"I don't believe in love at first sight but this I believe, I fell in love with you the first time I kissed you."
Chapter 1
"Argh! Ayaw akong payagan ng nanay ko na mag-move out!" reklamo ni Dheniz sa katrabahong si Kelsey. Isa siyang Resident Services Assistant sa isang Independent Living Senior's Housing. Ngayong wala na siya sa galamay ng mga kamag-anak niya ay malaya na siyang nakakagalaw ng hindi minomonitor ng mga ito. She bought her own car the moment she became permanent on her job. Exciting ang napasukan niyang trabaho dahil mga propesyonal na matatanda ang kasama niya araw-araw, idagdag pang mababait at cool ang mga katrabaho niya.
"Eh ano nang gagawin mo niyan?" tanong ni Kelsey sa kanya na siyang Activities Assistant nila. Magkasama sila sa isang malaking opisina kaya naman may nakakakuwentuhan na siya.
Nangalumbaba siya at bumuntong hininga. "Hindi ko rin alam," malungkot na sagot niya sa kaibigan. Nilapitan siya nito at tinapik sa balikat bago lumabas. Naiwan tuloy siyang nagmumuni-muni habang iniisa-isa ang mga plano sana niya kapag nakapagsolo na siya. Nang mapagod sa kakaisip ay sinipat niya ang oras. Alas dose na pala, tumayo na siya at kinuha ang pitaka para tumambay sa paborito niyang Japanese Restaurant ang Mt. Fuji Japanese Resto na nasa tapat lang nila.
"Irrashai--" anang serbidor doon na halatang hindi Hapon.
"Irrashai din,"saludo niya dito bago pumili ng lamesang kakainan. She took out her cellphone and called her mother, wala pa ito sa trabaho nito dahil pang evening shift ito sa isang Mental Health Facility. Medyo konektado ang line of work nilang mag-ina, nagkataon lang na siya ay nasa administrative department at ang nanay naman niya ay isang nurse.
"What is it darling?" anang nanay niyang Inglisera.
"Ma, hindi ba ako puwedeng mag-move out talaga? May pambayad naman ako ng rent eh!" aniyang medyo hininaan ang boses dahil nagtinginan sa kanya ang ibang kumakain.
"Wala nang matitira sa susuwelduhin mo. Hindi kita pinigilan nang magdesisyon kang bumili ng sasakyan ng hindi kami tinatanong ha! Tumigil ka!" iritableng sagot naman nito.
Nangalumbaba na naman siya. "Eh kailan pa ako aalis sa poder ninyo aber, kapag uugod-ugod na ako ganoon?"pamimilosopo niya.
"Kapag naisipan mo nang mag-asawa at bigyan kami ng ama mo ng apo. Kung sinagot mo na sana si Ken John noon eh di sana may pamilya ka na ngayon."
"Ma, hindi nanligaw si Ken kaya paano ko iyon sasagutin? Kung apo rin lang ang gusto ninyo madali namang solusyonan iyan," aniya.
She'd go to the nearest pet shop to buy a puppy at tapos ang problema niya!
"Are you telling me you're planning on getting married soon anak?" parang nakikinita na niya na nagniningning ang mga mata ng kanyang ina habang nagsasalita.
"Uhm, eto... ano kasi..."alanganing sagot niya.
"Sinasabi ko na nga ba! This topic is done. Kapag may maihaharap ka nang lalake sa akin na handa kang pakasalan doon mo makikita ang sarili mo na mamamaalam sa poder namin. Until then Dencio doon lang kita papayagang magbalot ng gamit para magsarili." Dencio ang palayaw niya kapag walang nakakarinig.
BINABASA MO ANG
The Secret Coven Book 1: The Unbearable Fact
RandomUnang nakita ni Dhez si Blue sa Midnight Club. They met under an unusual situation. The next thing she knew they were getting married. Maayos ang lahat sa bawat araw na nagdaraan sa kanila bilang mag-asawa. Ngunit nakakapagtakang halos hindi sila na...