Chapter Twenty two:
Gavin Hayes
Nagka-ayayaan sila na pumunta sa hideout nila Brynn. Ewan ko ba sa mga yan, balita ko nakauwi na ang apat na kaibigan pa ni Brynn. I wonder kung sila ba talaga ang BSG dahil sa pagkaka-alam namin apat lang sila.
Andito kami sa may kotse at si Reighn muna ang kumausap kay Addy or sa madaling salita si Wren. Addison Wren. Si Razeph naman ay kanina pa naiinip dito sa sasakyan.
Hindi nagtagal ay bumaba na kaming pito at pumunta kung nasan sila Reighn at Addy. Naabutan namin silang naguusap kaya tumayo kami sa likudan ni Reighn.
"Ahh...Addy! Sila Steven, Landon, Lincoln, at si---Hi baby! Razeph is my name." Biglang singit ni Razeph. Umiiral nanaman ang pagka-playboy nito. Napailing nalang kami sa inasta niya.
"Addison." Tipid niyang pakilala. Kilala naman namin ang isa't isa maliban sa apat na ito. "Baby free ba kayo later? Join with us. Don't worry we're goodboys." Sabi ni Raz tsaka inakbayan at kinindatan si Addy.
Hindi pa nagtatagal ang pag-akbay ni Raz ay agad ng inikot ni Addy ang kamay niya papunta sa likod nito. At tila may binulong sa kanya. "Ahh, Shit! Okay, okay. I'll stop, Just let me go." Daing sa sakit ni Raz ng diinan ni Addy ang pag bali ng kamay niya. Tinaas pa nito ang kanang kamay na halatang titigil na.
Binitawan naman siya agad ni Addy at lumayo ng konti. "Pagpasensyahan mo na si Raz, ganyan lang talaga yan. So if you don't mind baka pwedeng papasukin kami hehe." Saad ni Reighn at nagiwas ng tingin. Aba ang loko naiinlab na ata.
Sinenyasan lang kami ni Addy na sumunod sa kanya. Habang papalapit kami sa pinto tila bumabagal ang lakad niya. "Stop." Mahinang sabi niya at sinenyasan kaming umupo. At maging siya ay nagtago. Kahit di namin alam kung bakit ay sumunod nalang kami.
Pagkabukas ni Addy ng pinto ay sumalubong samin ang napaka daming daggers. Buti nalang ay pinaupo at pinayuko niya kami. Nakita naman naming may dalawang babae ang naguusap. Yung isa si Pearl. "Aww. Hindi man lang nadaplisan si Wren? Bakit ganon?" Sabi nung isang babae kay Pearl.
Bigla namang nilahad ni Pearl ang kamay niya sa harapan nung isang babae. Base saking nakikita may pagka childish din ito, "The deal is the deal." Sabi ni Pearl ng may malawak na ngiti. Mukhang di nila alam na nandidito kami ah.
"May isa pa tayong deal diba? Kung sino ang mauna sating walo sa U---COURTNEY!" Ahhh so Courtney pala name niya. Unahan saan kaya? Hindi namin narinig ang sasabihin niya dapat ng biglang sumingit ang medyo matangkad na babae.
Pinatayo na kami ni Addy at tumikhim siya para maagaw ang atensyon ng dalawa. "Nadaplisan ka ba Addy? Okay ka lang ba? " halatang concern ang mokong. Nagtaka naman kami--nila pala dahil sa pagtatanong ni Reighn.
"Ahh...Eehh haha, o-okay l-lang ako Reighn salamat. Pasok na kayo, pasensya na ah? Ganto lang talaga sila magharutan." Medyo utal niyang saad. At pinanlakihan niya ng mata ang dalawa.
"Mianhaeyo...(I'm sorry)" Sabi nung Cortny ba yon? Ahh ewan basta. "I'm Courtney." Dugtong pa niya. Tinignan lang namin siya kaya napa-pout siya. Courtney pala. HAHA
"Take a sit. Oy kayong tatlo lapit kayo dito dalian niyo." Sabi niya, at pinakilala ito samin. Si Kaleah at yung Yvette ay di lumapit dahil naglalaro sila. Tinuro nalang niya samin. Mukhang wala si Brynn dito ah?
"Bakit nga pala napunta kayo dito?" Tanong ni Pearl habang kumain ng chocolate.
"Aayain kasi namin kayo mag bar mamayang gabi." Sabi ni Aimon.
"Eh bat kami pa? Atsaka may lakad kami kaya di kami pwede." Saad ni Wren habang may dalang mga chips at drinks.
"Sama nalang kami sainyo para masaya." Sabat naman ni Lincoln na may malapad na ngiti.
"Hindi sasaya kung nandon ka." Biglang sabat ni Yvette na kakadating lang. Kasama si Kaleah, tapos na siguro si maglaro.
"Bakit? Sila lang naman kasi kausap ko. Hindi ka kasali." Inis na sabi ni Lincoln. Ewan ko nalang kung di magkatuluyan to.
"Nasan si Brynn?" Tanong ni Addy kay Kaleah. Tanging kibit balikat lang ang sagot nito. "TR." Sagot ni Hillary. Yes, kilala na namin sila lahat. TR ano yun?
"Nakita namin kayo Kaleah nung Racing ah?" Biglang sabi ni Reighn. What the fudge!? Bakit sinabi niya?
"Really? Bat di namin kayo nakita?" Tanong ni Pearl habang may kinakalikot sa cellphone niya.
"Kasi nasa kabilang side kami kaya di niyo nakita. Ang galing nga ni Brynn eh, Diba boss?" Sabi ni Reighn at siniko siko ako. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Whhaatt!? Lumaban na ulit si Brynn? Sino kalaban niya?" Sabay na tanong ni Courtney at Hillary. Nagtakip naman ng tenga si Kaleah. Sigaw ba naman eh.
"Easy. Si Cooper." Bored nitong sagot. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila. Ganon din si Devon.
"Tignan mo nga naman. Kompleto kayo ngayon ah. Nasan ang magaling niyong leader?" Gulat kaming napatingin sa may pinto ng may mga armadong lalaki na nakasuot ng mask.
"Russ Gang..."
*****
Courtney Skye On Multimedia👆
Chapter twenty two done. Hope you like it. Kamsahamnida~
BINABASA MO ANG
Long Lost Mafia Girls
Ficção AdolescenteKiersten, a cold, sarcastic, emotionless, and a mean girl meets 3 girls similar to her. They formed a group named "Black Shadow Gang". She trained them to be undefeated gangsters like her,but before that she have a 4 remaining member in other count...