BILANG (farewell poem)

1 0 0
                                    

Bilang
Isa..
Sa ISANG author lahat nag simula,
Pagkat kayo ay kanyang katha
MMMMP ang librong unang nabasa
Simula nun nabighani sa kanyang gawa

Dalawa
Dalawang FC ang unang nakilala
Si Kuya IKO at TATAY JD po sila
Taong 2013 iyon sa aking pagkakaalala
Sila ay kinulit ko ng bongang bonga

Tatlo
Tatlong taon bago ko pa nakita
May FB group ang justchin readers pala
At sa puntong ito ako'y tuwang tuwa
Excited na makakilala ng iba

Apat
Apat na FC agad aking inadd
Zeus, storm, sandara, and araya
Pero ewan bakit sa kanila
Si kuya zeus ang kinulit ng sagad

Lima,
Limang beses na kinulit si kuya
At sa wakas nagreply siya
Hanggang sa GC kanya akong dinala
At doon nag simulang kayo ay makilala

Anim
Anim na bagong kaibigan
Ang siyang nkatawagan
Reca, jv,tine,pam,doel at si xandra
May pa Conference call meron ding pa isa isa..

Pito
Pitong taong gulang ang sagot ko lagi
bakit kasi edad ang tinatanong parati
Ayan tuloy nainis sa akin ang marami
"Childish, stalker at creepy ako" yan ang sabi

Walo
Walo ang itinuri kong totoong kaibigan
Naging tapat at nag tiwala ng walang alinlangan
Masasayang sandali ay patuloy na iingatan
Patawad kung ako man ay may naging kasalanan

Siyam
Siyam na beses akong nasaktan
Nanatili pa rin na walamg halong plastikan
Pagkat ituri na itong isang tahanan
At natural lng ang hindi pagkakaintindihan

Sampo
Sampong beses kong pinag iisipan
Kung tama pa vamg manatili sa tahanan
May pagkakataong din kasing kailangan lumisan
Para matotong tumayo, maging matatag at humilom ang nasugatan...
Sampong beses ko din kayong pasasalamatan
Sa pagtanggap at pag bigay saya pag kayo ay aking kailangan..
Maraming salamat mga kaibigan
At naging parte kayo sa aking paglalakbay dito sa sanlibutan
Maraming salamat at paalam

collection of poemsWhere stories live. Discover now