GG part 4

317 33 2
                                    

Kinabukasan sa school ay ipinatawag sya ng coach ng soccer team nila.

Nagtataka sya dahil hindi naman sya kasali doon.

Dati nung nasa Germany sila ay naglalaro sya non.

"Edward, sit down!" bungad sa kanya ng coach.

"Bakit nyo po ako pinatawag coach?"

"Nabalitaan ko kasi na dati ka palang member ng soccer team nyo sa school mo sa Germany, gusto sana namin sumali ka sa team!"

"Ako coach? Pero hindi naman po ako nagtry - out sa team!"

"Don't worry about it! I've watched videos of your games and I must say, I'm very impressed!"

Natahimik lang si Edward.

Kinamayan sya ng coach.

"So... welcome to the team!" at kinamayan na sya nito.

Hindi na rin tumanggi si Edward dahil namimiss na rin naman nya ang paglalaro ng soccer.

Tumunog ang bell.

"You can go back to your class now. See you tomorrow at practice!"

Pagkalabas nya ng opisina nito ay nakita nyang naroon si Maymay.

"Congratulations!" bati nito sa kanya habang nakangiti.

"How did you know?"

"Atin atin lang ito ha?" bulong nito sa kanya.

"Okay how?"

"Ganito!"

At inilapat nito ang tenga sa pinto ng opisina ng coach.

"Nakinig ako sa usapan nyo!" natatawang sabi nito kay Edward.

Natawa na rin tuloy ang binata.

"Tara na nga! Let's go back to our rooms!" aya nito sa dalaga.

Hinawakan nya ang kamay ng dalaga.

Tumingin sa kanya ang dalaga.

Alanganin syang ngumiti dito na hindi binibitawan ang kamay nito.

Nang ngumiti rin lang sa kanya ang dalaga ay nag-umpisa na syang maglakad.

Ihahatid nya sana ito sa classroom pero hindi na pumayag si Maymay.

"Wag na! Malelate ka na sa klase mo! Kaya ko na ang sarili ko!" sabi nito habang itinutulak sya papasok ng classroom nya.

Tumunog ang bell.

Paglingon nya para sana magpaalam sa dalaga ay wala na ito.

Pagpasok nya sa classroom ay napansin nyang nakatingin sa kanya ang mga kaklase nya.

Hindi nya na pinansin iyon dahil ganun naman ang mga yun sa kanya.

Iniiwasan sya ng mga ito dahil ayaw nilang madamay sa pambubully nila Christian.

Umupo na sya sa pwesto nya at dumating na rin ang teacher nila.

Natapos ang araw at umuwi na sya.

Habang naghuhubad sya ng school uniform ay may nakapa sya sa bulsa ng polo nya na papel.

Good luck sa first day mo as a soccer player! Alam kong kayang kaya mo yan!

P.S. Wag mo akong kakalimutan kapag sikat ka na ha! ;)

Your #1 fan ♡Maymay♡

Umiling sya.

"That won't ever happen!" ang bulong nya sa sarili.

Pagkabihis ay lumabas na sya ng kwarto para kumain ng dinner.

Ibinalita nya sa mommy nya ang pagkuha sa kanya ng soccer team.

"That's great anak! I know how much you miss playing soccer!"

"Yeah mom! Ngayon ko lang narealize na namiss ko nga ang soccer!" nakangiting sagot nya sa ina.

Nagpatuloy sila sa pagkain.

"Mom, can I buy new sets of contacts?"

"Oo naman! Pagkakain natin sumaglit tayo sa optical shop para mapacheck natin ang mata mo!"

"Thanks mom!"

Random ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon