PAHINA 4

137 4 0
                                    

Kleo's Pov:

Nang matapos ang klase ko sa araw na ito ay dumiretso agad ako pauwi. Naglakad lamang ako pauwi. Ayokong sumakay sa mga sasakyan sa daan kasi naman baka lumampas ako at mawala. Medyo malapit lang naman ang bahay na tinutuluyan ko rito.

Napahinto ako ng mapadaan ako sa isang tindahan. Bilhan ko kaya si Manang Josie nito. Pumasok agad ako at namili sa mga matatamis na pagkain na nakahilera sa isang kristal na lalagyan. Ano kaya ang masarap dito?

"Magandang hapon ano ang sayo binibini?" nakangiting bati ng nagbabantay sa estante.

"Ah. Ito na lang po." turo ko sa isang 'cake'.

"Sandali lang ha." sabi niya at inasikaso ang bibilhin ko.

Isang tsokolate na cake na may mga mapupulang prutas sa tuktok. Binayaran ko na iyon at inabot niya na sakin ang nakakahong cake. Tahimik ko ng tinahak ang daan pauwi. Medyo madilim na din kaya medyo binilisan ko ng konti ang lakad ko.

Papasok na ako sa iskinita papuntang bahay ng humarang sakin ang grupo ng limang mga binatilyo. Kung hindi mo sila kilala aakalain mong mga basagulero ang mga ito.

"Oh. Bakit?" nagtataka kong tanong sa kanila.

"Ate,hatid ka na namin kasi nagkakagulo dyan kina mang Berting." sabi ni Luis.

"Ganun? Lagi namang may gulo dyan di ba?" taas kilay kong sabi.

"Kaya nga Ate eh parang magpapatayan na sila eh." sabad naman ni Andrew.

"Sino bang kalaban niya ngayon?"

"Yung anak niya na si Mikael ay mali si Mikaela pala." natatawang sabi ni Jojo.

"Sira. Hali na nga kayo." pag-aya ko sa kanila.

Naglakad kaming anim at ng mapadaan kami sa bahay nina mang Berting ay dinig na dinig ko ang sigawan nila. Napatigil kami ng lumabas sila at nagbalyahan sa unahan namin. Hala!

"Jojo hawakan mo muna to huwag mong bibitawan ha." inabot ko sa kanya ang nakakahong cake.

"Ate anong gagawin mo baka madamay ka dyan!" pahabol na sigaw ni Lucas.

Lumapit ako sa nagbabalyahang mag-ama.

"Hayop kang bata ka! Hindi kita pinalaking bakla!" sigaw ni mang Berting.

"Hindi niyo na ako mababali tay! Ganito na ako!" sigaw din ni Mikael.

"Tama na po!" awat ko sa kanila.

"Berting! Mikael! Tama na iyan!" pag-aawat din ni Aling Marga.

"Papatayin ko ang hayop na to!" sinakal ni mang Berting si Mikael.

"Waahh! Tama na po! Tay Berting!" hinila ko palayo ang kamay niya mula sa leeg ni Mikael.

"Kleo umalis ka dyan baka mag tamaan ka ni tatay!" sabi sakin ni Mikael habang sinasakal siya ng tatay niya.

Umatras ako ng konti at huminga ng malalim.

"TAMA NA!~" sumigaw ako ng malakas.

Kaya ayun tumigil sila. Hay!

"Tay Berting,pwede naman pong daan yan sa mahinahong usapan hindi ba?" kalmado kong sabi.

"Hindi ako hihinahon kasi wala akong anak na bakla." giit niya.

Nakahawak sa kanya si Aling Marga na parang pinipigilan siya.

"Tay Berting,wala namang masama na ganyan siya eh. Tsaka hindi niya naman kasalanan na naging ganyan siya. Siguro dapat babae ang anak niyo kaso nahulma siya bilang lalaki." pagpapaliwanag ko.

Over Power  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon