Chapter 11: My Whole Body Is Reacting
Jisoo's POV
Nagising ako mga alas kwatro na ng madaling araw. Lumabas na muna ako para magkape. Pagkatapos kong magtimpla ng kape sympre ininom ko alangan namang niligo ko tsk. Nandito ako sa labas ng balconahe. Medyo malamig-lamig pa dahil madaling araw pa lamang.
Nag-isip isip nalang ako tungkol sa nangyari kahapon. Napabuntong-hininga nalang ako habang nag-kakape. Ano kayang nakain ni Jinyoung kahapon at bakit sobrang bait niya? Dapat nga si Youngjin magkwento sa akin hindi si Jinyoung, kasi siya lang ang tinanungan ko. Pero at least nag-enjoy ako kahapon first time ko eh. Ngunit, baka panaginip lang yun at magbago rin pati ugali niya haist.
Nakalimutan ko ganun na pala si Jinyoung este master simula nung nagkakilala kami.
Lumabas na ako ng kwarto at sa hindi inaasahan nasalubong ko si Mang Vegar. Nagbow nalang ako sakanya, ganun rin siya sa akin at nilagpasan lang niya ako.
Bumaba nalang ako at pumunta na muna ng Garden, oo may garden ang hambog na yun.
Umupo muna ako sa bench at nagpahangin. Bakit ang dami ng iniisip ko ngayon? Kay Jinyoung, yung hindi pagsabi ni Youngjin sa akin at ang awkward namin ni Mang Vegar kanina.
Humugot nalang ako ng napakasariwang hangin.
"Anong ginagawa mo?"
"Ay bampirang kabayo!" halos mapatalon ako sa gulat.
"Anong ginagawa mo rito?" ulit niyang tanong.
"Nagpapahangin lang ikaw?"
"Wala lang. Napansin lang kita na madaling araw na nagising." sabi niya.
"Bakit hinayaan mong si Jinyoung ang nagsabi saakin?" tanong ko.
Tumahimik lang siya at umupo sa tabi ko.
"Si Jinyoung lang kasi ang nakakaalam ng totoo." sagot niya.
"Pero Youngjin bakit ganun ang aura niya? Bakit parang--- hindi ko alam kung paano sasabihin sayo 'to pero--- bakit lahat kayo na nakatira sa bahay na ito ay parang pamilyar? Nagkita na ba tayo dati Youngjin?" seryosong tanong ko.
"H-hindi ko alam." maikli niyang sagot. "Pero Jisoo ikaw lang ang makakapigil kay Jinyoung sa masamang balak niya sakanyang ama."
"Ano yun Youngjin?"
"Ahh sabi ko pumasok ka na dahil may pasok pa tayo mamaya."
"Ahhh salamat sa pagpapaalala."
Tumayo na ako at nauna ng lumakad hanggang sa nakapasok na ako ng bahay.
Youngjin's POV
Bakit hindi mo ako napansin? Bakit Jisoo? May mahal ka bang iba?
Tang*na drama na naman bakit ganito ang nararamdaman ko? Parang bumalik ako sa dati, sa dati na may mahal akong babae ngunit iba ang mahal niya. Bakit magkaparehas sila ng mukha, kilos, gusto at marami pang ibang magkaparehas sila. Bakit? Sino ka ba Kim Jisoo?
Sa sobrang pagdadrama ko baka pumangit pa lalo mukha ko sayang yung kagwapohan ko matagal ko na itong inalagaan eh huhuhu hindi ko namalayan na may isang uwak na papalapit sa akin, napansin ko naman na may dala itong papel. Kanino naman galing to?
Inihulog ng uwak sa akin ang papel at dahan dahan kong binuksan yun. Nanlaki nalang ang mata ko.
"What the F!"
BINABASA MO ANG
A Vampire Prince Fall Inlove With A Simple Girl
VampirKim Jisoo, isang simpleng babae lamang. Mabait, matalino, mapagmahal, study first muna bago love life (lol) at maganda. Paano kung isang araw ma meet niya ang isang Vampire Prince? Paano kung ang matahimik at simpleng niyang buhay ay magugulo na par...