[Tagalog]
Warning: Semi-Sensitive Theme
Makikita natin ang mga Maskara,
Na suot ng mga tao harap sa kamara.
Ngunit, sa kabila ng lahat ng suliranin
Mas may isisigaw pa ang nasasaktang damdamin.Siya'y iyong natatanaw sa iyong harapan,
Nagpapakita ng iba't ibang uri ng kahusayan.
Maya't Maya'y nang umalis sa Tanghalan,
May iniisip na siyang malagim na kamatayan.Nang siya'y makabalik sa kanyang tahanan,
Iniisip na niyang ito tapusin.
Walang nagmamahal sa kanyang katauhan,
Pinapakita na hindi na ito kayang tiisin.Kinuha niya ang kutsilyo sa kusina,
Asido, Lubid, Tela, at iba pa.
Lahat ng ito'y bago niya gawin,
Napigilan pa ang sarili sa matatamasang sakim.Biglang pumasok sa kanyang utak,
Na hindi siya karapat dapat na bumagsak.
Binigyan siyang karapatan na mabuhay,
Dapat pa itong pahalagahan at gawing makulay.Hindi porket hiniwalayan na siya,
Tinalikuran ka na ng buong pamilya.
Maraming nagpapahalaga sa iyo,
Mawala ka lamang, ay magsisi ng todo.[END]
BINABASA MO ANG
The Quill - Collection of One Shots
RandomThis is a book of One Shots I made and will make. Both English, and Tagalog are used