[Kyra Lei Montez’ POV]
Buti na lang talaga, walang nakakita sakin na bumaba sa sasakyan nila Cade. Kung hindi, siguradong bubugbugin ako ng mga fans niya, lalo na yung mga nandito sa loob ng school.
Hindi pa din talaga ako makapaniwala na may ibabait din pala kahit papano yung halimaw na yun! Bakit kaya ang sungit sungit niya sa iba? Hay nako, wag ko na nga siyang isipin!
Pagdating ko sa room, una kong nakita si Ash. Hay, buti na lang talaga di rin namin siya kasabay kanina, kung hindi, mahabang paliwanagan pa kung pano ako napadpad kila Cade-__-“ nginitian ko siya bago ako nag-iwas ng tingin.
“Good morning, Ky!” masiglang bati sa akin ni Ginger pagkaupo ko sa upuan ko. “Nandito si Ms. Gonzales kanina, hinahanap ka. I told her wala ka pa then she told me to tell you na pumunta ng office niya later before lunch”
“Ms. Gonzales? Bakit daw? Nagpasa naman ako ng essay ko sa Creative Writing ah?”
Nagkibit-balikat lang si Ginger. “I don’t know”
Hala. Bakit naman kaya? Ang balita ko, ang madalas lang ipatawag nun ay mga writers sa school paper namin. Eh hindi naman ako writer dun!
Buong umaga tuloy nab ago mag-lunch napaparanoid na naman ako. Baka kaya bumagsak ako sa last exam? Wag namannnnn po, Lord! Huhu! Magrereview na talaga ako next time!
“Come in” sabi ni Ms. Gonzales nung kumatok na ako sa pintuan ng office niya before lunch.
Nagulat naman ako na nandun din si Ash.
Diuskopo! Oo nga pala! EIC si Ash ng school paper namin! Halaaaa! Baka marinig pa ni Ash ang pagalit sakin dahil sa grade ko! HUHUHU!
“G-good noon po, Ms. Gonzales”
“Good noon, Ms. Montez. Have a sit here, opposite Ash”
Sumunod naman ako. Nginitian ako ni Ash nung maka-upo na ako.
“So, before everything, congratulations for winning the Over-all championship last intrams. Nadismaya talaga ang Class A, I must say”
“Thank you po” sabay namin na sagot ni Ash. Oo nga pala, dahil nanalo kami dun sa volleyball match, nakuha na namin at last yung Over-all championship.
“Alam ko naman na lahat kayo nag-effort para maipanalo yun, pero it was your match that made you won it, Ms. Montez. The school paper cannot miss that event. That’s why I called you, Ash. Gusto kong may article about that game and everything behind it. Kung ano nangyari and what the players felt.”
“Copy, Ma’am” sagot ni Ash na sinulat lahat ng sinasabi ni Ms. Gonzales sa maliit niyang notebook.
“While you, Ms. Montez, I want you to please help Ash. Ikaw ang iinterviewhin niya because you were the captain ball on that game, not Jackie. Please tell him the tactics and strategies you used. Okay bay un?”
“O-opo, Ms. Gonzales” kinakabahan kong sagot. Tutulungan ko si Ash! Pero mas okay na yun kesa yung iniisip ko kaninang bagsak ako-__-“
“Okay then, you may take your lunch”
Lumabas na kami pareho nung Office.
Nagkatinginan lang kami ni Ash dun. Akkk. Ano bang dapat sabihin?
“S-so, I need to finish this on Friday. We have to work on this already. H-how about later?” Tanong sakin ni Ash. Hmm, kung titingnan, chance ko na to para makabawi sa kanya sa lahat ng tulong niya.
BINABASA MO ANG
Loving A Deceiving Monster (COMPLETED)
Teen FictionMonster : noun\ˈmän(t)-stər\ - a strange or horrible imaginary creature - something that is extremely or unusually large - a powerful person or thing that cannot be controlled and that causes many problems. Isipin mo yung sarili mo na minamahal ang...