March Yoshida
**
"Hubarin mo na!" galit na galit na sabi sa akin ni March
Epal na March Yoshida na 'to. Kung maka sigaw naman siya! ang lapit lapit ko lang kaya! Hmp!
"Ayoko nga!"
"Hubarin mo na sabi eh!"
Ayan nanaman siya! Sabing ayoko hubarin eh!
"March Yoshida! Sabing, ayaw ko eh!"
"Hoy! Shiela Castro! Ikaw ang makulit, Hubarin mo na kasi."
"Hindi pwede!"
"At bakit?! Bilis na! Ako maghuhubad sayo niyan"
saka siya lumapit sa akin saka kinuha yung kamay ko.
Pinipilit niyang tanggalin yung singsing sa daliri ko. Oo, singsing! akala niyo naman kung ano!
"Shiela! Ano ba 'to?! Ayaw matanggal"
"yun na nga eh!"
"Shiela naman. Ibibigay ko na yan mamaya sa taong gusto ko eh. Kasi naman, sinuot mo pa!"
Bigla naman akong nainis. Lagi na lang niya sinasabi yung sa babaeng gusto niya! Sino ba kasi yon? Pag nalaman ko talaga kung sino yung babaeng yun, Nakooo~
Tch. Gusto ko lang naman maramdaman yung feeling na masuot yung singsing na yun.
Gusto ko kasi siya.
Feeling ko kasi pag sinuot ko yun, parang ako na rin yung gusto niya.
Aysh~! Bakit ba tayo napunta dun? Balik tayo sa singsing. Ayun na nga! Ayaw matanggal nung singsing! Sinabon ko na nga eh, pero ayaw pa rin.
"Shiela! Akin na nga yang daliri mo! Puputulin natin."
"H-ha?! Ayoko! Papalitan ko na lang"
"Nag-iisa lang yan! Paano mo mapapalitan?"
"Mukha mo! Nag-iisa lang daw! Nakita kita kahapon sa isang Jewelry Shop! Binili mo 'tong singsing! pag punta ko dun, madami pang katulad nito! Ano ka ngayon?"
"Kahit na! Mas gusto ko yan! Kasi naman eh! Ano ng gagawin ko?"
BINABASA MO ANG
Hubarin mo na! (One-Shot)
Short Story[March Yoshida] "Hubarin mo na!" Grabe! Hindi yan yung iniisip niyo! HAHAHA! Wag po ganun. Hihihi~ Hindi po iyon yun.