Masyado ba akong pabigat para sa kanaya kaya binitawan niya nalang ako?kaya siguro masaya na sya ngayon kase hindi na siya nahihirapan kase wala na ako ung nag papahirap sa kanya.siguro nga no.siguro nga....
Nakahiga lang ako ngayon sa sofa hindi ko hawak ang cellphone at hindi rin nakabukas ang tv dahil sa wala naman akong gustong chanel.tinatamad din akong maligo.kaya naman naka hilata lang talaga ako.
"Saraaa!!"sigaw ng pamilyar na boses sa labas ng bahay.agad akong tumayo kahit pa ayaw sumunod ng katawan ko.nakita ko sa leelane na nakatayo at may hawak hawak na notebook.
"Uy bakit?kamusta?"wika ko pagkatapos yumakap kay leelane.
"Eh ok naman.magpapatulong lang sana ako dito project ko."sabay turo ng notebook na hawak hawak niya.
"Ano ba yan?"sabay hablot ng notebook.
"Yan ung sa reporting sa ap"teka reporting?may reporting din kami ah.shocks nakalimutan ko!buti nalang pinaalala nya.
Mag kaiba kami ng section nitong si leelane di ko naman akalaing meron din pala silang ganto.
Agad agad akong nagbihis kahit hindi pa talaga ako naliligo.
Wala na akong pake kung anong itura ko nag toothbrush.nagsuklay at naghilamos naman ako kanina at wala pa naman akong amoy kaya ok na to.
Mabilis na akong napaalam sabay labas na ng bahay.lakad lang kami ng lakad ni leelane naghahanap ng pwedeng mainterview na kailngan namin.
Kung asaan saan na kami napadpad hanggang sa halos makumpleto na namin itong mga kailangan namin.naka upo nalang kami ni leelane dito sa kabilang bahay na kaibigan niya.si ate wincel na best friend din ni marco.matagal ko nag gustong makipag kaibigan dito kay ate wincel kaso nahihiya ako.
Napansin namin ni leelane na may bisita sila ate.at kulang pa kami ng isa kaya naman napagdidisyonan naming interviehin si kuya na singkit.
Habang iniinterview namin si kuya panay ang asaran at kulitan dahil sa parehas na singkit at parehas din ng hubog ng muka si kuya na ang pangalan pala ay christian at ni leelane.maya maya inilabas ni kuya christian ung cellphone nya at iniaabot ito kay leelane na animoy hinihingi ang number nya.
(Kalanturan is in the air na)Ito naman kami,parehas na kinikilig ni ate wincel dahilan para medyo maging close na kami.pagkatapos non ay wala na kaming ginawa kundi tumawa nalang nangtumawa dahil ayaw talagang ibigay ni leelane ang number nya pero wala naman siyang kawala dahil sa natatakot siya sa pugot na ulo ng aso na kinatay kanina kaya no choice talaga syang ibigay ang number nya...
Kinikilig at nagtatawanan nalang kami.habang ako ay sarap na sarap sa pagpapak ng adobong salagubang na pinapatikim sakin ni ate wincel.