"Bakit nasa ilalim ng lupa ang kamote"

7 0 0
                                    

Noong unang panahon sa bayan ng H.U ay may naninirahang kambal. Ito ay sina kam at kote.
Sila ay maagang naulila kaya ang kanilang ate na si zein nalang ang gumagawa ng paraan pa-
ra matugunan ang kanilang pangangailangan.
Ngunit sa kasamang palad ay mayroong hindi kagandahang asal ang kambal. Mahilig silang
manggamit ng ibang tao para makuha ang gusto nila. Isang araw nabalitaan ni zein na magkakaroon ng malakas na bagyo kaya kailangan nilang maghanda lahat dahil lahat ng kapitbahay ay nag hahanda naren para sa darating na bagyo.Sina ace, allison, raze, at samantha ay naka paghanda nasa paparating na bagyo.Ngunit sa kasamaang palad ay may naisip na kalokohan ang kambal pinag usapan nila na habang nasa ibang lugar ang lahat ng tao ay ilalagay nila ang lahat ng pagkain nila sa ilalim ng lupa na ginawa ng kambal.Sinigurado
nila na ito'y magiging ligtas.

Pagkalipas ng dalwang araw lumikas na ang mga tao sa kanilang mga bahay. Bumuhos ang napaka lakas na bagyo na may kasamang kulog at kidlat.Sa sobrang pag alala ni zein sa kamb-
al ay binalikan niya ang mga ito ngunit nag ka-
roon ng lindol. Halos isang minuto ang tina-
gal nito. Natakot si zein kaya dali-dali siyang
Bumalik sa kinaroroonan ng kambal ngunit ang tanging tumambad kay zein ay ang kweba na gawa sa lupa ngunit ito'y natabunan na wala ng nagawa si zein kundi umiyak.

Apat na araw na ang naka lipas ng maging payapa na ang paligid.Dinalo nina ace at raze si zein sa ospital para mag pagaling dahil sobrang
taas ng lagnat nito.Pag kagaling ni zein sa lang-
nat ay bumalik siya sa kinaroroonan ng kwe-
bang lupa ngunit tumambad sa kanya ang mga dahong mag kakamukha at kumakalat.Sinubu-
kan ni zein itong tanggalin ngunit ng mapag tantong ito'y may laman ay hinukay niya ito.
Kaagad na naalala niya ang mga kapatid dahil sa pag kakatulad ng lahat ng bagay na iyon.
Kapansin-pansin dito ay mataba ito naisip ni zein na habang na bagyo ay kinain ng kambal ang lahat ng pagkain na inimbak nila.Napansin
narin ng lahat ang bagay na ito kaya ang tangi
nalala nila ay ang kambal. Kinalauna'y dahil sa mga batang hindi naka pagsasalita ng tuwid ay magkasama nilang na bigkas ang pangalan ng kambal na si kam at kote. Dinag tagal ito'y nag-
ing kamote. At ito ang wakas ng kwento kung bakit nasa ilalim ng lupa ang 'kamote'.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 01, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

" Bakit nasa ilalim ng lupa ang kamote "Where stories live. Discover now