Chapter 14: (Her POV)
Naisipan kong mag-log in sa account na Shana Sy dahil halos dalawang linggo na akong hindi gumagamit ng poser na yun.
Napasinghap ako nang makitang si Renzo Kian lang pala yung nasa chat box ko. At sa friend list ko, mga 50+ lang din yung mga mutual friends ko, nangunguna doon ang pangalan nya at yung lecheng Golden E.
Ang gago na yun! Muntikan na syang mawala sa isipan ko. Pero sana hindi na nya ako ginugulo. Ayokong mangyari sakin yung nangyari kay Kian na nakikipag-usap sa isang poser account (which is, ako) tas nainlove. Ayokong ma-inlove sakin ang Golden E na yun!
Baka mamaya, nasa tabi tabi ko lang sya o di kaya'y babae lang pala at tawang tawa habang pinapanood akong kinikilig dahil sa kanya. Nah, ayoko talaga.
Magla-log out na sana ako ng agawin ni Hans ang cellphone ko. "Hep, no cellphone allowed for this occassion. " kumindat sya sakin at tinapon ang cellphone ko sa loob ng bag nya but still looking at me.
Napasimangot ako at nilingon nalang ang tanawin sa labas. Off to Tarisiya Beach kami para sa pyesta ng section namin. Nakalimutan kong sabihin sa simula na pumapasok ako sa isang catholic school, pyesta ng santos na si St. Joseph at yun ang pangalan ng section namin, kung kaya't dinadaos namin sa beach ang kapistahan.
Tatlong van ang napakyaw namin dahil halos lahat kami sumama. Si adviser Baltazar ang nagdesisyong sa labas ng school magcecelebrate dahil kung sa loob ay makakaabala kami sa ibang studyante.
"Akin na mga cellphone nyo! Akin na!" narinig kong ma-awtoridad na utos ng Vice President na si Hans. Sa pagkakataong ito ay nawala ang expression sa kanyang mukha na pinakita nya sakin kanina.
"Akin na sabi!" galit nyang utos ulit nang makitang walang balak ibigay ng mga kaklase namin ang kani-kanilang gadgets.
Padabog na humarap samin si Adri at Fatima at hinagis sa dibdib ni Hans ang mga cellphones.
"Kalmado mong sinuway kanina si Kayla pero habang kami ay galit na galit ka! Bwisit naman. " inis na nagkibit balikat si Adri at sinamaan naman ng tingin ni Fatima si Hans.
"Baka may gusto sya kay Kayla. " pang-aasar ng lalaki naming kaklase. Napataas ang magkabila kong kilay at natawa sa sinabi nito. "Aye, may gusto si Hans kay Kayla!" pang aasar pa nila at sabay silang lahat na kumanta ng Torete.
Hindi ko alam kung bakit yun pa ang kinanta nila gayong hindi naman torete si Hans. I mean, hindi sya torpe. Tsaka wala naman syang gusto sakin.
"Ano ba kayo. Tumigil na nga kayo bago pa magalit ang Bise Presidente!" nakangising saway ko at sinipat ng tingin si Hans. Ngunit nagulat ako ng makita syang nakangisi habang nakatanaw sa bintana na nasa gilid ko.
"Hindi sya magagalit, Kay! Tingnan mo nga, oh. Nakangisi! Kinikilig yan!" mas lalo pa silang nagkantahan sa loob at nakakatuwang nakisabay rin sa kanila si miss Baltazar na nakaupo sa shot gun seat.
Napakamot nalang ako ng ulo at napa-iling iling sa mga sinasabi nilang hindi naman totoo. Pinilit kong wag paniwalaan ang ngising nakapaskil sa mga labi ni Hans.
Napaka-mysteryoso nya talaga. At hindi ko rin maiintindihan ang pagbabago ng mood nya araw-araw. Dinaig pa ang mga babaeng nireregla. Pero aaminin ko, mas gumwapo sya pag may ngiti sa mukha.
Naalala ko si Silver sa kanya. Pero napasimangot ako dahil hindi kami nagkasabay sa van na to. Sa kabila sya sumakay dahil iyon ang utos ni Hans. Hindi kasi sya makaangal dahil vice president nga ang Hans na to.
"Balita ko ay maraming tao sa Tarisiya. Baka hindi tayo makakuha ng pwesto doon." usal ni miss Baltazar na may tinitingnang pictures sa facebook. Base sa background nun ay mukhang nasa Tarisiya iyon.
BINABASA MO ANG
The Reason Why He Hated Me // Kydree: Book 1
FanfictionBOOK ONE: COMPLETED BOOK TWO: ON-GOING Kayla Bonifacio has been chasing 'him' for so long. She made a poser account at iyon ang ginamit nya para e-chat si Renzo Kian. Thank you @winkingpinkpiggy for the cover...