"Huwag!! ,pakiusap huwag kang lalapit..HUWAG!!" napabalikwas ako ng bangon sa aking hinihigaan,hingal na hingal at habol ang hininga..halos kapusin ako ng hangin at tuloy tuloy ang pagtulo ng aking luha sa aking pisngi..kasabay nito ay iniluwa ng pintuan ang aking ama't inang nag aalala.
Niyakap ako ni mama at pagkuway hinaplos ang aking likod upang ako'y tumahan,tuloy tuloy ang aking paghikbi at umiiling..alam kong hindi niya ako titigilan hanggat hindi sya nakakaganti ..
Oo! alam kong kasalanan ko ang lahat! kung hindi ako nilamon ng aking inggit ay hindi mangyayari ito,natatakot akong malaman ng aking ama't ina ang katotohanan dahil alam kong itatakwil nila ko gaya ng dati!.
Ayoko na! pagod na ko! pagmamahal at atensyon lang naman ang aking nais kaya ko nagawa iyon ..patawarin mo ako Theresa..hindi ko sinasadya!
"Anak,dinalaw ka na naman ba ng kakambal mong si Thesa?" nag aalalang tanong ni mama sabay abot ng tubig..."Ma,Pa..sorry po!,h-hindi k-ko po sinasadya..sana po mapatawad niyo ako!"tuloy tuloy ang aking hikbi,napakunot ang noo ng aking ama at hindi naiintindihan ang aking sinasabi.
"Ayos kalang ba anak?" ani papa at umupo sa aking tabi..ayokong mawala ang lahat ng pinaghirapan ko,umiling ako.."Wala po Ma,Pa ahm matutulog na po ako ulit" ..tumango sila at iniwan na ako sa aking silid.
"KASALANAN MO ITO!!,MAGBABAYAD KA!!" napatakip ako ng aking tainga ng marinig ang boses ng aking kakambal sa aking isipan.
"Tigilan,mo na ako!! manahimik ka na!!" sigaw ko ngunit isang matinis na halakhak lamang ang kaniyang isinukli.
"Buhay ang nawala,buhay din ang kabayaran!! WAHAHAHAHAHA!"
BINABASA MO ANG
She Wants Revenge
Mystery / ThrillerNandahil sa poot,inggit ay hindi sinasadyang makagawa ka ng krimen. At ang tanong. Hanggang kailan ka hahabulin ng iyong konsensya?. Hanggang kailan ka magpapanggap? Hanggang kailan ka magsisisi sa kasalanang iyong ginawa?. Hanggang kailan nga ba? "...