Chapter Twenty-Three: Oh Stars

1K 19 0
                                    

[Third person narrating]

Sa sobrang hiya ni Kyra na sabihin kay Ginger kung sino ang partner niya, nagkaron sila ng usapan na sa mismong Party na lang nila makikilala ang kani-kaniyang partner. Pareho naman silang walang problema dun at pareho na ring excited na makilala ang partner ng isa’t-isa. Nauna nang tinukso ni Ginger si Kyra na baka si Ash nga ang partner niya pero hindi pa rin nya ito kinumpirma sa kaibigan.

Sa kabilang dako naman ay napapayag na din ni Ash si B.E. na si Cade na lang ang samahan nito. Masaya din niyang ibinalita sa kaibigan ang tungkol sa partner niya. Sa katunayan, si B.E. lang ang may alam na may gusto siya kay Kyra kaya naman tuwang-tuwa ito para sa kanya.

Samantalang si Cade naman ay takang-taka at curious na curious kung sino nga ba ang sinasabing partner ni Ash. Naisip na din niya si Kyra pero pinipilit niya ang sarili na mali ang iniisip niya. Malamang ay si Ms. Gonzales nga lang iyon at mas inisip na lang niya na sa wakas, pwede na niyang ma-solo si B.E. sa taong iyon. At kung swe-swertihin, baka mapapayag din niya itong sumayaw sa Bon Fire Dance.

 Isang oras bago mag-alas 10 ng gabi sa bahay nila Kyra ay busy ang Nanay niyang ayusin siya. Napag-desisyonan kasi niyang Gypsy Princess siya ngayong gabi kaya naman tuwang-tuwa ang Nanay niya sa pag-aayos sa anak.

Si Al din ay aattend at katulad ni Kyra, pinipilit din ng Tatay at Nanay nila itong umamin na sa kung sino ang partner niya pero kibit-balikat lang ang sagot ng bunso sa pamilya. Siya naman ay naka-costume bilang si Woody ng Toy Story.

Trenta minutos bago mag-simula ang Party ay hinatid na ng Nanay at Tatay sila Kyra at Al sa Academy. Marami na silang nadatnan na estudyanteng iba’t-iba ang kasuotan. Talaga nga namang pabonggahan ang labanan pagdating sa costume.

Pagbaba pa lang ng sasakyan ay bigla nang nawala si Al sa paningin ng kanyang Ate kaya naman walang nagawa si Kyra kundi pumunta na sa napagusapan nila ni Ash na tagpuan nila. Ang Gazebo na malapit sa Club Activity Hall.

Kahit sobrang kinakabahan siya, nagtungo na siya sa Gazebo. Sinuot din niya ang bracelet na binigay ni Ash sa kanya para naman matuwa ito.

Malayo pa lang si Kyra ay kitang-kita na niya ang anyo ni Ash dahil maraming ilaw ang nakabukas sa palibot ng Academy. Talaga namang gwapo ito na naka-pirate costume at may heavy eyeliner na bumagay naman sa maamo nitong mukha.

“Hi” ngiti nito kay Kyra nang mapansin ang kapareha na papalapit sa kanya. “Y-you look stunning”

Hindi naitago ni Kyra ang ngiti sa pagkakataong iyon “S-salamat, ang gwapo mo din” naka-ngiti niyang sagot.

Sabay na nagtungo na ang dalawa sa Center Field na parehong parang kinikiliti sa sobrang ngiti sa mga labi.

Kapansin-pansin naman ang tingin sa kanilang dalawa, lalo na kay Kyra nang makarating na sila sa pagdadausan ng Party. Matagal nang inisip iyon ni Kyra kaya naman hindi na lang niya ito masyadong pinagtuunan ng pansin.

Malapit sa malaking Bon Fire na hindi pa sinisindihan ay nakatayo naman sila Cade na naka-costume bilang si Hades at si B.E. na naka-suot bilang isang Grecian Goddess. Naunang nakita ni B.E. ang parating na sila Ash at Kyra.

“Oh wow, they look so cute together! Kyra looks so pretty!” masayang sabi ni B.E. “I’m so proud of Ash!” dugtong pa niya. Nilingon din ni Cade ang sinasabi ni B.E. at nakita ang dalawa.

Kung ano ang ikinatuwa ni B.E. ay siyang kinainis ni Cade. Hindi lang niya ito pinahalata sa kapareha na ngiting-ngiting nakatingin pa rin dun sa dalawa. Sa isip ni Cade ay naging tama ang hinala niya. Sa sobrang inis niya ay nasipa niya ang isang kahoy na pang-gatong sa Bon Fire.

Loving A Deceiving Monster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon