13

4.2K 55 0
                                    

Kinuha nya ang mga papel na inilapag nya sa lamesa at ibinigay sa akin.

"Yan yung mga schedules ko. Ikaw lahat ang tatanggap ng mga projects at meetings na ibibigay ng manager ko. Sa kanya ka makikipagcoordinate. In short, sya ang kakausapin mo kung may gagawin ba ako o wala." binuksan nito ang isang notebook at itinuro sa akin.

"Itong notebook na 'to, planner ang tawag. Kung titignan mo para syang kalendaryo na notebook style. Dyan mo ilalagay lahat ng mga gagawin ko. Kunyare, sa June 15 may commercial ako with sa Bench for Men's pants and shirts ganun. Then sa likod nyan ay may nalalagay na mga dates pa diba? Dyan mo naman ilalagay yung mga gagawin ko sa araw na yun. For example, June 15. 8:00 am meeting with the network, 9:00 am naman is for manager's talk, 10:00 am appearance in Sing Mo 'To tv show. Ganun lang. Ilalagay mo lang yung oras at gagawin. Ikaw din ang magdedecide kung tatanggapin mo ba yung appointment na yun or hindi since ikaw ang nakakaalam ng mga schedule ko. Okay? Nakuha mo ba?" ang gwapo nya pala lalo kapag seryoso. Ngumiti naman ako at tumango sa kanya.

Naiintindihan ko naman dahil tama lang ang pageexplain nya at hindi naman kumplikado. Siguro ang magiging problema ko lang ay ang pagtanggap ng mga meetings nya at pag-aarrange nito.

Sunod naman nyang kinuha ang napakaraming bond papers.

"Ito naman yung mga kontratang dapat pirmahan ko. Titignan mo din yan kung dapat ko bang pirmahan o hindi. Kung maisisingit pa ba sa schedule ko o hindi."

"Ako pala ang magdedesisyon kung kukunin mo ang isang project o hindi?"

Tumango naman ito. "Dati ay yung manager ko ang nagdedecide kaso sobra sobra sya kung makabigay ng trabaho sa akin. Masyadong hectic ang schedule ko kaya ako na ang nagdedecide pero since andyan ka naman ay ikaw na ang magdedesisyon para sa akin." nakangiti nitong sabi.

"Paano ko malalaman kung tama ba o dapat ko bang tanggapin ang project na inooffer sayo?"

"Hmm. Basta hindi masyadong matrabaho at hindi ko ikakapahamak. Hindi ako kumukuha ng for modeling carreer. Usually okay lang kumuha ng mga commercials basta hindi contradict sa ibang brands. Ibibigay ko sayo mamaya yung mga files na dapat mong pag-aralan tulad ng mga brands na ineendorse ko para yung mga omuooffer na kalaban ng brands na ineendorse ko ay hindi mo maapprove. Sa mga movies naman ang kinukuha ko dati ay yung mga action at mga slight romance lang. Hindi ako kumuha ng iba pero kung ikaw ang titingin at okay lang then I will go for it."

"Hindi din ako tumatanggap ng teleserye. Kailangan kasi ay nakafocus ang oras at panahon mo kapag ganun kaya puro movies lang ako."

Ang dami nya pala talagang ginagawa. Sobrang daming dapat isipin at hindi dapat padalos dalos sa desisyon kung hindi ay magkakamali ako.

"Ako ba talaga ang kailangang magapprove ng lahat? Paano kung magkamali ako? Hindi ko pa masyadong gamay ang ganitong trabaho e." nababahala kong sabi sa kanya.

"I trust you at syempre andito naman ako. Iguguide kita sa lahat para mapag-aralan mo." nakangiti nitong sabi.

Kahit na kinakabahan ako ay ngumiti nalang ako sa kanya at sumang-ayon.

"So, our next is yung wardrobe ko. Punta muna tayo sa kwarto ko. Andun kasi yung closet ko and other accesories." tumayo na sya at inilahad ang lamay sa akin. Tinaggap ko naman ito at pinagsaklob nya agad ang mga kamay namin. Eto na naman ako. Kinakabahan sa mga haplos nya.

Umakyat na kami sa kwarto nya. Nakita ko na naman ang pamilyar na disenyo nito.

Binuksan nya ang isang mahabang kabinet. May nga nakahanger na damit at meron namang nakatupi sa ibaba. Kung titignan ay napakaayos nya sa gamit. Hindi nga maipagkakaila na binabae sya.

"Yung nga nakahanger ay mga coats, jackets, suits, pants, long sleeve's ko. Para yan sa mga formal na event o lakad ko. Yung mga nasa baba naman ay yung mga pang-alis ko lang. Panglakad ganun. Eto naman-" turo nya sa mga parte ng kabinet na hindi nya na binuksan. "ay mga pangbahay ko lang. Yung nasa baba ay underwears."

"Ikaw ang kukuha ng nga gagamitin ko. Ikaw ang pipili at ikaw ang mag-aayos. Kapag aalis I usually wear shorts pero okay lang din naman yung pants kapag somewhere na malayo. Sa top naman mas okay sa akin ang t-shirts. Hindi naman ako maarte sa mga susuotin so antything will do."

"Mamaya din bibigyan kita ng mgazine for men and women. Pwedeng doon ka pumili ng gusto mong style. Isasabay ko nalang mamaya pagkabigay ko ng mga files sayo."

Ang dami pala talagang dapat pag-aralan at kabisaduhin. Kailangan ko itong pag-aralan masyado para hindi ako magkamali.

Umupo sya sa gilid ng kama nya at tinignan ako.

"Sa pagtulog naman ay depende sa schedule ko. Hindi din naman ako takaw tulog. Okay na sa akin yung 4 hours na tulog." tumango tango naman ako. Dapat pala ay nagdala ako ng ballpen at notebook. Kahit na naiintindihan ko ay dapat sinulat ko para hindi ko makalimutan. Hindi bale kapag andun na ako sa kwarto ay ililista ko nalang.

"Sa pagkain naman, kapag breakfast mas prefer ko ang heavy meals, with coffee palagi yung kasama katulad ng timpla mo. Kapag lunch naman ay rice din pero dapat steam lang yung ulam ko. Kailangan may fruits lagi. Kapag dinner, I usually ate steamed veggies then fruits lang din. Pero gusto ko matikman ang mag lulutuin mo pa kaya don't mind my food routine."

Talagang pinapangalagaan nya ang katawan nya ha? Kitang kita din naman kasi sa resulta e.

"Come here." nakangiting sabi nito.

Lumapit ako sa kanya at umupo din sa tabi nya. Kinuha nya naman ang kamay ko at pinagsaklop ang mga kamay namin.

"And we should talk about our relationship." nakangiting sambit nito.

HAPLOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon