JULY.
Hanggang ngayon, hindi ko alam kung anong gulo yung napasok ko. Sa lahat lahat ng aawayin ko, ang pinakamakapangyarihan at pinakamayaman pa! Ano bang iniisip ko?! Eh isang hamak na karaniwang mamamayan lang naman ako na binubuhay ng Bakery na sikat sa mga karaniwang taong tulad ko din?
“AHHHHHHHHH!!!!!!” Sigaw ko habang takip ng unan ang bibig ko. “Kainis! Kainis! Kainiiiiiiiiiis!”
Ano kayang ipapagawa sakin nung hambog na yun kung sakali?
Maging yaya niya? Hindi naman siguro, sa yaman na yun siguradong maraming yaya sa kanila yun.
Sumayaw ng hubad sa harapan ng buong Academy? Diyos ko po, wag naman yun!
O kaya patalsikin na lang at paalisin sa Academy? Looooooooooord! Wag naman poooooo! Siguradong mapapagalitan ako nila Nanay at Tatay!
Bigla namang bumukas ang pinto na ikinagulat ko.
“Ate, pengeng pera”
“Ano ka ba, Al! Bigla bigla ka na lang pumapasok, di ka ba marunong kumatok!”
“Bakit kasi di naka-lock pintuan mo, sige na Ate, kahit singkwenta lang.”
“San ka na naman ba pupunta? Bakit di ka kay Nanay manghingi?”
“Nanghingi na ko, binigyan na ako, pero kulang to eh, sige na Ate hahayaan mo na naman ba akong magutom? Nung isang araw nga sa Academy eh ako lang ang walang kinakain kasi na-short ako sa pera---“
“Oo na! Oo na! Diyan sa wallet ko, kumuha ka!”
“Yooon! Thank you, Ate! Love you!”
“Love you ka dyan, love mo lang ako pag may pera ka na!”
“Arte nito, bumangon ka na nga daw pala diyan sabi ni Nanay, tanghali na. Uutusan ka daw niya sa bayan!”
Hay. Buti na lang sabado ngayon at walang pasok, hindi ko kailangang harapin yung hambog na yun. Bumangon na lang ako at nagbihis.
“Nak, punta kang bayan, bili mo ako ng harina at asukal”
“Ha? Hindi ba kayo aalis ni Tatay?”
“Eh hindi pwede eh, may order na 3 cake na ngayon din kukunin, kailangan tapusin. Sa Baker’s Hub ka na pumunta ha. Kukunin at babayaran mo na lang, tinext ko na si Mareng Nene”
“Eh Nay, may gusto sana akong bilin na libro, eh kulang na yung naipon ko, okay lang po bang dagdagan niyo?”
Nagkamot ako ng ulo. Sana payagan ako! Matagal ko nang gustong bilin yung The Fault in our Stars ni John Green. Bwisit kasi si Al, nabawasan pa tuloy yung ipon ko para mabili yun.
“Oh sya, kasya na ba to?”
Inabutan na ako ng pera.
“Sobra pa to, Nay! Thank you!”
“Sige, umalis ka na. Mag-iingat ka ha!”
Lumabas na ako ng shop at tumawid pabalik sa bahay. Kukunin ko yung bike ko para di na ako mamamasahe. May basket naman yun para dun ko na lang ilalagay yung pinapabili ni Nanay atsaka malapit lang naman ang bayan.
Medyo malulam ang panahon kaya hindi ganon kainit mag-bike. Dumaan muna ako sa bookshop para mabili na yung libro. Yay! After months, mabibili ko na din! Sa wakas!
Pinark ko pa ng mainam yung bike ko sa labas. Bago ako pumasok, may babae akong nakasabay sa pintuan, pinauna ko na siya, ngumiti naman siya sakin.
BINABASA MO ANG
Loving A Deceiving Monster (COMPLETED)
Genç KurguMonster : noun\ˈmän(t)-stər\ - a strange or horrible imaginary creature - something that is extremely or unusually large - a powerful person or thing that cannot be controlled and that causes many problems. Isipin mo yung sarili mo na minamahal ang...