Mhor's PovG*go! Ang g*go mo Mhor! Bakit mo hinalikan si Carla! Baka mahalata ka nya! Wait! Hindi ka nya makilala ok? Dahil hindi ka nya nakilala!
Pero, sh*t! Hindi nya ako makilala pero naaalala nya ang mga sinabi ko! Kilala nya pa kaya ako? Sana oo. Pero ang daming katanungan ang gusto kong masagot ni Carla.
"S-sorry." Sabi ko nalang kay Carla matapos kong humiwalay sa paghalik. Sh*t! She responded to my kisses! That makes me happy.
"W-why d-did you do t-that?" Tulalang sabi ni Carla habang nakasandal parin sa puno. Paano ko ba sasabihin sa kanya?
Alam kong hindi nya maintindihan kung bakit ko sya hinalikan. Alam kong nagtataka sya kaya dapat kong sagutin ang tanong nya.
"B-because... Na-miss kita." Alam kong magulo pero 'yun talaga ang nararamdaman ko. Sana hindi nya mahalata na ako ito. Sana hindi.
"Na-miss? B-bakit? Eh magkasama lang naman tayo k-kanina a-ah?" Nauutal sya. At isa lang ibig sabihin nito. Naiilang sya sa ginawa ko. At base sa reaksyon nya, hindi nya nga ako nakikilala.
"S-sorry." Sabi ko nalang dahil hindi ko pa kayang sabihin sa kanya ang totoo saka umalis sa lugar na 'yun kahit gusto ko pang manatili sa lugar na 'yun kasama si Carla.
Nakarating ako sa parking lot ng school namin at agad kong hinanap ang kotse ko at nung nahanap ko na ito, nagkulong ako dito saka sumigaw.
Hindi naman siguro maririnig sa labas ang sigaw ko 'di ba?
"Ang tanga mo Mhor! Bakit mo hinalikan si Carla! Hindi ka nya makilala ok kaya wala kang karapatang halikan sya! Lalo na sa labi! " Sigaw ko habang sinasabinutan ko ang sarili kong buhok. "Ang t*nga t*nga mo!" Sigaw ko ulit.
Pero, kaya ko lang siguro nagawa 'yun dahil sa sobrang pagka-miss ko sa kanya. After how many years, nakita ko na ulit sya. Pero hibdi ko alam kung bakit ang hina-hina ko sa tuwing makikita o makakasama ko si Carla.
Andami rin kasing pinagbago ni Carla. Ang dating sensitive na Carla ngayon ay palaban na. Ang dating mahiyain na Carla, ngayon ay pala-kaibigan na. Ang dating Carla na gusto ko at gusto ako, ngayon, hindi ako makilala at hindi ko alam kung gusto nya parin ako. Though baka kilala nya parin ako pero hindi nya maalala ang mukha ko.
F*ck! Na-miss ko sya, sobra.
Carla's Pov
Naiwan lang ako ditong nakatulala sa punong kinasasandigan ko ngayon. Napahawak lang ako sa aking labi nung umalis na si Mhor.
Sh*t! Bakit nya ako hinalikan?! Bakit nya ginawa 'yun? At dito nya pa talaga ako hinalikan sa special place ko ah! Nakakainis! First kiss ko 'yun eh! Wala na!
Nanatili lang muna ako sa lugar na 'yun at matapos ng ilang minuto ay umalis na rin ako saka pumunta sa parking lot at para mauwi na rin.
Nung makarating na ako sa parking lot, tinungo ko kaagad ang kotse ko at pinaandar ito. Pagkatapos kong paandarin ang kotse ko, may biglang kumatok sa kotse ko kaya binaba ko ang bintana ng kotse ko at sinilip kung sino ang kumatok.
"Hey." Si Drake. Anong ginagawa nya dito?
"H-hey!" Sabi ko nalang habang umiiwas sa tingin nya. Paano ba naman kasi, nakayuko sya sa bintana ng kotse ko habang ako naman ay nakasilip dito. Sng result, inches nakang ang layo ng mukha namin sa isa't isa.
"Nahulog din pala ito kanina sa room. Nakita ko sya nung bumalik ulit ako sa room. "May inabot sa akin si Drake at laking gulat ko nung makita ang necklace na binigay sa akin ni Jake! Binigay nya yun sa akin. Sh*t! Nahulog pala sya?!
Agad kong kinuha kay Drake ang necklace at pinasalamayan sya dahil sa ginawa nya.
"T-thank you! Mabuti n-nadampot mo, hehe! Masyadong special kasi sa akin ng necklace na 'to." Mangiyak-ngiyak na pagpapasalamat ko kay Drake.
"Hhmm." Tinanguan lang ako ni Drake saka sya umalis.
Hinayaan ko nalang na umalis si Drake at tiningnan ang necklace na hawak ko. Wooh! Muntik ka nang mawala! Mabuti nalang at nakita ni Drake!
Itinago ko muna ang necklace ko saka ko pinaandar ang kotse at umalis papuntang mall. Bibili kasi ako ng bago kong sketchpad. 3 pages nalang kasi ang natira sa sketch pad ko.
Oo nga pala, kaya ako merong sketchpad dahil mahilig akong mag-drawing. At lahat ng nangyayare sa buhay ko, idino-drawing ko. Ang sketchpad ko kasi ang nagsisilbing diary ko kaya ni isa sa mga kaibigan ko o ng mga taong nakapaligid sa akin, ay hindi pa nakakagalaw o nakakahawak sa sketch pad ko.
Nung makarating na ako ng mall, ipinark ko muna sa parking lot ang kotse ko saka ako tuluyang pumasok at dumeretso sa National Book Store para doon bumili ng sketchpad.
Habang pumipili ng sketchpad, may isang sketchpad ang nakakuha ng atensyon ko! Color yellow kasi ito at color yellow din ang color ng minions! Awee! I love minions pa naman!
Kinuha ko kaagad ito sa shelf dahil nag-iisa nalang ito saka ko binayaran sa cashier.
"Thank you ma'am, come again!" Nginitian ko nalang ang cashier at lumabas ng NBS.
Where should I go next? Hmm... Inikot ng mata ko ang buong mall at aha! Napansin ng mata ko ang isang crowded at maingay dahil sa tugtog na bahagi ng mall.
Na-curious ako kung bakit crowded at maingay kaya lumapit ako dito at para malaman ang dahilan kung bakit ganon ang nangyayare.
Habang lumalakad papalapit doon, hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa hindi malamang dahilan. Kasabay nito ang biglaang pagtulo ng mga pawis ko kaya naman pinunasan ko ito.
"Sa hindi inaasahang pagtatagpo mga mundo. May minsan lang na magdugtong, damang-dama na ang ugong nito~"
F*ck! Bakit ganyan pa ang tugtog?! Bw*sit! Pinagpatuloy ko nalang ang paglapit sa lugar na 'yun at sinilip kung ano o sino ang dahilan ng pagkakaroon ng maraming tao sa bahagi ng mall na ito.
Nakita ko na ang dahilan ng pangyayareng 'yun pero hindi ko makita ang mukha dahil nakatalikod sya habang may hawak na gitara.
Nung humarap na ito, nagtama ang paningin naming dalawa at laking gulat ko nung makita ko kung sino ito.
"Ba't 'di papatulan ang pagsuyong nagkulang? Tayong umaasang hilaga't kanluran. Ikaw ang hantungan. At bilang kanlungan mo~"
Napatitig sya sa akin kaya naman nagulat ako at bago sya kumanta ulit, ngumiti sya saglit kaya naman mas nagulat ako lalo na sa saglit na pagkagat nya sa kanyang labi. F*ck!
"Ako ang sasagip sa'yo~"
****
Oh my god! Ang ikli yata ng chapter na 'to? Sorry, wala na akong maisip eh! I hope you like it! Hehe!
YOU ARE READING
Accidentally Fallen
Roman pour AdolescentsThis story was about a 10 year old girl who me a guy accidentally who has same birthday with her and as they became closer not until the girl needs to leave. She's supposed to go back but something happened, she didn't came back. And that made her r...