Love. Warmth. Happiness. Lahat ng yan mararamdaman mo sa isang pamilya. Sobrang sarap sa pakiramdam na parang wala ka nang ibang gustong maramdaman sa buong buhay mo kundi yun lang. Lahat naman yun ang gusto. Sana sarap nalang lahat. Wala ng problema. Wala ng stress. Wala na ring sakit. Kasi kahit naman gago hindi gugustuhin yun.
Pero sabi nga nila pagsubok daw natin yun? Na yun daw magpapatatag satin pero tangina di naman siguro lahat ng tao kaya yun. Nababawasan na nga populasyon dahil lang dun. Which is good din naman kasi at least bawas ang dami pero di parin naman sapat ung rason na yun para maging daily routine ng tao para mabawasan ang populasyon natin.
Sabi nga nila. Di lahat perpekto. Di ako naniniwala dun. Kasi meron naman akong pamilya na sobra ang pagmamahalan. May mga mababait akong kaibigan. Lahat din ng gusto ko nakukuha ko. At lahat na din nasa akin. Lahat ng meron ako perpekto pero dadating ka din pala sa puntong mapapaisip ka pa kung san ka nagkamali at bakit sa isang pitik lang nawala yung perpektong meron ka. Yung mapapaiyak ka na lang sa sobrang bigat ng ipinalit sa tinatawag nilang perpektong saya.
---
Ang sakit na makita ung taong mahal na mahal mong sinasaktan din ng taong nagmamahal sayo.
"Maaaaa!"
"Ate si mama!!"
Nakakasakit ung mga bubog na nakakalat sa buong lapag ng bahay kahit hindi ka nasusugatan nun. Ang sakit makita ang mga sirang gamit. Ang sakit makitang umiiyak ang mga kapatid. Sobrang sakit na makita mo ung dalawang taong hinahangaan mo sa pagmamahal nila para sa isat isa na nagkakasakitan. Lalong mas masakit ung wala kang magawa para pigilan kung anong kademonyohan ang sumapi sa tatay mo na patuloy na sinasaktan ang nanay mo.
"Pa please tama na." Pabulong at halos di na marinig na sambit ko.
Yakap yakap ko ang mga umiiyak kong kapatid habang pinapanuod ang eksena ng mga taong mahal ko na hindi ko kayang tapusin.
Sinabunutan ni papa si mama at sinampal ng sobrang lakas. Hindi pa siya nakuntento at sinuntok niya ito sa tiyan saka niya ihinampas sa pader. Akala ko bibitawan niya na si mama pero sinuntok niya ulit ito sa tiyan.
"Ang landi mong babae ka!"
"Hi-ndi ko a-alam ang si-sinasabi mo." Nauutal na sabi ng mama ko.
"Gagawin mo pa akong tanga!"
Aktong aambahan niya ulit ito ng suntok pero agad akong bumitaw sa mga kapatid ko at niyakap si mama.
"Pa please tama na." Umiiyak na sabi ko at hinigpitan ang yakap ko kay mama.
"Kakampihan mo pa talaga yang walang kwentang malandi mong nanay?!"
"Ikaw ang walang kwenta!" Sigaw ko sa kanya at tiningnan siya ng masama.
Hinila niya ako mula kay mama at mahigpit na hinawakan sa braso. Hinugot niya ang isang bagay na hindi ko alam kung saan nanggaling at itinutok sa nanay ko.
Parang tumigil ang takbo ng oras at napako ako sa kinatatayuan ko. Kahit kailan hindi ko naisip na kayang tutukan ng baril ni papa si mama. Hinding hindi sumagi iyon sa utak ko at sa nakikita ko ngayon parang paulit ulit na sinasaksak ang puso ko.
Narinig ko ang pag lakas ng iyak ng mga kapatid ko at isang malakas na pag kasa ng baril. Niyakap ko ng sobrang higpit si papa at humagulgol.
"Pa please. Wag. Tama na. " un na lang ang nasabi ko.
At sa di ko alam kung paano nawala na ang nanay ko. Lumabas ako ng bahay at nakita siyang paika ika at nahihirapang naglalakad paalis. Hinabol ko siya at dahan dahang hinawakan sa kamay.
"Ma! San ka pupunta?" Unti unting tumaas ang kanyang nanginginig na kamay at hinawakan ang pisngi ko.
"Anak alam ko malakas ka. Wag na wag mong papabayaan ang mga kapatid mo ha. Si Jace alam mong gutumin un. Haha."
"Ma."
"Anak hindi ko na kaya."
"Mama."
"Anak. Lagi mong tatandaan. Mahal na mahal na mahal na mahal kita. Kayo ng mga kapatid mo." Hinalikan niya ako sa noo ko na tila ba nagpapaalam. At hindi ko namalayan nawala na siya sa paningin ko.
Then that exact moment was the first moment of my life i felt extremely helpless and numb.