Chapter 2

4 0 0
                                    


Chapter 2

"Hey dad, how are you feeling?"Tanong ko saking daddy.Sabay beso sa kanya.

Dito ako lagi sa opisina ni daddy pagkatapos ng klase dahil we need conversation at para rin makumusta niya ako.

"Fine, how's study honey?" Ani dad.

"Nothing special." Sagot ko.

Tumango lang si daddy dahil busy sa kanyang mga paperworks, he handled all our businesses not just in the Philippines but everywhere in Asia.

"M-mm Dad? Do you miss mom?" I ask out of nowhere.

Huminto siya sa kanyang ginagawa at nag angat ng tingin. He smiled to me sadly at hindi naka sagot agad na para bang may inalalang pangyayari.

"She is the most wonderful woman I've ever meet Blythe, she taught me how important life is. She taught me many things like how to survive in reality." Nangigilid ang luhang ani niya. "She is always remembered 'nak and I love her so much." Madamdaming sabi ni daddy.

Mabilis akong umikot sa mesa at niyakap si daddy.

"I miss mom too, dad" He hugged me back and a tear escaped from my eyes.

"Let's cut this already honey, mommy will get angry if we are sad. So be happy okay? because she is here, always be." Habang tinuturo ang kanyang dibdib kung nasan ang puso.

Parang may humaplos saking puso sa sinabi ng aking daddy, kahit patay na si mommy, still he is faithful to her.

"Okay dad, I'll go now in my room." Sabay tungo saking kwarto sa 2nd floor.

Pagka pasok ko, nandoon na namn ang mga alaalang hindi na mawala sa king isip pag pumasok ako dito.

"Noooooo! Wala kang karapatang kunin ang anak ko!" Sigaw ni mommy. Wala akong makita, nasa likod ako ni mommy habang nakikipagsagutan sa hindi ko alam na nilalang.

"Tanggapin mo na ang kapalaran Roselda!! Kahit saan kayo mag punta hahatakin at hahatakin parin kayo papunta sa mundong inabuso mo, papunta sa mundo ng isang kwento......."

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaah!!!!" Nagsisigaw ako habang pilit inaalala ang nangyari Limang taon na ang nakalipas.

Hanggang ngayon ay hindi ko parin maiintindihan! Pinadapa ko ang aking katawan na para bang hinang-hina na habang tahimik na umiiyak.

'Ano ang kasalan ni mommy? Bakit siya kinuha? May totoo ba talagang ganon? Alam kaya ni Daddy?!!'

Sunod sunod na tanong ko sa king isip. Kaya ayaw ko sa mga storya dahil pinapaalala lang nito ang ka walanghiyang ginawa ng isang nilalang galing dito.

Bata pa ako hilig ko na talaga ang makinig sa kwento ni mommy, yung kinkwento niya kasi para bang totoong nangyari talaga. Dahil napapansin kong kapag may kinwento siya sa isang gabi pagkalipas ng ilang araw ay meron ding mangayayari dito sa totoong buhay na parehong pareho sa kwento. Ewan ko ba inisip ko nalang na nagkataon lang, hanggang sa lumipas ang taon ganoon pa rin.

Kung may ikekwento siya tungkol sa mga taong pasaway na binubully ang kapwa tao at sinasaktan at pagkatapos sa huli ay lumalaban. Yun rin ang nangyari noong Grade 6 ako, may mga classmate akong bully tapos yung binubully naman walang laban, hanggang sa nagkaroon siya ng lakas na loob lumaban! At ang nakakatawa rito, kung ano ang ginawa ng bata sa kwento ay siya ring ginawa sa kaklase ko.

Marami pang mga pangyayaring Nasa kwento na pagkatapos basahin ni mommy ay magkakatotoo.

Ewan ko ba feeling ko kasi para bang kinontrol niya ang pangyayari, kasi siya ang sumusulat sa mga kwento niya 'dun sa librong makapal na makapal at mukhang luma at para bang kung ano ang nasa kwento niya mangyayari sa totoong buhay depende sa kapangalan nito. Yun ang naoobserbahan ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 31, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Accidentally Trapped Where stories live. Discover now