Kabanata 19

6.5K 181 31
                                    

Tatlong araw na ang nakakalipas simula nang ilibing si Lolo Felix pero ngayon lang naisipang umuwi ni Yuri sa Floridablanca. Actually, pauwi pa lang naman siya. For the past three days ay nanatili siya sa isang hindi kilalang motel sa Marilao, Bulacan. Kalos kalahating oras na lang ang layo ng nasabing motel sa Floridablanca.



Nagsindi siya ng isang stick ng sigarilyo na nabili niya sa 7 Eleven kagabi. Hindi naman talaga siya naninigarilyo. Pero kapag ganoong nate-tense siya ay isa ang sigarilyo sa mabisang pampakalma ng senses niya.



Habang humihithit siya ng sigarilyo ay hindi niya maiwasang balikan kung paano siya naging parte ng buhay ni Aliah. Kung paanong hindi pa man sila nagkakakilala ay tila magkadugtong na ang mga buhay nila.



It was April of year 2010 when he first met Aliah personally. She was at the hospital at that time.



"Lola Yngrid, bakit po tayo nandito sa hospital?" nagtatakang tanong niya sa matanda na siya nang nagpalaki sa kanya simula nang mamatay ang mga magulang niya noong labing-tatlong taong gulang pa lamang siya.



"Nakikita mo ang batang babaeng 'yun?" mabilis na napatingin siya sa itinuturong direksiyon ni lola Yngrid.



And there she saw a girl who was lying on a hospital bed at mahimbing na natutulog. Kahit na nakapikit ang batang babae ay mabilis na nakilala niya ito. It was the same girl na ipinakita sa kanya ng lola Yngrid niya sa picture two years ago.



"Her name is Aliah. At balang araw ay matutulungan ka niya."



"What do you mean, lola?"



Tinapik-tapik ni lola Yngrid ang balikat niya. "Malalaman mo rin ang bagay na tinutukoy ko pagdating ng tamang panahon."



At noong nakaraang taon nga ay nalaman niya ang 'tulong' na maibibigay ni Aliah sa kanya. Papunta sana siya sa napakalaking library ng Floridablanca nang aksidenteng marinig niya ang pangalan niya.



Agad niyang nakilala ang nagmamay-ari ng boses. It was lola Yngrid.



"Yuri is dying. He was cursed bago pa man siya maipanganak dito sa mundo. Pagsapit ng ika-dalawapu't isa niyang kaarawan ay mamamatay siya."



"Sino ang may gawa ng sumpa?" nakilala rin niya ang boses ng kausap ni Lola Yngrid. It was Luna, one her childhood friend. Matanda lang siya dito ng ilang buwan. At kagaya niya ay ulilang lubos na rin ito na inampon din ni Lola Yngrid.

Dream Catcher [ROMANCE/FANTASY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon