Wait lang nga Jun ah. Magkalinawan tayo. Bakit kailangan mong hubarin yun tshirt mo ha ha ha ha?
Oo, nasa magkabilang court tayo, magkabilang dulo. Syempre sa mabilis kong mata na ‘to. Nakikita kita! Susmarya.
Puno ang bench niyo kanina, nakaupo kayong mga matatandang tapos na magbasketball. Sakop na ng juniors ang court ngayon. Mga tsikiting na kanina ay kalaro ko ng volleyball, nakikipag-away kung sino ang mauunang sumakay sa bike ko na ngayo’y nakaka-shoot ng 3 points sa basketball.
Kitang-kita kita. Humihiyaw ako kapag nakakashoot, nakasunod ang mata ko sa bola, tsaka mabilis na lilipat sa’yo. Pareho tayong nanunood, hindi ko lang sigurado kung sa game o sa isa’t-isa. Pareho tayong pumapalakpak, humihiyaw at nagtatawag ng pangalan ng chikiting (syempre mas malakas lang ang sigaw ko).
Tsaka ka biglang tumayo, akala ko aalis ka na. Susundan ang mga kalaro mo kanina na lumabas na ng court. Hindi ka humakbang. Nilagay mo ang dalawang kamay sa kuwelyo, hinatak ito pataas.
Kulay puti ang tshirt mo at habang dumudulas ang tshirt mo paitaas, nasilayan ko (at ng buong basketball court) ang tiyan, dibdib, braso at moreno mong katawan.
Hindi ka ganoon ka-hot o ka-sexy, maaring hindi ka tanggpin na brief model. Walang nakaukit na abs, o mistulang pandesal sa tiyan mo. Payat ka, pero may saktong muscles. Firm. Halatang active, halatang naglalaro, halatang sanay, halatang malakas. Malakas para maglipat ng mga sako ng lupa at isang sako ng bato noong nagtatanim tayo sa court. Malakas at asintado para sa mga 3 pts shots mo, kaya superstar ang tawag sa’yo.
Napakalakas ng appeal mo.
Next time, next time. Hindi na para sa buong court ang moreno mong katawan, pero para sa akin na lang.
![](https://img.wattpad.com/cover/19392942-288-k2bb216.jpg)