A Dream

29 11 6
                                    

 dream /drem/

noun

        1. a series of thoughts, images, and sensations occurring in a person's mind during sleep.

According to Freud, every dream represents a wish fulfillment.

Maraming meaning ang salitang DREAM at ayon din sa mga mananaliksik marami din itong kahulugan. Maraming tao din ang nakakaranas na ang panaginip nila nangyari sa katotohanan, may nag sabi sa akin na ang panaginip daw ay maaaring may kinalaman sa hinaharap. Pero paano na lang kaya kung yung panaginip mo nangyari nga sa totoong buhay? Gugustuhin mo pa bang managinip na lang kung mangyayari din naman ito sa totoo buhay?

Cause I'm dreaming of you tonight

Till tomorrow I'll be holding you tight

And there's nowhere in the world I'd rather be

Than here in my room dreaming about you and me

Nasa isang branch ako ng 7/11 pero anong ginagawa ko dito? Nakita ko si Geof nasa loob ng convinient store at pumasok ako dun para kausapin sya nakita ko dun sa loob na kumakain sya ng Dunkin Donut. Pero mabilis lang ang pangyayari at the same time hindi sya ganoong kalinaw para sa akin, nakita ko na lang ang sarili ko sa harap ng isang pedestrian lane at naghihintay ng jeep at si Geof naman ay nasa kabilang kalsada at parang pauwi na rin. Nakatingin lang ako sa kanya at ganon din sya sa akin, ang saya ko nararamdaman kong parehas lang kami ng iniisip at nararamdaman. Gusto nya rin kaya ako?

Minulat ko ang mata ko, panaginip lang pala ano ba yan?! Kahit sa panaginip hindi pa rin masagot yung tanong ko kung gusto nya rin ako. Maraming beses ko na rin syang napapanaginipan tapos mabibitin pa ngayon?! Tiningnan ko ang orasan

2AM in the morning?!

Lechugas! Saan ba naman kasi nanggaling ang kapatid ko at ngayon lang umuwi na gising tuloy ako sa panaginip ko. Asar!

***

"Pre, ano na sama ka sa amin sa friday, gimik yon." -sabi sa akin ni Ardin.

"Hindi nga ako pwede, may meeting daw kami nung mga barkada ko sa kabilang department." -sagot ko.

"Mukha mo, Geof! Mang-chichicks ka lang dun, ah ah sa chubby mong yan ang dami mong babae... tsk! Chubby is the new sexy na ba talaga?" -biro ni Ardin

"Tange mo pre, wala akong chicks. Hindi ko gusto yon igalang mo nga babae." -paliwanag ko.

"Alam mo Geof Tailor sa ating magkakaibigan ikaw lang ata ang walang girlfriend, ilang taon na tayong magkakasama simula nung totoy ka pa ilang taon ka non? 17 o 18? Tapos ngayon 20 ka na at baka gagraduate ka ng walang girlfriend." -paliwanag nya at ako naman ay patuloy sa pagsusulat.

"Importante ba yon?" -tanong ko nang mapatigil ako sa pagsusulat.

"Hindi naman, pero baka naman torpe ka? Natatakot magmahal?" -sinagot nya ang tanong ko ng isang tanong at napaisip pa. "Ahh! Bakla ka no? Pre, ano ba?! Kelan pa?" -nandidiring sabi ni Ardin.

"Nakakita ka na ba ng lumilipad ng makapal na libro, baka ibato ko to sayo." -hawak ko ang isang librong makapal at nilapit sa mukha nya.

"Joke lang naman." -sabi nya at hinawi pababa sa mesa ang librong hawak ko.

Wala talaga akong balak mag-girlfriend. Sus! Malay ko ba dyan at hindi rin ako bakla, meron naman isang babae na nagpaparamdam ng feelings nya sa akin pero ewan ko, hindi naman sa wala akong pake naguguluhan lang ako. Kahit 20 years old o 21, 22, 23 kung wala at hindi ko pa gusto wala talaga.

A Dream To Remember (One Shot) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon