Nakasubsob ang ulo ni Edward sa desk sa isang bakanteng classroom.
Nagpunta sya dun para pagtaguan yung mga nambubully sa kanya.
Araw araw na lang na lumipas ay pinagkakatuwaan sya ng grupo nila Christian.
Ang sikat na basketball player sa school nila.
Sawang-sawa na sya.
Tinakasan nya ang mga bully at napadpad sya dito sa classroom na ito sa kabilang building.
Hindi na siguro sya makikita ng mga iyon dahil mukhang walang gumagamit ng classroom na ito.
Hihintayin nyang magbell bago sya bumalik sa klase para siguradong wala na sila Christian.
Nag-angat sya ng ulo ng maramdamang may kumalabit sa kanya.
"Excuse me! Upuan ko yan!" sabi ng babaeng may napakagandang ngiti.
Inayos ni Edward ang eyeglass nya.
"Ahm sorry! Ang akala ko kasi walang nagkaklase dito!" at tumayo na sya sa kinauupuan para bigyang daan ang babae.
"Ay sige na nga! Dahil gwapo ka naman papayagan na kitang umupo dyan!" pigil nito sa kanya.
"Eh paano ka?"
"Hello! Ang dami pa kayang ibang upuan!"
Napangiti naman si Edward sa facial expression ng babae.
Nakakaaliw ang bawat paggalaw ng mukha nito.
"Malelate ka na sa klase mo!"
"Hindi pa naman nagbebell!"
"Shhhh...." sumenyas ito na parang pinapatahimik sya at saktong tumunog ang bell.
"Sige na bumalik ka na sa classroom mo! Wala na sila Christian dun sa hallway!" at iginiya pa sya nito papalabas.
Nang makalabas sya ng classroom na pinasukan ay saka nya naisip na paano nalaman ng babae ang tungkol kanila Christian.
Lumingon sya para tanungin ito pero hindi nya na nakita ang babae.
"Baka nag-umpisa na rin ang class nya!" naisip ni Edward.
Sya naman ay nagmadaling bumalik sa classroom nya.
Tama nga ang babae.
Wala na sila Christian kaya walang problema na nakapasok sya sa klase nya.
Buti na lang at hindi sya napansin ng teacher nya na kapapasok nya lang.
Naisip ni Edward na hindi man lang nya naitanong ang pangalan ng babae.
"Sana makita ko ulit sya bukas!" isip nya.
Natapos ang klase nila ng walang insidente.
Lumabas na sya ng classroom at tumingin sya sa paligid.
Himala na wala si Christian at ang grupo nito na madalas ay nag-aabang sa kanya.
"This must be my lucky day!" at ngingiti-ngiti pa syang naglakad pauwi.
Pagdating sa bahay ay inabutan nya ang mommy nyang nagluluto ng dinner nila.
Hindi alam ng mommy nya ang tungkol sa dinadanas nyang pambubully sa school.
Ayaw nya na kasing mag-alala pa ito.
Sila na lang ng mommy nya ang magkasama sa buhay.
Hiwalay na ito sa daddy nya.
Dahil mas close sya sa mommy nya ay dito sya sumama ng bumalik ito ng Pilipinas.
Nakatira sila dati sa Germany.
Nanibago sya sa Pilipinas.
Naging mahiyain sya simula ng maghiwalay ang mga magulang nya.
Wala syang kaibigan sa school kaya madalas syang binubully ng grupo nila Christian.
"Anak, gutom ka na ba? Sandali na lang ito!"
"Okay mom! Ako na magset ng table natin!'
"Thanks anak"
Habang kumakain sila ay ikwinento nya ang pagkikita nila ng babae sa kabilang building.
"You know mom, I met this girl with the most beautiful smile!" at nakangiti pa sya habang sinasabi iyon.
"Mukhang nalove at first sight ang binata ko ah!"
"I just love her smile mom!" nangingiting sabi ni Edward.
"Masaya ako na nakikita kang nakangiti!"