Kabanata 37. Magkasalungat

271 9 1
                                    

Mutya's POV

(N/P: Say Something by A Great Big World & Christina Aguilera)

Inilagay ko na sa bulsa ko ang cellphone ko matapos kong mai-send kay Oyang ang text message para sabihing nasa plaza si Tasyang. Panigurado kasing nag-aalala yun.

Nagpatuloy ako sa pagtakbo. Maya-maya pa ay nakarating na ako sa tapat ng bahay namin kaya dali-dali kong inayos ang itsura ko para hindi nila mahalata na umiyak ako.

["Ate, ayos ka lang ba?"] si Ligaya ang sumalubong sakin pagkapasok ko ng pinto, magaling talagang maka-sense ng aura tong kapatid ko.

["Oo, ayos lang ako."] sagot ko sa kanya at pinilit kong ngumiti. Bago ko sya lampasan ay niyakap ko muna sya ng mahigpit.

Dumiretso na ako sa kwarto namin ni Ligaya at humiga ako sa kama.

"O Mutya, akala ko ba may party pa kayo sa school nyo?" narinig kong sigaw ni Mamang pero hindi ko na lang pinansin,

"Mutya, sabi ko bakit nakauwi ka na kaagad?" sigaw ulit ni Mamang kaya naman bumangon ako at binuksan ang pinto ng konti

"MUTYA! Ano ba---" sigaw ni mamang at mukhang malapit na sya sa pinto pero napahinto sya dahil hinarangan sya ni Ligaya

["Mamang! Masama ang pakiramdam ni ate, huwag mo muna syang istorbohin."] dali-dali si Ligaya sa pag-sign language kay mamang

["Anong nangyari sa ate mo?"] si mamang,

["Hindi ko po alam basta hayaan nyo po syang magpahinga sa ngayon."]

Isinarado ko na yung pinto dahil hindi ko na napigilan yung pagbagsak ulit ng luha ko.

Napaupo na lang ako sa sahig sa tapat ng pinto at isinubsob ko na lang yung mukha ko sa tuhod ko.

Sa pagpikit ko ng mga mata ko ay nag-play na naman yung eksenang nakita ko kanina. Sana kasi hindi ko na lang nakita. O baka naman OA lang ako. Baka naman friendly hug lang yun. Osige paasahin mo pa ang sarili mo Mutyang tanga. Ang realidad na si Lino ay kaibigan lang ang turing sayo, ay hindi na magbabago. Period. No erase.

Kaya mag-move on na, juskonaman. Hindi kawalan sayo ang jologs na yun. Tsk.

Tumayo na ako at humiga sa kama. Tutal ang alam naman ni mamang eh masama yung pakiramdam ko, kaya papanindigan ko na lang. Matutulog na lang ako.

....

Nagising ako nang may yumuyugyog sa katre ko. Pagtingin ko, si Ligaya pala.

["Kain na ate, para makainom ka ng gamot."] sabi ni Ligaya in sign language

["Sige. Susunod na ako."] tugon ko naman kaya nauna na syang lumabas ng kwarto ko pero nung malapit na syang makalabas ay ibinalik nya ang tingin nya,

["Kaibigan mo ba yung naghihintay sa labas?"] sabi nya na ikinakunot ng noo ko, ibinaling nya ang tingin nya sa bintana at saka naglakad na paalis,

May naghihintay sa labas? Sino naman?

Dali-dali kong hinawi yung kurtina at sinilip kung sino yung nasa labas ng bintana. Aba, at ang hudas na Lino na to ang lakas ng loob na magpakita pa sakin. Marupok pa man din ako. Charot

Pero yung totoo, bakit ganun, pakiramdam ko, naloko ako. Parang ayaw ko nang ipagkatiwala sa kanya yung puso ko ulit kasi alam kong sasaktan nya lang din naman ako nang paulit-ulit. Kahit ang totoo ay wala naman akong karapatan maramdaman 'to.

Lumabas ako ng bahay para puntahan si Lino. Puntahan sya at sabihin sa kanya na huwag nya na akong kakausapin kahit kelan. Dahil gusto ko nang maka-move on.

Mission: Act Like a ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon