Kinabukasan ay excited na pumasok sa school si Edward.
Gusto nyang makita ulit ang babae.
Sa school ay himalang walang Christian na nag-aabang sa kanya.
Pero kahit na ganun ay nagpunta pa rin sya sa kabilang building.
Nagbabakasakali syang makita nya ulit ang babae.
Natapos na lang ang klase ay hindi nya ito nakita.
Hindi rin nya nakita buong araw ang grupo nila Christian.
Nagpunta sya ng library para magresearch.
Pagkakuha nya ng libro ay may humawak din nito sa kabilang aisle.
Nang silipin nya ay nakita nya yung babae.
"Hi!" sabi nito at ngumiti na naman sa kanya.
Nataranta sya kaya nabitawan nya ang libro.
Pinulot nya ang libro at nagkasabay pa sila ng paghawak ng babae.
"How...?" takang isip nya.
Ang bilis naman nitong nakalapit sa kanya.
"Sinusundan mo ba ako?" tanong ng babae kay Edward.
"No!" pagtanggi nya.
Nakita nya ang lungkot sa mga mata nito sa sagot nya.
"But I was looking for you kanina sa classroom nyo!" at ngumiti sya dito.
Ngumiti rin ang babae.
"Talaga? Bakit mo naman ako hinahanap?"
"I wanted to ask you your name. I'm Edward by the way!" inabot nya ang kamay dito.
"Maymay!" nakipagkamay ito sa kanya.
"Nice to meet you Maymay!"
"Shhhh....Silence! You're in the library!" saway sa kanila ng masungit na librarian.
"Hala lagot ka Edward!" bulong ni Maymay.
"Bakit ako lang? Ikaw rin kaya!" bulong rin ni Edward.
"Gusto mong sumama sa akin?" bulong ulit ni Maymay.
"Saan?"
Tumingin si Maymay sa relo ni Edward.
"Naku! Kailangan mo na palang umuwi!"
"Huh?"
Tumunog ang bell ng library hudyat na oras na ng pagsasara nito.
Lumapit ang isang student assistant para sabihin na oras na ng closing.
"Closing time na."
Lumingon si Edward dito.
"Ah thanks!"
Pagka-alis nito ay bumaling si Edward kay Maymay para yayain nya ng umuwi ito.
Pero pagkatingin nya ay wala na ang dalaga.
Tumingin-tingin pa si Edward sa paligid para tingnan kung nanduon pa si Maymay pero hindi nya na makita ito.
Napakamot na lang sya sa ulo at tumayo na rin sya para umuwi.
Napansin nyang hawak nya ang libro kanina kaya tinanong nya ang librarian kung pwede nya pang hiramin iyon.
Pumayag naman ang librarian at inuwi nya na nga ang libro.
Sa bahay, gumagawa na sya ng assignment ng mapansin nya ang papel na nakaipit sa libro.
Binuklat nya ito.
Kita tayo bukas lunchtime sa rooftop ng building kung saan una mo akong nakita! ♡ Maymay ♡
Napangiti sya sa nabasa.