The End

23 0 0
                                    

Lahat ng storya ng Fairytales natatapos ng HAPPILY EVER AFTER, ung iba naman nagwawakas sa THE END.  Pero tayo ba, the end na din? HANGGANG DITO NA LANG BA TALAGA TOH?

.

 PSSSSSTT,

        Ang ganda ng tawag ko sayo noh? Psst. Hahaha.Nakakatawa lang kasi andami-dami nating tawagan dati. Tinawag kitang Kuya,tatawagin mo kong bunso,tatawagin kitang Lolo,tatawagin mo kong apo,napakarami nating tawagan dati,pero ngayon ni pangalan mo hindi ko mabanggit.

        .

        Haha, Hindi ko alam pano gagawin ko. Alam mo naman na hindi ako sanay sa gantong drama. Alam mo din namang di ako mahilig mag-emote.Natatawa nga sila satin. Kung gano daw ako kadalas magjoke,ganon ka daw kadalas mag-emote. OPPOSITES DO ATTRACT nga ika nila. PERO MALI. MALING MALI. Mukhang ako lang ata ung na-attract.

        

        Oi! Naalala mo pa ba nung una tayong nagkakilala? Ako kasi tandang-tanda ko pa. Highschool tayo nun,freshmen. Naliligaw ako dahil hindi ko mahanap ung room ng section na kinabibilangan ko.Tahimik lang ako nung mga oras na un,maingat na naglalakad dahil sa basa ang daan dahil sa panahon. Masyado na akong despeardong mahanap ang room ko,hanggang sa nagtanong ako sa isang lalaki. Kasing tangkad ko lang,moreno,gwapo?siguro. Pwede nang masabing TALL DARK AND HANDSOME. Pero wala akong panahong lumandi noon dahil sa nais ko ng makarating sa silid-aralan. Sabi ko "Kuya,alam nyo po ung room ng narra?" Hindi sya nagsalita at hinila nya lang ako. Ako naman na nakatanga,nagpahila lang. Amoy na amoy ang pabango nya. Alam mo ung hindi gaanong lalaking-lalaki ung amoy pero hindi naman feminine ung dating?Samahan mo pa ng amoy plantsa.Mahilig lang talaga akong umamamoy.

.

        "Kaklase ko pala sya."Tanging nasabi ko sa sarili ko.Hindi ako nakapagpasalamat sa kanya nun.Hanggang sa isa-isa ng nagpakilala,hanggang sa sya na. KEAN.Kean ang pangalan mo. Tahimik ka lang sa klase,marami kang kaibigan dahil dati mo na silang kasama. Sabi nila "SILENT KILLER" ka raw. Pansin ko rin na masayahin ka rin ngunit ayaw mo sa mga babaeng dumidikit sayo. Sabi naman nila, ayaw mo lang talaga ng may lumalandi sayo.Sa isanng linggong pagpasok ko yan ang nalaman ko.

.

        Pangalawang linggo, Biyernes na noon, gustong-gusto na talga kitang kausapin nung panahong iyon. Kaso pinapanghinaan ako ng loob dahil baka kung ano ang isipin mo. Na napakalandi ko o nagpapakita ako ng motibo. HINDI. Nais ko lang talaga magpasalamat at nais ko ring makilala ka dahil napukaw mo ang aking atensyon. Dahil sa alphabetical order ang groupings,lagi kitang kagrupo. Leader ka pa nga at ako ang Asst. Tamad ka,oo,alam mo yan. Kaya ang mga trabaho mo ay bumabagsak sakin, LAGI. Naging tulay ito upang maging "close" tayong dalwa. Ang pag-aasar-asaran ng grupo ang naging tulay upang lagi tayong mag-usap.

.

        Nalipat ka ng upuan sa malapit sakin. Lagi kang lumilipat at nakikipagpalit sa katai ko na bwiset na bwiset na sayo. Minsan ay ihaharap mo sakin ang upuan mo. Nagkaroon pa nga ng issue na MAY GUSTO KA SAKIN. Sana nga. Sana. Pero mukhang baligtad. 

.

        Komportableng-komportable ako sayo,napakilala mo na nga in ako sa magulang mo, hindi bilang kasintahan,bilang BESTFRIEND. Nakakatulog ako sa balikat mo,you don't mind naman eh. Ganun ka dinnaman. Minsan nga sa lap ko pa ikaw natutulog. Hindi mo ba alam kung gano kabilis ung rate ng tibok ng puso ko nun? Marahil hindi, ganyan ka naman eh MANHID--o hindi?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon