Chapter 06...
Taimtim akong nakikinig sa teacher ng maramdaman kong biglang nag-vibrate ang phone ko. Palihim ko itong kinuha at inilagay sa gilid ko. Tumatawag si Hero. Naramdaman Kong may nakatingin sa akin mula sa likod kaya agad ko s'yang nilingon.
Nanlaki ang mga mata nya ng magtama ang aming paningin. Mabilis kong itinago ang phone ko at humarap sa teacher.
~Class 01~
~Class 02~
~Break Time~
Mabilis akong tumayo ng tumunog ang bell, hudyat na tapos na ang klase. Nagtipa agad ako ng mensahe para Kay Hero na papunta na ako sa music room. Minadali ko ng bumaba para makabalik agad ako sa klase.
Binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob kung nasaan ang mga kaibigan ko. Tumayo silang lahat ng makita ako. Nilapitan ako ni Hero.
"Anong problema?" Tanong ko agad.
"Kailangan nating pumunta sa camp." Sagot ni Hero. Tiningnan ko sila isa-isa pero seryoso sila.
"Ngayon?" Takang tanong ko. Tumango naman sila.
Pumunta kami sa ground kung saan nandoon ang daan pababa at palabas sa lupa. Sumakay kami sa kanya-kanya naming sasakyan at mabilis na pinaharurot 'yon pababa sa ilalim ng lupa.
"Tunnel activated." Dinig Kong sabi ni Hero sa earpiece ko. Mabilis Kong pinaikot ang manibela ng kotse ko at parang nakikipag-karera lang kami sa bilis naming magpatakbo.
Nang makalabas ay una-unahan na kaming pumunta sa secret camp.
Nagpark ako sa tabi ng kotse ni Hero. Nagkatinginan pa kami bago sabay na lumabas at pumasok sa gate na sobrang taas. Malaki ang camp dahil nag-iisa lang to at malalayo ang mga bahay. Pinaliligiran 'yon ng matataas at makakapal na semento, may laser pang kasama.
Sabay-sabay kaming pumasok ng mailagay na ni Hero ang passcode at ma-scan ang kamay n'ya.
Bumungad agad sa'min ang mga nagte-training na mukhang baguhan palang na nagkalat sa labas. Napahinto pa sila sa ginagawa ng matanawan kami. Sumenyas ang mga trainer nila na ipagpatuloy ang ginagawa.
Malaki ang camp. May tatlong building. Una, ay loft room ng mga baguhan sa first floor, trained na sa second floor, at trainers o mga veterans sa third floor.
Pangalawa, ang head office ng mga may mataas na posisyon at mas malalakas sa amin. Nandoon rin ang mga kuwarto nila. Sa first floor ang mga gamit tulad ng mga baril, bombs, laser, safety gear at marami pa.
Pangatlo, ang office ng namumuno sa lahat. Sa first and second floor ay kung saan sinusubok kung ano at hanggang saan ang kaya nilang gawin. Dito na gagamitan ng dahas o may kasama ng mga baril, kutsilyo, espada, etc. ang mga pwede ng utusang mag umbestiga, makipag laban, at mag panggap. Sa third floor naman ang office suite ni King, ang pinuno ng lahat.
Pumasok kami sa pintuan ng first floor sa building ni King. Wala pang nakakakita sa itsura nya dahil lagi siyang naka-mask na itim at shades. Kahit gano'n ay alam kong matanda lang sya sa akin ng apat na taon base sa katawan at pananalita nya.
Pumasok kami sa elevator paakyat sa third floor. Ilang minuto lang ang nakalipas at nakarating na kami sa bungad ng office ni King. Kusang bumukas ang pinto ng office nya at agad naman kaming pumasok.
Bumungad sa'min ang nakatayong lalaki at nakatalikod sa amin habang nakahalukipkip. Gayun pa man, alam ko ng si King ito. Medyo malaki ang katawan nya at halatang alaga sa gym na bagay naman sa suit na suot nya. Ang clean cut na blonde nyang buhok ay bumagay sa maputing batok nya. Wala syang hikaw o kahit ano pa.
Dahan-dahan siyang humarap sa amin. Tulad nga ng sabi ko kanina ay naka-mask at shades sya. Pinagmasdan ko ang paggalaw ng kamay nya papunta sa neck tie nya na siguro ay niluwagan nya.
"Nakaabala ba ako sa klase nyo?" pormal na panimula nya.
"A li'l bit, King." diretsong sagot ko.
May shades 'man sya ay alam kong sinamaan nya ako ng tingin kaya tumaas ang gilid ng labi ko at tiningnan sya ng diretso.
"Anyway, kaya ko kayo pinapunta dito ay may nakarating sa akin na may nakakaalam na nagmamanman kayo sa loob ng school. He's a transfer student." patuloy nya sa kanyang sinasabi.
Kumunot ang noo ko. Transfer?
"And who the hell is he?" tanong ko.
"Well, His name is hmmm... Sheen.... And I forgot his last name. Wait let me think of it." parang tangang kunyari ay nag-isip pa siya. Humalukipkip ako at tiningnan siya ng masama.
"Ah! Yeah, Sheen Hiller!" biglang usal niya. Bahagyang tumaas ang balikat ko dahil sa gulat.
"Tss." nasabi ko nalang.
"May problema ka ba sa akin, Miss Lavigne?" Diretsong tanong niya sa akin.
"Nothing." tipid na sagot ko.
"Okay, you can go, except you, Lavigne." mariing usal niya nang umamba akong lalakad na.
Tumingin sila sa akin at sinenyasan ko nalang na umalis na. Humarap ako kay King na ngayon ay tatlong talampakan nalang ang layo mula sa akin. Tiningnan ko siya ng diretso nang masiguro kong wala na ang mga kasama ko.
"What do you need?" Tanong ko. Tinanggal niya ang mask at shades niya. Kumunot ang noo ko. Bakit niya ipinakita sa akin ang mukha niya?
"Alam kong hindi mo ipagkakalat ang ka-gwapuhan ko ngayong nakita mo na ako. Matagal na kitang napapansin, Lavigne. You were always there, giving me such annoying expression." Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko.
"Is that it?" tanong ko. Lumapit siya sa akin na kaunti nalang ay magdidikit na ang ilong namin dahil yumuko siya sa mismong mukha ko. Hindi ako umatras. Tumaas ang sulok ng labi ko at tinitigan siya ng diretso sa mata.
Bumaba ang tingin niya sa aking mga labi. Tss. Walang ano-ano ay hinila ko siya sa batok palapit sa akin at hinalikan siya na agad naman niyang tinugon. Hinapit niya ang baywang ko at mas pinalalim pa ang halik namin. I feel him turned on. I smirked between our kisses. I bit his lips before he touch my boobs and push him.
"I think you need to masturbate. Bye, King." nakangising usal ko bago lumabas sa kwartong iyon. I heard him cursed before I already closed the door.
BINABASA MO ANG
The Seducer
RomanceIsang babaeng walang pakundangang magsalita ng bastos sa kahit na sino'ng makaharap nya. Babaeng magaling mang-akit pero hindi mo aakalaing 'BIRHEN'. Lahat ng Lalaking gumugulo o gustong saktan sya ay automatic na naa-akit sakanya... kahit wala nama...