T1N71

93 1 2
                                    

T1N71

From the creators of GOOD MEETS BETTER

Written by: Justin

By: Mark Productions

Noong panahon ng ikalawang digmaang pandaigdigan, sa isang malayong pamayanang sinira ng mga hapones…

Ang kamatis ay isa sa mga masiyahing gulay sa panahong ito. Ngunit ang hari’t reyna ay malungkot sapagkat wala silang anak. Dalawang araw ang lumipas ay pumunta sila kay tandang mansanas, isang manghuhula.

“tatang, kalian po ba kami magkaka-anak?” ani ng reyna

“bukas din ay lalapit ang swerte sa inyo.” Sabi ng matanda

“talaga po?!” masayang tugon ng hari.

Masayang umuwi ang mag-asawa. Kinaumagahan… bukas,  ay may isang malaking itlog ng dragon ang mala-bulalakaw na bumagsak sa pamayanan ng mga kamatis.

Marami ang natakot at nagtago, ngunit dahil sa paboritong ulam ito ng hari’t reyna ang itlog, dinala ito ng ‘Kamatis Police Force’ (KPF) sa propesyonal na taga lutong si Palay del Bigas. Ipinakita ito sa nagugutom na mag-asawa. Subalit datapwat, biglang nabasag ang itlog at lumabas ang makisig na si sibuyas.

Minahal ng mag-asawa ang sibuyas at itinuring na parang tunay na anak. At naging Masaya na nga sila.

Hanggang sa isang araw ay dumating ang puting mananakop na si commander Boy Bawang; pinuno ng Bawang Anti-Kamatis Liberal Army (BAKLA). Nagkaroon ng brutal at mala-maguindanao masaker na giyera sa pagitan ng BAKLA at KPF, dahil sa nang-agaw ng lakas ang BAKLA ay natalo’t napilitang sumuko ang mga kamatis. Tumakas ang iba sakay ng Klondom 311. Samantalang ang iba ay pinahirapan, at pinag-martsa hanggang Alabang.

“patayin, pahirapan at i-masaker ang hari’t reyna!” utos ng haring Bawang. Lubos na nagdalamhati si Sibuyas sa pagkamatay ng kanyang pekeng magulang. Namumugtong ang luha sa kanyang mga mata. “kailangan kong bumawi” ani Sibuyas.

Tinawagan ni Sibugay, kapatid ni Sibuyas, ang kaibigan nito sa FB upang tulungan si Sibuyas. Sina sandok, kawali, at mantika ang nag-bigay pag-asa kay Sibuyas. Sila ay nagplano ng estratehiya upang mapalaya hindi lamang ang mga kamatis kundi ang buong sangka-gulayang alipin ng mga walang puso at balahuray na BAKLA.

“sa eksaktong pagsikat ng buwan ay sasalakay na tayo at ETA 1400h ay susugod ang sangkaterbang miyembro ng Ajinomoto Guisado Liberation Front” sabi ni sibuyas.

“laban para sa kapayapaan!!!!!” sabi ng mga nag-aalab na puso ng mga gulay na sabik sa kapayapaan.

Nagtagal ang laban ng BAKLA at AGLF ng 150 na taon, 11 buwan, 5 linggo, 6 na araw, 22 oras, 49 minuto at 3.53 segundos. Natalo ang BAKLA at tuluyang tumakas papuntang planetang Kepler B226610089 Multiverse 18-36 Parallel Z Portal 33 Zone 16 sakay ng malupet na F-69 V-TOL upang humingi ng reinforcement ngunit bumigay ang teleporting light portal deneuralyzing generator booster at sumabog itong mala-fireworks sa kalangitan.

Nagsaya ang sangkagulayan at sa wakas ay mapayapa na muli sa kanilang pamayanan. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

T1N71Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon