Ugh! Umagang-umaga may naglalandian. At ang nilalandi? Boyfriend KO lang naman... grabeh lungs! Ngayon lang ako nakakita ng magbestfriend na naglalandian sa harap ng girlfriend.
Ehem! Marahan kong pagpaparinig sa kanila. Ano to bastusan?
Ai! Ui! Anjan ka pala ai hindi wala. Wala
Pwede ba tayong mag-usap? Iritado kong tanong. Nakakainis!
Mae, excuse lang ha? Sabi ni Tian (tyan)
Ha? Bakit san ka pupunta? O-ouch! Sabay hawak niya sa ulo niya
Hey! Masama ba pakiramdam mo? Tanong ni Tian sa kanya na halatang nag-aalala sa nag-iinarte niyang "bestfriend"
Sorry Annabelle, kailangan ko munang samahan si Mae sa clinic. Mamaya na lang tayo mag-usap. Kaasar talaga tong lalakeng 'to. Sino ba sa amin ang girlfriend?? Inalalayan niya muna si Mae at dumiretso na sila sa clinic. Pero bago pa sila makalabas ng tuluyan ay kinidatan muna ako ng bruhang si Mae. Ugh!!
Hay... napapasigh na lang ako habang hinihintay si tian dito sa room. bakit wala pa sila? Antagal naman ata nila masyado. Mag-uuwian na pero wala pa rin sila.
Goodbye class. Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh. Uwian na, at hindi sila pumasok.
Ahh, Ms. Quintos. Pakibigay naman ito kay Mr. Romulo
Yes Ma'am.
Good afternoon Sir. Bati ko kay Mr. Romulo. Siya ang head sa Social Studies Deparrment.
Yes? What can I do for you? Tanong niya
May pinapabigay lang po si Ma'am Dominguez inabot ko na sa kanya yung sobre at dumiretso na ng uwi
What a day. Napapansin ko lang this past few weeks. Laging nakabuntot si Mae kay Tian. Pinagsabihan ko na din siya na lumayo-layo sa boyfriend ko pero mas makapit pa sa linta kung makakapit at kasing kati ng higad kung manglandi
Flashback
Mae, pwede mo bang layuan ang boyfriend ko? Ilugar mo naman ang sarili mo. May girlfriend yung tao pero sige ka pa rin sa kakabuntot sa kanya
At bakit ko naman gagawin yon? Sino ka sa akala mo ha? Eh SOON TO BE EX-GIRLFRIEND KA LANG naman ng SOON TO BE BOYFRIEND KO! Sagot niya sa akin na kinainis ko ng sobra. Pigilan niyo ko masasabunutan ko to
Excuse me lang po ha? Wag kang masyadong feeler, tyaka babaan mo ng konti yung lipad mo baka bumagsak ka ng wala sa oras.
Sinasabi mo bang walang pag-asa na maging kami ni Christian?? Ang kapal ng mukha mo
Kung may makapal man ang mukha sa atin ikaw yun!!! Back off b*tch!
Aba! Sabay sabunot niya sa akin. Pero sorry na lang siya, hindi ako yung tao na nagpapakita ng kahinaan sa iba. Ginuyod ko din ang buhok niya at napasigaw siya
Aray! Bigla na lang siyang umiyak pwe! Kala mo kung sino
Huhuhu... hagulgul niya
Eh hanggang salita ka lang pala eh. Akala mo kung sino ka kung magsalita. Pwe! Sa susunod tignan mo muna kung sino ang kina – napatigil ako sa pagsasalita ng Makita ko siyang ngumiti ng nakakaloko.
Huhuhu.... Wala naman akong ginagawa sayo ah. Ano bang ginawa ko? Bakit mo ko pinapalayo kay tian?? Huhuhu...
Masyado ka kasing malan –
Annabelle!! Napatingin ako sa taong nagsalita
Ano na naman ba to?? Konting respeto naman sa tao ako pa ngayon ang may kasalanan
Respeto? Itanong mo muna jan sa malandi mong kaibigan kung ano nga ba ang salitang respeto.
Shhh... tahan na. ano na naman ba ang ginawa sayo ni Mae? Nakita ko ang lahat. Nakita ko kung paano mo siya pagbuhatan ng kamay. Mariin niyang pagkakasabi
Nakita mo? Sigurado ka? Alam mo tian nakakasawa na din kasi eh. Ayoko na. ako lang ang nagsasalba sa relasyon na 'to. Bukas na lang natin pag-usapan to tian. Bago ako tumalikod ay binigyan ko muna sila ng mapait na ngiti. Mabilis akong pumarada ng tricycle at umuwi
Hindi ako iiyak. Hindi ako iiyak. yan ang mga katagang lagi kong sinasabi sa sarili ko kapag nasasaktan ako. Sabi ko sa sarili ko, masaktan man ako ng hard, hinding-hindi ako iiyak sa harap ng taong mananakit sa akin dahil 'pag ginawa ko yun para ko na din sinabi sa kanya na nagtagumpay siya sa pananakit sa akin. Pero bakit ganun? Kahit anung pilit ko, naiiyak pa rin ako. :(
End of flashback
A/N: please leave some comment po. para malaman ko kung panget, waley, or what so ever. thank you ^___^
BINABASA MO ANG
So this is how it feel (Completed)
HumorThis story is about a girl na sinaktan at pinaiyak ng kanyang mahal-- her boyfriend. Sobra siyang nasaktan to the point na gusto niya siyang kalimutan at iparamdam din sa lalakeng nang-iwan sa kanya na masakit pala. Gusto niyang iparamdam sa lalake...