Chapter 7
Practical Test
***
Ako ngayon ay papunta na sa classroom ko, late na nga ako eh! Ewan ko ba at hindi ako nagising ng maaga ngayon. Dati naman lagi naman akong maaga. Ah basta! Ewan!
Natakbo na ako ngayon, at sa di-inaasahang pangyayari...
*BOOGSH*
May nakabunggo ako at ang lakas ng impact ah! Ang sakit tuloy ng puwet ko.
"Kung bakit naman kasi hindi tumitingin sa dinadaanan eh!"
Rinig kong sigaw 'ata ng nakabangga ko, at laking gulat ko ng makita kung sino ito.
Si Phoenix.
"Sorry naman!"
Sigaw ko sa kanya ng makatayo na ako ng maayos, samantalang siya ay mukhang hindi makatingin sa 'kin ng maayos.
Yan tama! Mahiya ka naman! Ng mabawas-bawasan yang kapal ng mukha mo! Badtrip 'to!
Magpapatuloy na dapat ako sa paglalakad papunta sa classroom ko kaso ay tinawag niya ulit ako.
"Bakit na naman?!"
Inis na sigaw ko sa kanya.
"Saan ka pupunta?"
"Hindi ba obvious siyempre sa classroom- teka nga, bakit ka pa nandito? Magkaklase tayo, eh bakit palayo ka pa sa classroom?"
Takang pagtatanong ko sa kanya.
"Hindi mo pa pala alam. Nasa Practical Room na sila."
Parang lumuwa na naman ang mata ko sa sinabi niya. Sa Practical Room! Ibig sabihin! Naku po!
"Oo na! Edi tara na!" hinawakan ko siya sa braso tsaka tumakbo papunta sa practical room.
Habang natakbo kami napansin kong titig na titig siya sa 'kin may dumi ba ako sa mukha?
Nang makarating na kami sa practice room ay sumalubong sa 'min ang isang tidal wave, yes yung literal.
Pinahinto ko naman ito gamit ang power ko at si Phoenix naman ay dahil sa hotness niya lang ay nag-evaporate ang tubig. Literal na hot.
Medyo nagulat pa nga ang iba naming kaklase sa pagdating namin.
"Sabay pa talaga kayo ah!" pang-aasar ni Cassey. "I smell something fishy." dagdag niya pa.
Binatukan ko nga siya, "Tumigil ka nga Cassey, nagkasabay lang kami okay?" pagtataray ko sa kanya.
"Aray naman!" sabay kamot nito sa ulo nito. "Nagkasabay nga lang ba?" aba't ayaw pa talagang tumigil.
BINABASA MO ANG
Fantastic Academy
FantasyOrianna Clock a teenager na mayaman at may almost perfect happy life but we all know na walang perpekto sa mundong ito. Dahil sa pagiging curious niya sa mga bagay-bagay, isang pangyayari ang hindi niya inaasahan. Napunta siya sa isang mundo na hind...