Kabanata 8: Hiling
We The Kings - Say You Like Me
Cueshé - Borrowed Time///
Nag-intro na si Chase nang walang instrument ng banda.
She's the girl that no one ever knows
And I say hi, but she's too shy to say hello
Nakakakilabot 'yung ganda ng boses niya. Effortless. Siya 'yung tipo na parang walang nanonood sa kanya, basta kumakanta siya mula sa puso. He sings with so much passion.
She's just waiting for that one to take her hand
And shake her up
I bet I could
At saka ngayon pumasok ang tugtog ng mga instrumento.
I wish my heart was always on her mind
'Cause she's on mine like all day, all the time
"Siya pala si Chase a. Astig kumanta a," Si Grace.
"Astig din siya in person," sagot ko naman.
Forget me not, forget me now
I've come too far to turn around
I'm here tonight
Sumasabay ang mga tao sa lyrics ng kanta. Pasigaw na 'yung pagbigkas nila ng mga salita dahil sa nag-uumapaw na damdamin.
'Cause I'm never going down
I'm never giving up
I'm never gonna leave
So put your hands up
If you like me
Then say you like me
Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan si Chase. Gusto ko siyang... Gusto ko siyang suportahan. Kahit walang kapalit. Masaya 'kong makita siyang nagpe-perform at nakaka-inspire ng iba.
Pagkatapos ng unang kanta na 'yon, hindi napigil ng mga nanonood na mamangha. Kinuhanan ko ng litrato ang crowd. Nagsigawan sila para tumugtog pa ulit ang banda.
Kita ang kakaibang ngiti sa buong grupo ni Chase. Nakikita kong masaya sila sa pagpe-perform ng iba't ibang kanta, sa sarili nilang paraan o version, habang nirerespeto pa rin ang original.
Ilang shots ang ginawa ko gamit ang camera ko. Sa maraming tao at sa banda.
Naramdaman ko namang nag-vibrate ang phone ko. Tinignan ko 'yon at nakitang tumatawag si Mama. Mabilis akong naglakad papunta sa malapit na CR at pumasok sa loob para sagutin 'yon.
"Hello Ma..."
"Wala ka sa bahay kanina? May pumunta ro'n na kakilala ko, gustong bilhin ang bahay," bungad niyang tanong at balita.
Pagkatapos kong ma-inspire sa pagtugtog ng banda, bigla naman akong sasalubungin ng lungkot. Napasandal ako sa pintong ni-lock ko.
"Ma bakit? 'Di ba po napag-usapan na natin? Nakiusap na po ako sa inyo. 'Wag naman sana 'to Ma."
"Ano ka ba. Titignan pa lang naman niya. Hindi pa agad bibilhin. Saka magpapatayo naman ang Papa mo ng bahay dito sa syudad. Pwede ka na naming makuha."
"Ma hindi ko siya... Hindi ko siya Papa," nalulungkot kong sabi. "Ito, itong bahay dito 'yung... iningatan ng Papa ko," may diin kong sabi pero pinipilit kong 'wag magtaas ng boses.
BINABASA MO ANG
Just Today
Teen FictionI saw weakness in his smile when he told me... "I wish I knew you earlier."