Talia POV.
Minulat ko ang aking dalawang mata at agad rin pinikit dahil sa ilaw na tumama sa mata ko. Asan ba ako? Nilibot ko ang aking paningin at napagtanto ko nasa ospital pala ako. Ano ba nangyari? Bigla naman bumukas ang pinto at nakita ko si mommy.
"Anak!! Gising kana!" Nilagay niya ang mga pagkain at prutas sa maliit na lamisa sa kilid ng kama ko pagkatapos ay niyakap niya ako.
"Ma?" Ngumiti ako.
"Ano bang nangyari? Sabi ng kaibigan mo nahimatay ka daw sa school, hindi ka ba kumain? Alam mo namang bawal sayo magpagutom." Kita ko naman ang pag aalala niya. 'Di niya ba alam nangyari sa'kin?
Ano nga ba nangyari? Ang naalala ko lang ay nasa school kami tapos pumunta kami ni Myka sa locker para ilagay ang mga books ko pagkatapos may nakita akong box at...at. napatingin ako kay mommy.
"Ma, si Myka po?" Tanong ko sa kanya
"
Myka? Yon ba yong kaibigan mo naghatid sayo dito kasama ang dalawang lalaki? Pinauwi ko na sila kanina pa." Mukha bang Alam ko kung Sino naghatid sa'kin dito, mommy talaga. Teka Sino naman Kaya yong dalawa lalaki.
"Sino ang dalawang lalaki naghatid sa'kin dito ma? Si Clark po ba?" I expect that he brought me here pero agad umiling si mommy.
"Hindi, schoolmates mo siguro yon hindi ko matandaan name nila pero familiar sila dalawa sa'kin." I signed akala ko pa naman siya na.
"Pumunta ba siya dito ma, Alam ba niya nangyari sa'kin?" Siguro naman pumunta siya no, impossibly naman di niya alam 'to. Takot kaya yon mawala ako. Ang oa pa naman yon.
"Hindi siya pumunta" nanlomo naman ako sa narinig ko, iniiwasan niya ba talaga ako? O nagpapamiss lang siya? Tsk. Style niya talaga bulok as if naman namiss ko siya.
"Alam mo anak matulog kana ulit para mabawi mo yang lakas mo Sabi ng doctor stress ka at marami iniisip kaya ka nawalan ng malay, bukas din makakalabas kana dito" tumango nalang ako at umayos ng higa.Bago ko ipikit ang mata ko naalala ko naman yong nangyari kanina sa school. Sino kaya may gawa non? May galit ba siya sa'kin para gawin niya ang bagay na yon? Alam ko hindi ako masyado nagsasalita pero rason na ba yon para magalit ang isang tao. Sana naman hindi na yon maulit pa dahil nakakatakot talaga. Ayoko ng daga mas lalo ayoko ng dugo.
Napailing nalang ako bago ipikit ang mga mata.
********************
"Nandito pala si Nathan at Myka kanina umaga, dinalaw ka nila sinabi ko narin sa kanila na lalabas ka ngayong araw." napatingin ako kay mommy habang naglalakad kami palabas ng ospital.
"Silang dalawa lang po?" Ayst ano ba yan Talia tigilan mo na yan, nababaliw kana.
"Bakit may inaasahan ka pa bang makita?" Panunukso niya. Agad naman ako napailing. Mabuti pa ang dalawang yon nag kita na. Mabuti pa sila may time na dalawin ako 'di tulad ng isa dyan. Nakakainis ang sarap magalit.
"Bukas kana papasok ulit sa school sa ngayon mag pahinga ka" Sabi ni mommy ng makauwi kami sa bahay.
"Si daddy po pala bakit wala po siya?" Mula kahapon di ko siya nakita, Alam Kaya niya nangyari sa'kin.
"Alam mo naman yong daddy mo palagi wala dito, gustuhin man niya puntahan ka hindi naman pwede dahil nasa meeting siya." Sabi ko na nga ba eh, nag tanong ka pa kasi Talia.
Tumango ako at naglakad paakyat patungo kwarto ko.Hindi naman ako galit kay daddy at mommy dahil para sa'kin rin naman ang ginagawa nila. Kaya kahit ano mangyari hinding hindi ako magagalit sa kanila. Pagpasok ko sa kwarto nagtungo ako sa closet para magpalit ng damit. Pagkatapos umupo ako sa upuan ng studying table ko. Kailangan ko mag aral ngayon para di ako mahuli sa lesson namin bukas. Binuksan ko ang cabinet para kumuha ng ballpen ng mapansin ko ang singsing kinuha ko ito pinagmasdan mabuti.
Ito pala yong napulot ko sa park. Kinabahan ako dahil parang may tumitingin sa'kin napatingin ako sa labas ng bintana. Agad nanlaki ang mata ko sa nakita yong lalaki naka black nandito sa labas ng bahay.
Nataranta naman ako dahilan ng pagkahulog ng singsing, umupo ako para hanapin yon.
"Asan na yon!" Bulong ko at nakita ko sa ilalim ng kama ko. Tumayo ako at tiningnan ulit ang lalaki pero wala na siya sa pwesto kanina. Nilibot ko ang paningin pero wala talaga.
Sino ba siya bakit siya nagpapakita sa'kin bakit niya alam bahay namin.
Stalker ko ba yon. Nakakatakot siya stalker.********************
Nagpahatid ako Kay manong driver sa school kasi di ako pinayagan ni mommy mag drive dahil di pa daw ako magaling, eh ang lakas lakas ko na kaya.
"Talia!!" Si Myka tumakbo papalapit sa'kin at niyakap ako.
"I'm glad that you're okay!" Ngumiti siya."Oo naman, teka anong ginagawa niyo dito?" Kasama niya kasi si Nathan. Nasa may entrance kami ng school.
"Hinintay ka talaga namin dito dahil alam namin na papasok ka ngayon, Tara pasok na tayo." Hinila niya ako at nilampasan lang namin si Nathan. Nag away kaya sila? Malamang after 5days ngayon lang nagpakita si Nathan sa kanya.
"Nag away ba kayo ni Nathan?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami, si Nathan naman nakasunod lang sa'min.
"Hinding hindi ko siya papansinin para makabawi naman ako sa ginawa niya sa'kin." Pagmamaktol niya at nilakasan pa ang boses para marinig ng isa.
Pagdating namin sa room marami ng tao pero sa isang tao lang ako nakatuon sa kanya lang ako nakatuon. Pumasok na siya. Hindi ko alam pero bigla nalang nagka rambulan sa subrang bilis ng tibok ng puso ko. Napangiti ako at dumaan sa tabi niya teka bakit siya sa likod umupo diba dapat tabi kami. Di niya ba ako napansin na dumaan.
Pagkatapos ng klase agad siya tumayo at lumabas ng room.
"Anong problema niya" bulong ko.
"Huh? Nino?" Si Myka pala.
"Wala, Tara na kumain tayo, gutom ako ngayon!" At naglakad palabas ng room. 'di ba dapat ako ang galit pero bakit kung maka iwas siya sa'kin parang ako ang may atraso.
"Hoy, magdahan dahan kalang sa pagkain di ka naman mauubusan eh!" Suway ni Myka. Sa pagkain ko nalang ibubuntong ang inis ko sa kanya.Habang naglalakad kami sa hallway ni Myka, napahinto ako dahil makasalubong namin si Clark pero agad siya lumiko sa ibang daan.
"Oh, si Clark yon diba, Di niya tayo nakita?" Tanong ni Myka. Naglakad nako ulit.Iwasan pala gusto mo ha, pwes pagbibigyan kita.
End.
Chapter Fourteen.
YOU ARE READING
My Mr. Playboy Secret (Complete)
ActionDalawang taong nagkalapit ng hindi inaasahan ang Mr. Playboy at Ang babaeng transferee. Paano kaya kung malaman ni girl na ang isang Playboy ay may malaking sekrito. Abangan...