Third Person's POV
"Tasyang! Andyan ka ba? Oy, Ta---Ayy sorry po." naiilang na ngumiti si Sarang sa babaeng lumabas sa cubicle na walang habas nyang kinalampag kanina sa pag-aakalang si Tasyang ang nandoon sa loob
"Nasan na yung babaeng yun? Hindi sinasagot yung tawag ko." napasapo sa noo si Mutya habang inis na idina-dial pa din ang number ni Tasyang kahit na hindi naman ito sumasagot
"Ano? Nandyan ba sya?" hindi mapakaling tanong ni Oyang nung makalabas si Mutya at Sarang mula sa girl's toilet,
"Wala eh." napabuntong-hininga at mariing napapikit si Oyang sa isinagot ni Mutya,
"Oyang, saan ka pupunta?" tanong ni Ken nang maglakad paalis si Oyang,
"Hahanapin si Tasyang." tumigil saglit si Oyang, saka akmang magpapatuloy ulit sa paglalakad
"Teka lang, Oyang! Nalibot na natin ang buong school--" pagpigil ni Nando
"Edi hahanapin ko sya sa labas ng school." pinutol ni Oyang ang sinasabi ni Nando,
"Susuyudin ko ang buong Puraka kung kinakailangan." sabi ni Oyang,
"Pero Oyang, hindi tayo pwedeng umalis nang--" may sinasabi pa si Sarang ay sumabat na si Lino,
"Dito na lang kayo Sarang, ikaw rin Mutya. Ken, Nando maghiwa-hiwalay tayo para mas mabilis." sabi ni Lino saka dali-daling kumilos.
Naiwang walang kibo si Mutya at Sarang.
"Hay, sana mahanap nila si Tasyang. At sana walang mangyaring masama sa kanya." sabi ni Sarang,
Tiningnan nya si Mutya na hindi nakasagot.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Sarang sa kaibigan,
Tumango naman si Mutya, "Nag-aalala lang ako. Tara na sa hall." sabi ni Mutya at pinilit na ngumiti kay Sarang at pilit na inalis sa isipan ang pagkagulat sa naging asta ni Lino. Pinilit niyang huwag mag-isip at bigyan ito ng kahulugan.
Pagkatapos ng presentation kanina ay umalis na ang mga magulang. At doon nila napag-alaman na nawawala na si Tasyang, ang buong akala nila ay nagpunta lamang ito sa CR.
Nakaupo na si Sarang at Mutya sa table na naka-assign para sa kanilang magkakaibigan. Naka-set-up na ang hall para sa kanilang disco ball. Kahit nagkakasiyahan sa paligid ay hindi mapakali ang dalawa sa pagkawala ni Tasyang. Panay ang pindot ni Mutya sa kanyang cellphone, si Sarang naman ay hinihintay ang sasabihin ni Mutya.
"Nag-text na ba sila?" tanong ni Sarang kay Mutya,
"Hindi nagre-reply si Lino eh." sagot ni Mutya,
"Let's hope na okay lang si Tasyang." sabi ni Sarang,
"San ba kasi nagpunta yung babaeng yun." sabi ni Mutya at tumayo
"San ka pupunta, Mutya?" tanong ni Sarang,
"Sarang kanina pa silang naghahanap, alangan namang tumunganga lang ako dito." hindi na mapigilan ni Mutya ang damdamin dahil sa pag-aalala nya kay Tasyang, hindi pa nito kabisado ang buong lugar at alam nilang nagkalat ang mga walang modo sa paligid kaya hindi na sya mapakali
"Teka Mutya, sama ako." sabi ni Sarang,
"Dito ka na lang Sarang, baka bumalik dito si Tasyang." wala nang nagawa si Sarang at bumalik sa kinauupuan
....
"Ma, nandyan na ba kayo sa bahay?" tanong ni Oyang sa mama nya nang makausap ito sa cellphone,
["Oo, kararating lang namin. Bakit?"] sagot ng mama ni Oyang,
"Nandyan ba si Tasyang?" tanong ni Oyang,

BINABASA MO ANG
Mission: Act Like a Probinsyana
Teen FictionTasha, who has been trained to be the successor of her dad, a high profile secret agent, was sent to the province of Camarines Sur for an important mission to prove that she's ready to enter the work force. Her mission: act like a PROBINSYANA in ord...