Chapter 2

22 1 0
                                    

Talia POV's

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko!

"Good Morning Talia!" Alam kong isa sa mga kaibigan ko ang nagmamay ari ng tinig na iyon...

"Hmmm! Umagang umaga andito kayo. Ano meron?" bagot na sabi ko sakanila.

"Well, bumangon ka na dyan dahil ngayon na yung first day natin," naiiritang tono na sambit ni Serena.

"Woahh! Di ako nainform. First day na pala. Sige na, bumababa na kayo at maliligo na ako." Tumango nalang sila.

Dumiretso na ako sa Cr para maligo. Mabilis lang ako natapos sa pagligo kaya agad akong nagbihis. Nagsuot lang ako ng civillian dahil umpisa palang ng pasukan. Hindi pa required magsuot ng uniform. Pagtapos ko ay nag-ayos lang ako saglit tsaka ko hinayaan na bagsak yung buhok ko. Kinuha ko narin yung bag ko tsaka ako bumababa.

"I'm done," sigaw ko ng pababa nako. Pagbaba ko ay naabutan ko sila na nanonood.

"Kumain muna kayo bago kayo umalis," sabi ni mommy. Tungo nalang ang naisagot namin. Dumiretso na kami sa kitchen para kumain. Mabilis lang kami natapos kaya nag paalam na ako kay mommy. Pagtapos ko ay pinuntahan ko na sina Serena na naabutan ko naman sa sala.

"Tara na! Baka malate pa tayo," sambit ko sa kanila. Tumango nalang sila tsaka kami dumiretso palabas ng bahay. Isang sasakyan lang gamit namin kaya mabilis lang yung byahe.

After ng ilang minuto nasa school na kami. Nakakapanibago kasi transferre kami. Dumiretso kami sa office at kinuha ang class schedule namin. Pinagkumpara namin ang aming class schedule at napag alaman na magkakaiba kami ng first class. Nag paalam na kami sa isa't isa tsaka nagpunta sa kanya kanyang klase.

Pagkarating ko sa classroom ay agad kong inilibot ang aking mga mata tsaka dumiretso sa natipuhan kong upuan sa likod. Pagkaupo ko ay agad kong inayos ang aking gamit. Ilang sandali lang dumating na ang aming guro.

"Good morning class. Balita ko may bago daw kayong kaklase!" sambit samin ng aming guro kaya napatingin ang ilan sa aking mga kaklase sa gawi ko.

"Ayun po sya Ma'am," turo sakin ng isa sa mga kaklase ko.

"Pwede ka bang pumunta sa harapan at magpakilala," sabi sakin ng teacher namin kaya tumayo na ako tsaka nagtungo sa harapan. Magsasalita na sana ako ng may malakas na kumalabog sa pintuan.

"Mr. Mendoza! Late ka nanaman!" naiinis na sambit ng aming teacher.

'Wait, pamilyar sakin tong lalaki na to ah,' mahinang bulong ko sa aking isipan. Hindi pinansin ng lalaki ang aming guro.

"Napaka walang galang naman nito," bulong ko.

"Ms. Pwede na po ba ako magumpisa?" tanong ko sa guro. Tumango nalang ito.

"So, hi guys. I'm Talia Nicole Alcantara," sabi ko sabay smile tsaka ako dumiretso saking upuan.

Zachary POV's

Late na ako nakarating sa school kaya dali dali akong tumakbo papuntang room. Binuksan ko yung pinto at napalakas ata ang pagbukas ko kaya napatingin sila sa gawi ko. Nag dire-diretso lang ako. Narinig kong nagsasalita yung teacher namin ngunit hindi ko nalang ito pinansin tsaka ako dumiretso sa upuan ko. May narinig akong boses na parang pamilyar sakin.

"Ms. Pwede na po ba akong mag umpisa?" tanong ng babae sa guro namin. Tiningnan ko naman yung babae. Pamilyar nga to. Ito yung isa sa mga babae na nakabunggo namin nung isang araw. Pinagmasdan ko lang sya hanggang sa natapos na sya magpakilala kaya nagtungo na sya sa kanyang upuan. Bale magkalapit lang kami ng upuan kaya kumuha ako ng mga papel tsaka ko ito ginawang bilog tsaka sya pinagbababato.

"What? Ano ba!" naiinis na singhal niya. Natatawa nalang ako sa kanyang itsura. Di ko parin siya tinigilan kahit ang sama na ng tingin niya sa akin.

"Ano ba? Hindi ka ba talaga titigil?" asar na tanong niya hanggang sa nagsigawan na kami. Tumahimik lang kami ng may marinig kaming sigaw.

"Mr. Mendoza, Ms. Alcantara, tumigil na kayo. Kung ayaw nyo tumigil ay bukas na bukas ang pintuan ng classroom para lumabas kayo," pasigaw na sabi ng aming guro.

"Sorry po Ms. Di na po mauulit," nahihiyang sabi ni Talia.

Nagtuloy tuloy nalang sa pag-didiscuss yung teacher namin hanggang sa nag bell.

"Okay see you tomorrow. Good bye class," pamamaalam samin ng aming guro tsaka ito lumabas ng silid. Nag-ayos muna ako ng gamit tsaka ako lumabas. Dumiretso na ako sa cafeteria dahil andun na yung mga kaibigan ko. Pagpasok ko palang ay rinig ko na yung mga tili ng mga babae.

"Aish!! Mabibingi ata ako ng wala sa oras," mahinang bulong ko. Hindi ko na sila pinansin at dumiretso na ako sa pwesto na mga kaibigan ko. Naabutan ko sila na nagtatawanan.

"Oh! Ano meron at nagtatawanan kayo jan?" tanong ko sa kanila.

"Wala. Nakakatawa kasi tong kwento ni Jeremy," natatawang sabi ni Liam.

"Tara order na tayo," sabi ni Jeremy. Tumango nalang kami tsaka kami nag-order.

Serena POV's

Andito na kaming tatlo sa cafeteria. Si Talia nalang yung inaantay namin.

"Talia is really a slowpoke," naiiritang sambit ni Keshra.

Ilang sandali lang dumating na si Talia. Mukha syang haggard.

"Anyare sayo teh? Musta?" mahinang sambit ko.

"Ahhhh! Badtrip ako nakakabwiset!" naiinis nyang sabi.

"Bat ba? Anyare sayo?" tanong ni Giana.

"Kaklase ko lang naman yung isa sa mga nakasagutan natin sa mall," naiiritang nyang sabi.

"WHAT?" sabay na sabi namin. Tumango nalang si Talia.

"Tara order na tayo," sambit ko. Tumango nalang sila.

Habang nakapila kami, bigla nalang may sumingit sa harapan ko. Kinalabit ko to at humarap naman ito sakin.

'Teka isa to sa mga lalaki na nakabunggo namin ah,' mahinang bulong ko.

"Pwede ba umalis ka jan kasi ako ang nauna," naiinis kong sambit dito sa lalaki. Hindi ako nito pinansin kaya hinila ko yung damit nya. Sakto may paparating na babae.

"Ms. pwede ko ba mahiram tong spaghetti mo? Papalitan ko nalang." Hindi ako sinagot nitong babae kaya kinuha ko na yung spaghetti tsaka dali daling binuhos sa ulo nitong lalaki sa harapan ko tsaka ako tumalikod.

'Aishh!! nakakawalang gana kumain,' mahinang bulong ko pagtapos ko sya buhusan ng spaghetti.

Umalis na akong cafeteria. Di na ako nag paalam sa mga kaibigan ko dahil alam kong nakita naman nila yung pangyayari. Hindi na ako pumasok pa sa mga susunod kong subject dahil sa bwiset na lalaki na yon kaya nag pasya nalang akong umuwi.

Pagkauwi ko parang naninibago ako dahil sobrang tahimik ng bahay at dun ko na pagtanto na nakalimutan pala namin ang aming mga alaga kaya dali dali akong bumalik sa sasakyan tsaka nag maneho sa mall na pinag iwanan namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 11, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon