Chapter Twenty-Five: Now

1K 20 0
                                    

Matapos ang isang buong linggo ay tsaka lang pumasok si Cade. Mahahalata naman ang madalas na pagtingin ni Kyra sa kanya dahil nagmukha itong pumayat kumpara noong huli niya itong makita.

Dati naman nang walang kibo si Cade pero feeling ni Kyra ay may mali talaga sa lalaki. The lines below his eyes got bigger and he is thinner. Mukha talaga itong may sakit, sa tingin ni Kyra.

She suddenly remembered about the mission. Matagal na pala itong bistado nang wala silang kaalam-alam. She tried to catch Cade’s attention these past days pero hindi man lang siya nito tinatapunan ng kahit isang tingin. Siguro, alam na niya ang tungkol kay B.E.

Isang araw na nag-bell na para sa kanilang lunch break, nagdesidido si Kyra na kausapin ito. Nag-paalam siya kay Ginger na may pupuntahan lang at pumayag naman ito. Dali-dali siyang nagpunta sa Eco Park at hinanap ang punong madalas akyatin ni Cade.

Bago pa man siya makalapit sa nasabing puno, nakadinig na siya ng parang may umuubo. Tumingala siya at nakita si Cade na nakaakyat sa isang matabang sanga.

“Cade, okay ka lang ba?”

Sa gulat ni Cade ay na-out balance siya at nalaglag sa pagkakaupo niya. Alisto naman si Kyra na tinangka siyang saluhin pero hindi niya kinaya si Cade. Sa huli ay nadaganan ni Cade si Kyra.

Tumayo agad siya at hinarap ang nadaganan.

“A-aray” hawak niya sa likuran niya.

“Tsk! Ano na naman bang ginagawa mo dito?!” sigaw ni Cade na tinulungan siyang tumayo. Kyra stood up a bit shaky, still clutching her lower back.

“Gusto lang  naman kitang kamustahin eh” she said with pain in her face.

Sumeryoso naman si Cade at sinipat ang hinahawakan niyang likuran. “Okay ka lang ba? Baka nabalian ka, tara sa clinic”

Hihilahin na siya nito dapat pero di nagpatinag si Kyra.

“Ayos lang ako” matatas niyang sagot. Huminto sa paglakad si Cade. “Ikaw? Ayos ka lang ba?”

“Ano bang kailangan mo sakin?” pag-iwas nito sa tanong ni Kyra. “Kung tungkol to sa utos ko sayo, kalimutan mo na. Sinabi na sakin lahat ni Erica. Binabawi ko na din lahat nung sinabi kong magiging parusa mo.”

He started to walk away.

But Kyra acted on her first instinct. She ran towards him and hugged him from behind.

Natigil ng paglalakad si Cade. He felt something moved inside his chest.

Walang nag-salita sa kanilang dalawa. Hindi alam ni Kyra kung bakit niya ginawa yun. Ang alam lang niya, kung dati ay pinigilan niya itong gawin, ngayon hindi na.

When she realized what she’s actually doing, she moved away first.

“P-pwede mo naman akong sabihan ng mga problema mo. Wag mong solohin, Cade. Maraming nagaalala sayo---“

“Talaga?” he replied bitterly. “Bakit pakiramdam ko, nag-iisa lang ako? Sabihin mo nga, sinong nag-aalala para sakin?”

“Si Walter, si B.E., si Ash---“

Cade faced her. “Wala kang alam! Hindi ako gusto ni Erica at alam ko yon! Si Ash, gusto ka niya! Kaya bakit hindi na lang kayong dalawa ang magsama---“

“Ako!” Kyra shouted, tears started flowing down her cheeks. “Ako pa, Cade., nandito ako. Kaibigan mo din ako”

Hindi na napigilan pa ni Kyra, tuluyan na siyang napa-hikbi.

Cade stared at her. “Kahit di nila halata, ako halata ko. Halata kong may problema ka, halata kong hindi ka masaya---“

“Tama na. Tama na, Kyra” mahinang sabi ni Cade bago ito umalis nang tuluyan.

Loving A Deceiving Monster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon