April 13, 2010
It was Aliah's fifteenth birthday. She was extra happy that day dahil nalaman niyang pupunta silang mag-anak sa Hong Kong para doon i-celebrate ang birthday niya. Pero kung kailan malapit na silang umalis ay saka naman dumating ang Tita Vivien niya na alam niyang kakagaling lang ng Paris.
"Kuya, all I'm asking is a second chance. I promise, I would do better this time." Dahil wala siyang ka ide-ideya sa pinagtatalunan ng mga ito ay napatitig na lang siya sa daddy at tita niya saka nagpatay malisya.
Pero binalingan siya ng daddy niya. "Aliah, pumunta ka na muna sa car. Doon mo na kami hintayin ng mommy mo." Agad naman siyang sumunod sa iniutos ng daddy niya.
Pero bago pa man siya makapasok sa kotse ay narinig niyang muling nagsalita ang daddy niya. "Ilang beses na kitang binigyan ng chance, Vivien. Ilang milyon na ang ipinahiram ko sayo pero lagi ka na lang bumabalik sa akin para sabihin na nalulugi ang negosyo mo. At paanong hindi malulugi ang negosyo mo gayong lagi kang nasa ibang bansa para magliwaliw. This time ay hindi mo na ako madadala sa pagmamakaawa mo."
Isinara na niya ang pinto ng kotse kaya wala na siyang naririnig sa pinag-uusapan ng mga ito. Pero nakita niyang sinubukan pang hawakan ng tita Vivien niya ang daddy niya pero mabilis na iwinaksi lang iyon ng huli.
Pagkalipas ng ilang minuto ay sabay-sabay na lumabas ng bahay ang tatlo. Lumapit sa kanya ang tita niya at binati siya. "Happy birthday, Aliah. Enjoy your day with your mom and dad, okay?" Malungkot ang boses ng tita niya. Humalik siya sa pisngi nito at nagpasalamat.
"I'm sorry for what you've heard earlier, hija. Alam kong close ka sa tita Vivien mo pero huwag sanang sasama ang loob mo kung narinig mo mang nasigawan ko siya kanina. We just have issues lately," sabi ng daddy niya habang binabagtas nila ang daan palabas ng subdivision.
"It's okay, dad," maikling tugon niya. But deep inside her, it's not really okay. Ayaw niyang nag-aaway ang mga taong mahahalaga sa kanya dahil nalulungkot siya.
Itiningin niya ang mga mata sa labas ng intana. Kahit papaano ay napayapa ang loob niya habang pinagmamasdan ang mga punong nadadaanan nila. Subalit halos hindi pa sila nakakalayo sa mansion nila nang marining niyang nagsalita ulit ang daddy niya. "Shit. Hindi gumagana ang break ng sasakyang 'to. Fasten your-"
Hindi na natuloy ang sinasabi ng daddy niya dahil nagsisigaw na ang mommy niya dahil makakasalubong nila ang isang malaking tuck na sigurado siyang siyang nangongolekta ng mga basura sa subdivision nila.
Sinubukang iliko ng daddy niya ang kotse nila paiwas sa paparating na truck pero sa ginawa nito ay bumangga naman sila sa pader ng isang abandonadong bahay.
BINABASA MO ANG
Dream Catcher [ROMANCE/FANTASY]
FantasyThis story is now published under VIVA Psicom Publishing Inc. Now available in all leading bookstores nationwide for only 175 pesos. Hope you guys could grab a copy. Thank you. :)