💍Trouble 10: Sinira💍

801 52 5
                                    

Hating Bakla
(SHERIDAN)
by imrodsy23
Trouble 10






AWANG ang mga labi ni Edcelle sa panggigilalas. Sa pakiramdam ng dalagita'y nangapal ang mukha sa pag-iinit at pagkapahiya. Sa lapag ay nakakalat ang mga larawan na iyon. Napatitig doon ang babae habang sapo ang nasampal na pisngi.

Isa sa mga larawan ay makikita ang paghahalikan ng babae at lalaki. Ang isa'y nakaakbay sa parehong babae ang lalaki habang papasok sa motel. At ang isa nama'y nakakubabaw ang lalaki sa babaeng nakahiga sa buhanginan sa dalampasigan na iyon. At ang mga 'yon ang nagpapaigting sa mga bagang ni Calvin. Iyon ang dahilan ng pagngangalit ng lalaki.

Ngunit, paanong nagkaroon si Calvin ng mga ganoong larawan? Nag-imbestiga ba ang lalaki?

Napailing si Edcelle. Nagsalimbayan sa isip ang mga rason na p'wedeng magkaila laban sa mga sinasabi ng larawan.

Pero paano ba hindi lalabas na sintunado ang isang rason kung bisto ka na?

"Papaanong nagkaroon ka ng mga 'yan?" Sa kawalan ng maidedepensa at natatarantang isip ay naitanong ng dalagita. Bagamat hindi magawang mag-angat ng mukha. Naroon ang takot at pangamba.

"Iyan lang ba ang sasabihin mo? Paano!" Bulyaw ni Calvin sa lalong pagdidilim ng mukha.

Napaigtad si Edcelle sabay sa pagpalahaw ng iyak ng sanggol sa duyan. Lalong kumabog ang dibdib ng babae. Lalong nataranta. Sinikap mag-angat ng mukha pero para lang mapaso sa nagbabagang mga mata ni Calvin.

"C-Calvin ma-magpapaliwa---"

"Damn you! Pinagmukha mo akong tanga at uto-uto! Pinaikot mo ako! Ano pa ang ipapaliwanag mo roon, ha! Ptngna!" At sinipa ang lamesita. Tumabaob. Lumagabog. Kasunod ang nakakangilong pagkabasag ng baso at bote ng alak.

"Calvin---"

"Sabihin mo sa akin ang totoo! Dammit! Totoo bang anak mo sa ibang lalaki ang batang 'yan?" Muli ay sa malakas na tono na lalong nagpaiyak sa sanggol.

"Calvin---maniwala ka! H-hindi totoo ang mga---"

"Ang tanong ko ang sagutin mo." Matigas na sabi bago ang mahigpit na paghawak sa braso ni Edcelle. Madiin at mapagparusa. "Kaninong anak si Vince? Gusto kong marinig mula sa 'yo."

Napasinghap ang babae. Napangiwi. Natakot at nais mapasibi. "Calvin nasasaktan a-ako."

"Hindi ko na uulitin ang tanong, Edcelle. H'wag mong inuubos ang pasensya ko." Mapagbantang sabi sa mas nang-uusig na tono.

"A-ang papa," tuluyan nang nalaglag ang luha ng dalagita. "Siya ang nagplano nito. S-sinabi niyang magpabuntis ako sa iyo at pikutin ka para... Para kapag nakasal na tayo ay unti-unti naming makakamkam ang kayamanan n'yo. A-ang hindi niya alam, t-three weeks na akong nagdadalantao sa anak ko kay... Ronnie... Bago pa may mangyari sa atin. P-Patawarin mo ako... H-hindi ko naman 'to ginusto. M-mas gusto ko ang mabuhay sa kabihasnan at magsaya pagkapanganak ko. Pero...pero manipulado ni Papa ang buhay ko. Intindihin mo sana 'yon."

"Intindihin?" Si Calvin sa paismid na pagtuya. "Hinihingi mo sa akin na intindihin ka? Hindi. Magdidilim muna ang isip ko bago ko sa 'yo 'yon ibigay! At kaya ka manipulado ng ama mo dahil sinusunod mo pa rin siya kahit alam mong mali na." At marahas na binitiwan ang braso ni Edcelle. Tumalikod at napahilamos. Tumitindi ang galit na nararamdaman niya. "At paano ako maniniwala sa sinasabi mo gayong napanood ko sa video na sadyang nagpabuntis ka sa Ronnie na 'yon para masiguradong magdadalantao na nga 'yang sinapupunan mo. At alam 'yon ng papa mo, hindi ba? Tama na ang pagsisinungaling, Edcelle. H'wag mo nang dagdagan!"

"Pero Calvin... Hindi ko kayang suwayin ang papa..." Sa pagsisikap ni Edcelle makalusot ay hindi nito alintana na nagiging malabnaw ang bawat kat'wiran na binibitiwan.

Bakla 2: Hating Bakla : SHERIDAN (GayRomance) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon