Tunay na Pag-ibig

124 1 0
                                    

Ang tunay na pag-ibig ay hindi lamang nagmumula sa mga magkasintahan at mag-asawa. Maaari rin itong makamit mula sa mga tapat na kaibigan, sa loob ng pamilya, at higit sa lahat, sa Diyos.

[ Author's Note]

First of all, this is not my own composition. Gawa po ito ng classmate ko. Natuwa po ako sa kwento nya kaya I asked permission kung pwede kong i-post sa wattpad, at pumayag naman siya. I hope you will like it too!!

------------------

"Haayy ... Halos pitong taon na rin ng pumanaw si Mama. Sana nandito pa rin sya para hindi nahihirapan ng ganoon si Papa. Ayokong nakikita syang ganun. Hmm.. Paano ko kaya 'to masusulusyunan? Ah basta, kaya ko 'to," sabi ni Earl sa kanyang sarili.

Si Earl ay nag-iisang anak nina Gabriel at Ayra. Sila ay nakatira sa Pandacan, sa lungsod ng Maynila.

"Naaalala ko pa noong limang taon pa lamang ako, tuwing Biyernes ay nagsisimba kami ng magkakasama. Masaya at walang pinuproblema dahil sama-sama kami. Ngunit ngayon, wala na iyon. Wala na nga si Mama, si Papa naman laging lasing. Araw-araw, gabi-gabi," ang sabi ni Earl.

"Earl, wag kang mag-alala. Maaayos din yang problema mo..." wika ni Kristine.

"Oo, tama sya. May awa ang Diyos," ang sabi naman nina Laura at Nicole.

"At wag na wag ka ring mag-alala dahil nandito kami na kaibigan mo, handang dumamay sayo," ang paalala nina Leslie, Meloisa at Judy Ann.

"Salamat. Tunay ko talaga kayong kaibigan," ang masayang sagot ni Earl.

Umuwi na ang magkakaibigan, at dahil sa pagsuporta nila, nagkaroon ng munting ngiti sa labi ni Earl. Ngunit pag-uwi nya, nadatnan nya ang kanyang ama na nais magpatiwakal.

"Pa! Pa! Wag .. Wag mong gawin iyan .. " ang takot na takot na sigaw ni Earl.

"Hindi ko na kaya .. Pabayaan mo na ako .. Gusto ko na ulit makasama ang Mama mo, si Ayra. Kaya pwede ba?! " ang galit na sabi ni Gabriel. Nakita ni Earl na unti-unting dumadaloy ang luha sa mga mata ng kanyang ama na tila pinipigilan nito. Alam na alam ni Earl na si Ayra, ang kanyang ina, ang kauna-unahan at nag-iisang minahal ng kanyang ama.

"Pa, tama na. Tama na parang awa nyo na.. Hindi lang kayo ang nawalan.. Nawalan din ako ng ina.. Hindi lang po kayo ang gustong makita si Mama, ang makapiling sya.. Pa, limang taon.. Limang taon ko lang sya nakilala, nakasama.. Pero kahit kailan, hindi ko inisip na bumigay, na mawalan ng pag-asa.. Kasi nandito pa kayo Papa.. Dahil alam ko na may pamilya pa ako.. Pa, kayo  yun.. Kayo yun.." ang umiiyak na sabi ni Earl.

"Pero Earl, hindi ko na kaya.. Gusto ko na ulit makasama ang Mama mo.. "

"Pa, kayanin mo.. Kayanin mo para sakin.. Nandito pa ako at hinding-hindi ko kayo iiwan.."

Pagkatapos ng araw na iyon, lumipas ang ilang linggong pag-iisip ni Gabriel. Naliwanagan sya na tama ang kanyang anak. Mayroon pang taong tunay na nagmamahal sa kanya bukod sa pinakamamahal nyang si Ayra. Naisip nya na kapiling pa niya ang kanilang nag-iisang pinakaiingatan at pinakamamahal na anak na si Earl.

"Earl, anak, patawarin mo si Papa kung naging mahina sya. Sana anak ay mapatawad mo ako.." sabi ni Gabriel sabay hinalikan sa noo si Earl.

"Pa, wala po iyon. Ang mahalaga ay nandito kayo. Dahil tanging kayo lang ni Mama ang pinakamahalagang kayamanan na meron ako.." ang masayang sagot ni Earl.

[Author's Note again :)]

Sana po nagustuhan nyo! :)

A Story By Stefany Bo :)

(hindi po pag-aari ng author)

Tunay na Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon