"Tammy, kung pwede daw manligaw sa yo si Hiro."
Napaangat ang tingin ko sa nagsalita. Nagsusulat kasi ako ngayon ng activity para sa isang subject namin. By group ito. Nasa football field kami sa Southridge Uni. Isa akong BA English student.
Tiningnan ko ang nagsalita. Classmate ko pala sa isang subject ko. Si Peter, ang pinakamaingay, makulit at isip bata kong kaklase. Tiningnan ko ang tinutukoy nya, si Hiro na klasmate ko din sa ilang subject. Tahimik sya. Nakatingin lang din sya sa akin. Napataas tuloy ang kilay ko. Kasi naman, mukhang pinagtitripan lang ako ni Peter. Gawain na nyang sabihin na gustong ligawan ni ganito si ganyan pero sya lang naman ang nagiisip. Kawawa tuloy ang iba na naniniwala. At alam ko, ako naman pinagtitripan nila.
I mean, kung titingnan mo si Hiro, mukhang wala naman sya pakialam, Nakikinig lang sya sa headset nya pero, oo, nakatingin nga sa akin.
"Ano Tammy, pwede pwede?" tinataas taas pa nya ang kilay nya. Natawa tuloy ako sa hitsura ni Peter. Pati yung iba pa namin kagroup natatawa. Siguro nga gawa gawa lang yung kwento na panliligaw. Kahit mga classmate nga namin di sya sineseryoso. Di ba dapat pag narining mo yung classmate mo na may gustong manligaw, may tuksuhan, may asaran, eto wala.
"Lul, gawin mo yung sa yo," sabi ko sa kaniya.
"Ay sayang naman," sagot ni Peter. 'Kaw Christy, pwedeng manligaw si Aris sa yo?"
Natawa talaga kami lahat dun. Sabi na, nagtitrip lang. Napasulyag ulit ako kay Hiro na nakatingin pa din sa sakin.
"Bakit?" tanong ko sa kaniya.
Umiling lang sya, at tinuloy ang ginagawa.
Weird.
Classmate ko naman si Hiro sa ilang subject since last year pero sya yung tipo ng tao na hindi mo nafifeel. Alam mo yung andyan sya, pero since tahimik lang sya, di mo napapansin. Yung mga ganun. Meron kasi syang aura na suplado. Hindi naman sya super gwapo, yung tipong panghearthrob, pero may dating.
Ngayon ko lang din napagtuunan ng pansin pero cute nga pala sya. And he has the longest eyelashes I've seen. Kakaiingit ha. Samantalang ako todo effort sa paglalagay ng mascara. Sya yung tipo ng guy na malayo pa lang feeling mo ang bango nya, kasi ang linis nyang tingnan.
Natapos din kami sa group activity namin at heto, naghihintay ako ngayon ng jeep. Nagulat na lang ako ng may humintong motor sa harap ko. XRM 125, red and white, yung motified.
Wala naman akong kilala na may motor at nakaghelmet pa si kuya kaya dinedma ko lang. Pero nagulat ako ng nagsalita sya.
"Sakay na, ihahatid na kita."
WTF! Si Hiro ba ito?! I mean, I'm not sure, pero parang kaboses nya kasi. Nung tinanggal ni Kuya yung helmet, ayong confirm, si Hiro nga.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
Ngumiti lang sya. Infairness, cute pala nga si Hiro.
BINABASA MO ANG
I Fell (oneshot)
Short StoryAnong feeling ng pag ang nakasanayan mo, biglang magiiba. Would you miss, or would you fell?