

Naghahain na ng agahan si Wendy para sa aming tatlo nina Mark. As usual, hindi na naman namin kasabay sina Tito at Tita. Very rare yung mga ganung scene, yung sabay sabay kaming kumakain. Hahaha. For special occassion lang.

"Bakit ikaw naghahain?" Tanong ko kay Wendy. "Nandyan naman si Manang diba?"

"Nagsimba e. Alam mo naman yun.. " sagot niya sa akin habang isa isa niyang nilalagyan ng platot' tinidor at kutsara yung mga puwesto namin.

"Si Insan? Kinatok mo na?" Tanong ko sa kanya.

Umiling siya sa akin.

"Baka lalong hindi kumain yun no. Kaya ikaw nalang ang kumatok at dating gawi tayo. Sa kuwarto ako kakain at kayo dito."

Sabay kuha niya ng pagkain at pandesal pati yung milo niya.

"Si Keith? Kelan uwi?"

"Di ko alam don. Simula nung nagstay na kami dito FOR GOOD, lagi nang na kila Clarissa yun."

"Di mo man lang ba pauuwiin?"

"Uuwi yun kapag gusto niya."

"Kapatid mo yun uy?"

"OA mo talaga. 2days pa lang naman wala yun. Ang usapan namin 3days lang. Kaya okay na yan."

Tapos tumingin siya sa akin saka ngumiti pa.

"Sige. Tataas na ako."

Paalis na siya sa harap ko nang pigilan ko siya.

Tumingin siya sa akin na may halong pagtataka.

"Bakit?" Tanong niya sa akin.

"Sumabay ka na sa amin. Tatatlo na nga lang tayo dito sa bahay tapos..ganito pa."

"Gusto mo bang mabingi sa katahimikan? Yung tipong mismong pagnguya ng katabi mo, nadidinig pa ng tenga mo?" Medyo natatawa pa niyang nasabe.

"Alam ko. Pero habambuhay nalang bang ganito?"

"Jayem. Isang linggo pa lang naman ang nakalilipas. Anong habambuhay? Syempre. Alam mo naman kung gaano kalaki yung..yung galit sa akin ng pinsan mo."

"Kailangan mong harapin yun. Wag mo kasing iwasan."

"Minsan ko nang hinarap. At alam mo naman siguro kung anong kinahinatnan. Di ba?"

"Iba yun. Kasi.. Iba yun. Iba yung timing nun. Hinarap mo siya agad the night after what happened. Malamang. Talagang puro sama pa ng loob non. Try mo lang ngayon."

"Jayem. Magugutom lang tayo kapag pinilit pa natin."

"SUBUKAN MO LANG. Wala namang mawawala eh."

Tumango nalang siya na parang napipilitan lang siya. Nilapag niya ulit yung plato at mug niya sa mesa. Dahan dahan niyang binuhat yung upuan at dahan dahan ring umupo.

"Okay... Ready na ako." Tumingin siya sa akin at ngumiti ng bahagya.

Kinatok ko si Mark sa kuwarto niya at pinagbuksan naman niya ako.

"Tara... Kain."

"Insan. Samahan mo ako." Sabi niya agad sa akin nang hindi man lang sumasagot sa aya kong kakain na.

"Saan?"

"Simba tayo, tara."

"IKAW BA YAN? Okay ka na?"

Sa Isang Sulyap MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon