Mas dama kung papatugtugin nyo yung burnout 3d habang nagbabasa.
Hope you like it!
__________________________________
Emmanuel messaged you on messenger
Binuksan ko ang mmessage nya sakin. Nagulat ako nang tanungin nya kung nasaan ako. Matagal tagal na din noong huling tanungin nya ko ng ganto.
''Nasa computer shop.'' sagot ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit. Pero kinakabahan ako. Tinanong nya kung matagal pa ba ako sa computer shop. Tiningnan ko ang oras ko.
''9 minutes nalang ako'' sabi ko sa kanya. Tinanong nya kung saang computer shop ako naroon.
''Hintayin mo ko, magbibihis lang ako'' nagtaka ako. Alas nuebe na ng gabi at pupuntahan pa nya ko. Napaisip ako sa nangyari at ngayon ko lang napagtanto na pupuntahan nya ko. Pupuntahan. Nya. ako.
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Kinakabahan ako na masaya na nagtataka.
''Kinikilabutan ako. Nasusuka ako.'' Sambit ko sa sarili ko habang nakatayo at nag aantay sa kanya sa labas ng computer shop. Kinakabahan nga talaga ako.
May lalaking matangkad ang napunta sa harapan ko nang di ko namamalayan. Naka simpleng polo shirt lang sya at kaki shorts. Nakatulala ako sa kanyang mukang may salamin at napamura ng mahina nang napagtanto ko kung sino ang nasa harapan ko.
''Lika na?'' tanong nya at wala ako sa sariling tumango at sinundan sya. Di ko alam kung bakit nanginginig ako. Di ko magalaw ang panga ko. Hinayaan ko nalang syang magkwento. Pinilit kong tumawa kahit na pinangungunahan ako ng aking kaba.
''Ang lamig'' sambit ko. Sumang ayon naman sya hanggang sa nakarating din kami sa bilihan ng bibingka. Gumaan naman ang aking pakiramdam dahil sa init na naramdaman ko na nanggagaling sa lutuan ng bibingka. Tiningnan nya ako na parang binabasa ang aking pag iisip. Nginitian ko sya at nginitian naman nya ako pabalik.
''Kuya tatlo po.'' Nagtaka naman ako. Tatlo? Gutom ba ''to?
''Bat tatlo?'' Tanong ko sa kanya. Tumingin sya sakin nang ilang segundo at sabing ''ha? Ano, isa sakin dalawa sayo'' nagtaka ako. Di ko naman kayang ubusin miski isa. Di naan ako guto pero hinayaan ko nalang sya. Napatingin naman ako kay kuyang nagtitinda. Napansin kong nakatingin sya samin at parang may pinapahiwatig sya sa kanyang mga ngiti. Habang naghihintay, pumunta kami sa harap ng court at umupo sa isa sa ga puno doon. Napansin kong may magkasintahan na nakaupo din doon.
''Dito tayo sa love tree'' napansin nya rin ata. Umupo naman kami sa sinasai nyang love tree at nag kwentuhan. Pero parang ay mali. Pakiradam koý pagkatapos nitong gabing ito ay mawawala na ang lahat nang tuluyan. May distansya sa aming dalawa. Hindi ito ganoon kalayo pero sa loob loo ko ay parang napakalayo na nya sa akin. Dumating naman ang isa sa mga kaibigan nya at nakipag usap sa amin. Ipinakilala nya ako sa kaibigan nya at pinilit kong ngumiti kahit na di ako komportable.
''So kelan pa naging kayo?'' tanong nya sakin nang may nakakalokong ngiti.
''Wala namang kami'' sagot ko sa kanya at pinilit na nguiti. Parang may anong sumaksak sa puso ko dahil sa tanong nya. Oo nga. Wala namang kami. Isa isang dumating ang ilan sa kanyang mga kaibigan at parehas lang din ang kanilang mga tanong. Parehas lang din ang aming sagot. ''Walang kami''
Binalikan namin ang bibingka na aming binili at sakto ay luto na ito. Bumalik naman kami sa puno at duon kumain. Di ko naubos ang aking kinakain dahil nakatingin lang ako sa kanya habang sya ay kumakain ng bibingka. Di ko mapigilang ngumiti habang pinagmamasdan syang kumakain nang masaya.
''Ngayon lang ako nakakain neto.'ang sarap pala ng bibingka!'' di ko mapigilang tumawa ngunit agad din itong natapos. Tinanong ko sa kanya kung anong oras na. 10:30 na nang gabi at kailangan ko nang umuwi. Naramdaman nya ata na kailangan ko nang umuwi kaya't tumayo sya at sinabing ihahatid na nya ako. Habang naglalakad naman kami ay may sumisigaw na mga kaklase nya at inabati sya ng 'belated happy birthday'
''Kailangan mong ubusin yan ah. Mag send ka ng picture sakin na kinakain mo yan. Kailangan kong makita na kumakain ka talaga hahaha'' lutang naman ang isip ko dahil siguro ay alam ko sa sarili kong huli na 'to. Gusto nya akong ihatid kung saan nya ako sinundo ngunit sabi ko ay wag na.
''Kaya ko namang tumawid e. Ganto nalang, panoorin mo nalang akong tumawid. Kakawayan nalang kita pag nanduon na ako.'' nakita kong nag aalala ang kanyang muka dahil sa sinabi ko kaya nginitian ko sya para ipahiwatig na kaya ko at ayos lang ako. Sumangayon naman sya sakin at nagsimula na kong maglakad papalayo sa kanya nang naramdaman ko ang kamay nya sa aking ulo at ginulo ito. Isa isa naang nagsibagsakan ang mga luha kaya't hindi ko nang magawang lumingon. Naalala ko bigla ang lahat. Lahat ng masasayang alaala na ngayon ay mag tatapos na. Sinulyapan ko naman sya nang nakatawid na ako at kitang kita kong nakatayo lang sya kung saan ko sya iniwan at nakatingin lang sakin. Nginitian ko lang sya at umalis na. Nag message ako sa kanya na nakauwi na ako ngunit hindi nya na ako sinagot.
Simula noon ay hindi ko na sya nakausap at hindi ko na sya nakita.
Tinapos ko ang storyang isinulat ko sa pamamagitan ng tuldok na nangangahulugang tapos na. Tiningnan ko ang drawing na iginuhit ko. Larawan ng nakatalikod na lalaki't babae na nasa ilalim ng puno. Lahat nga talaga ng larawan ay may malalalim na kahulugan. May kanya kanyang kwento. At ang aking iginuhit ay may sarili ding kwento. Kwentong para sa akin ay ang pinaka malungkot na nabasa ko.
YOU ARE READING
Drawing
FanfictionBehind every drawing, there is an untold story ; one shot story :)