Mga 2am na kami natapos maginom. Umuna na umuwi sina Jessica at Denden.
Ako si Mean, Zen at Anah nalang ang tumambay sa Mcbee.
Habang nakatambay kami, inantok na ako at humiga sa mahabang upuan.
Maya maya ay may pumasok na barkadahan. Napabangon ako at napatingin at dahil nakainom na ako at naniningkit at namumungay na ang mata ko.
Hihiga na sana ulit ako pero nagisigaw sa labas yung isa sa barakadahan.
"Putanginamo lumabas ka dito ang sama mo maningin!"
Di namin pinansin.
Ayaw tumigil nung barkadahan sa labas.
"tol teka lang. kakausapin ko lang." bulong ko kina Zen
"Jo wag mong papatulan." pahabol ni Anah
Paglabas ko ng Mcbee.
"Anong problema nyo?" bungad ko
"Ikaw ang anong problema ang sama mo maningin?"
"Nakainom eh." sagot ko
"Wag kang magmayabang hindi mo kami PULAMON!" sigaw niya
"PULAMON? PULAMON? baka PALAMON?" bara ko
*Nanggigigil na sila sa galit.
"Osha wala namang patutunguhan to babalik na ko sa loob." sabe ko
Sabay talikod.
Pagtalikod ko, binuhusan ako ng Mcfloat sa ulo. Edi humarap ako at lumaban na. GERA ANG GUSTO EH. HAHAHAHAHAHA
Nung nakita nina Mean, Zen at Anah ang pangyayari. Naglabas agad ng balisong si Mean. Kaso hindi pumayag si Zen na gamitin ito ni Mean kasi maaaring may mapahamak. Nagaagawan sila ng balisong hanggang sa nabugbog na ako. HAHAHAHAHA Ayos lang napanot ko naman yung buhok nung dalawa kong nahawakan sa ulo. Kaso hawak ako nung apat, tapos nasusuntok pa ako nung dalawa. Pagtingin nila nasa kabilang kalsada na ako kaladkad nung walong babae. 1 versus 8 ??? HEAVEN! HAHAHAHAHAHA Paglapit nila tapos na ang away. Kamusta ang HAIR? HAHAHAHAHAHA
Nagkayayaan na kami umuwi. Pero di pa ako ayos. Gusto ko pa bumawi. HAHAHAHA
Umuwi na kami at nagpalamig ng sitwasyon.
Hayyyy. Nakarating ng safe. May text agad si Mean at Zen
"tol magpahinga ka na." Zen
"Jo ibabawi kita. Ingat ka." Mean
Nun ko lang nakilala si Mean pero ganun na siya kaconcern. Bait :)
Salamat po at nakauwi pa ako ng buhay kahit panot. HAHAHAHAHA Goodnight! <3
Kinabukasan,
Pagkagising ko. Ang sakit ng ulo at katawan ko -_____-
"Anong oras ka na umuwi kagabe o kanina?" bungad ni mommy
"4am na ma. Napaaway ako kagabe eh."
"HA?! ANO NA NAMANG KALOKOHAN MO!!!" sigaw ni mommy
"Aba sila eh. Di ko naman inaano masama daw ako maningin. Binuhusan pa ako ng Mcfloat. Edi lumaban ako."
"Naku ka talagang bata ka, kababae mong tao. Anong masakit sayo? Wag ka maingay sa daddy mo." bulong ni mommy
"Ok lang ako Ma! Strong kaya 'to! HAHAHAHA"
BINABASA MO ANG
Buhay Ng Matinong Bata (ongoing)
RomantizmBuhay barkada, buhay kasama ang pamilya, buhay sa paaralan, buhay kasama ang panginoon at ang buhay pagibig :") #SHORTSTORY