This is it. This is the day; today is the doomsday. Sana lang talaga naasog lang yung end of the world, ngayon na lang sana mangyari. Kasi, leche! Ngayon na mismo yung Lakan at Lakambini!
Kahit anong text sakin ng mga classmate ko na matulog na ako kagabi, hindi ako nakatulog ng maayos! Uminom na ako ng gatas at ng kung ano-anong herbal tea na pinagbibigay sakin ng mga classmate ko, pero walang epek! Kulang na lang lumaklak ako ng sleeping pills para makatulog! Pero wala kasi kaming sleeping pills sa bahay eh, kaya nagtiis akong matulog ng pilit.
Okay Kyra, matapos lang ang araw na to, okay ka na. Balik ka na sa dati mong buhay. Kalimutan mo na lang ang kahit anong kahihiyan na mangyayari sa araw na to.
AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Ayan, naisigaw ko na sa loob ng utak ko lahat. Dedma at poker faced na lang ako ngayon. AJA!
Kaninang umaga, habang nagmumuni-muni ako kung tatakas na ba ako o hindi, biglang dumating sa bahay si Ginger para sunduin ako. Wala akong nagawa kaya sumama na ako. Kaya ayan, nagme-meditate ako sa loob ng isip ko. Kaya mo to. Para kila Nanay at Tatay. Para sa siyudad!
Pagpasok ko pa lang ng room, sinalubong na ako nila Ms. Alvarez at nung mga classmate ko. Sa totoo lang, hindi ko na pinapakinggan yung mga putak nila. Ginagawa ko na lang kung anong gusto nilang gawin ko. Sobrang kaba akooooo! Peksman! Manhid na buong katawan ko sa sobrang kaba kaya di na ko nagsasalita!
“Ky? Are you okay? Para kang zombie mula nung sinundo kita sa inyo! You’re freaking me out!”
“G-Ginger, p-pano kung batuhin na lang nila ako bigla ng kamatis? O kaya ng bato? O kaya ng sapatos nila? Masama pa dun batuhin nila ako ng mga upuan nila! Anong gagawin ko! Ayoko na yata, gusto ko na umatras---“
“Stop it, Ky! Napaparanoid ka lang! Ano ka ba, walang mangyayaring ganun, hahayaan ko ba yun? Kung babatuhin ka man nila ng kung ano, aakyat agad ako sa stage para takpan ka! How’s that, huh?”
“T-Talaga? Kahit pareho tayo mapahiya?”
“Kahit pa lamesa ng judge ang ibato nila satin, I’ll be with you. Just do this, okay? Masyadong effort ng mga classmate natin ang nakataya dito. They’re like really hoping na this time, we’ve got chance to win the Lakambini title”
“Pero di ko masisigurado yun---“
“I know. But you have to try, Ky. You have to. Para sa Class B.”
Tumango-tango ako. Para sa buong Class B. Bukod kay Cade.
Sinimulan na nila akong ayusan. Gawa sa abaniko yung filipinanang isusuot ko. Mommy daw ng isa kong classmate nagtahi nun. Medyo mabigat siya pero okay naman. Kailangan ko lang mag-tiis para sa Class B. Alam ko namang hindi ako mananalo pero at least, susubukan ko. Para to sa supporta nila sakin.
Nung tapos na akong ayusan, tsaka pa lang dumating si Ms. Alvarez.
Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Ganun din yung mga kaklase ko. Sabi na nga ba, madi-disappoint lang sila sa itsura ko---
“I really think we stand a chance this time.”
“We know right, Ma’am?” ngiting-ngiti na sabi ni Ginger. Naka-ngiti din sakin yung mga classmates ko kaya ngumiti na din ako sa kanila.
”Kaya mo yan, Kyra! Nandito lang kami!”
Mas nangiti ako. Talagang nasa tabi ko lang sila. Okay, gagawin ko makakaya ko. Kahit nakatakda na ang mangyayari, ibibigay ko to para sa kanila.
Inikot ko naman yung tingin ko, may hinahanap yung mga mata kong kanina ko pa hinihintay makita. Hanggang sa makasakay na ako ng float di ko pa din siya nakikita.
BINABASA MO ANG
Loving A Deceiving Monster (COMPLETED)
Teen FictionMonster : noun\ˈmän(t)-stər\ - a strange or horrible imaginary creature - something that is extremely or unusually large - a powerful person or thing that cannot be controlled and that causes many problems. Isipin mo yung sarili mo na minamahal ang...