[Third Person Narration]
Three days ang Intrams sa Jaime Academy kaya isa ito sa mga event na pinakakaabangan ng mga Jaime-nians. Bukod pa sa walang klase at puro games, masaya at festive ang ayos ng buong Academy. Mula sa mga banners ng bawat year level hanggang sa makukulay na banderitas na ikinabit sa paligid ng mga building.
Pinapayagan din ng administration ng Academy ang iba’t-ibang food booths na magtinda sa loob ng Academy, at dahil prestihiyoso ito, mga sikat na food establishments din ang nagtatayo ng stalls.
Three days din na naka-suot ng kanya-kanyang pinagawa na Jersey ang mga estudyante. Ang mga non-players naman ay naka-PE uniform.
Pagpasok pa lang ng mga Class B sa room nila, bumungad na ang schedule ng mga laro nila. Sabay na pumasok sila Kyra at Ginger sa room at katulad ng ibang mga kaklase, sa board ang diretso nila.
“My game’s not until 2PM today. Ikaw?” tanong ni Ginger kay Kyra na nagbabasa pa din sa board.
“2PM din”
Halos mabali ang leeg ni Ginger na napatingin kay Kyra. “What?! That can’t be! Wrestling always happen on the 2nd day!”
Mas lumapit si Ginger sa board para basahin ang sched ng Wrestling Matches. “Pano yan? We can’t be in each other’s games! I can’t see you on your match!”
Dahil dun, kinabahan si Kyra. Kung wala si Ginger habang laban niya, anong gagawin niya? Wala man lang magpapalakas ng loob niya.
Hindi naman napansin ng dalawa ang nakakunot na noong si Ash sa likod nila. Katabi nito si Cade na ‘cool’ lang sa sched niya.
“Buti na lang 4pm pa match ko, hindi mainit. Manonood muna ako ng match mo, anong oras ka ba?” sabi ni Cade kay Ash. Nung hindi ito sumagot, lumingon ito sa kaibigan. “Ba’t ganyan mukha mo?”
Nagitla naman si Ash. “H-ha? W-wala, mainit kasi game ko, 2PM”
Pero ang totoo ay yung Wrestling Match Schedule ang tinitingnan niya.
--
Hindi nanood ng main event na Basketball sina Kyra at Ginger. Karamihan ng mga non-players na nanonood ay nandun kaya nasolo nila ang Gym para makapag-training ulit si Kyra.
“I can’t believe it! What if hindi na lang ako sumipot sa game ko---“
“Automatic disqualified ka na kung di ka pupunta. Mapapagalitan ka ni Ms. Alvarez. “
“But what about you? Wala kang kasama sa match mo! Ka-team ko si Ash and I’m so sure na game namin ang papanoorin ng classmates natin!”
Ayaw na talagang isipin yun ni Kyra kaya patuloy na lang siya sa paghahagis ng floor mattress ulit. “Okay lang yun, basta galingan natin”
Hindi na lang kumibo ang nagaalalang si Ginger.
--
Nang lunch time na ay inaya ni Cade si Ash na sa Wendy’s stall sila kumain. Sumunod lang ang kaibigan na mula pa nung umaga ay wala ng kibo.
“May nararamdaman ka ba, Ash? Bakit ang tahimik mo?” tanong na ni Cade sa kaibigan.
“W-wala. Sigurado ka bang manunuod ka ng match ko? Maiinitan ka lang dun.” Sagot ni Ash. Napaisip din si Cade dahil ayaw niyang mainitan.
“Oo nga, pero sigurado naman panalo na kayo dun. Kindatan mo lang yung weirdo na yun, lalakas ang hagis nun---“
“She’s not weird”
Nabilaukan si Cade nang marinig yun. “Aba, parang nung isang buwan lang lagi ka sumasang-ayon kapag sinasabi kong weird yun ah! Teka, may gusto ka ba dun?” Nakangising tukso ni Cade.
BINABASA MO ANG
Loving A Deceiving Monster (COMPLETED)
Teen FictionMonster : noun\ˈmän(t)-stər\ - a strange or horrible imaginary creature - something that is extremely or unusually large - a powerful person or thing that cannot be controlled and that causes many problems. Isipin mo yung sarili mo na minamahal ang...