Chapter 42: Just A Game.

108 4 0
                                    

Rain

"Rain. I like you"- napanganga ko sa sinabi nya. Ano daw!?

"H-ha?".

"Tayo na ha!".

"H-ha!? B-bakit?".

"Gusto mo rin ako di ba?".

"H-ha? T-teka-

"Gusto mo ba ko o hindi?".

Gusto ko nga ba sya o Hindi?

"G-gusto.."- gusto ko takpan yung bibig ko sa sinabi ko. Bat ko sinabi yon!?

"Great. So the feeling is mutual. So from now on we're on ok?".

"A-ano!?".

"You won't regret it rain. Trust me".

Di pa rin ako makapaniwala. Ako at si devin na! May boyfriend na ko. Ang bilis bilis ng mga pangyayari. Ni hindi ko nga maintindihan yung nangyari.

Basta hinalikan nya ko, sinabi nyang gusto nya ko at sinabi ko namang gusto ko din sya. And then kami na! Maloloka ata ako! Dahil ba sa nag english sya kaya napa oo na lang ako? Nakaka intindi naman ako ng english ha?

Pagulong gulong lang ako sa kama, hindi na ata ako makakatulog. Para bang may kumikiliti sakin kasabay ng parang may humahampas sa dibdib ko dahil ang lakas ng kabog non.

Bat sumagot ako agad? Bat sinabi kong gusto ko din sya? Bat kung anong sabihin nya napapatango na lang ako?

Hantik pa kong malaglag sa kama ng biglang tumunog yung cellphone ko. May tumatawag sakin! Si Mr.Devin! Hiningi nya yung number ko kanina at binigay ko naman agad. Ang easy to get ko grabe! Naghahadali ko yong sinagot.

"H-hello?".

"Rain".

"O-oh?".

"I miss you".

"H-ha?".

"Kagaya ko ba. Nami- miss mo rin ako?".

"Oo"- natakpan ko yung bibig ko sa sinagot ko. Ang galing ko, di manlang muna ko nag isip bago sumagot.

"Glad to hear that. Tinawagan lang kita para malaman mong nami- miss na kita. Excited na kong makita ka tomorrow. Matulog ka na ha? Maaga tayong papasok bukas para makabawi sa mga staff ng resto".

"S-sige".

"I love you"- naghahadali ko nang pinatay yung cellphone bago pa ko sumagot ng di nag iisip.

Tulala na lang akong napatitig sa bubungan. Kinapa ko yung dibdib ko na ang lakas lakas ng kabog.

"Bakit gantong nararamdaman ko? Ganto ba yung feeling pag in love? In love na ba talaga ko!?".

Kinaumagahan maaga ulit akong naghintay sa park, sinuot ko yung dress na binili nya sakin pati yung sapatos na may heels.

Nakwestyon pa nga ako nila appa kung bakit ang ganda ganda ko, inamin ko sa kanila na may boyfriend na ko. Ala naman akong nililihim sa kanila, pati nga ang pagkatagpo ko kay kuya ay sinabi ko sa kanila.

Nakikita ko namang masaya sila sa nangyayari para sa akin, sinabi nilang ipakilala ko daw si devin sa kanila para daw maging pormal ang relasyon namin, tumango ako bilang pag sang ayon pero di ko napag isipan kung sasang ayon din ba si devin na ipakilala ko sya sa kanila.

Mayaman kasi si devin, samantalang ako mahirap lang. Baka nga di alam ng magulang nyang may girlfriend syang mahirap.

"Wow ate, nag level up ka ha!".

MY EVERYTHING [The Bodyguard Part 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon