"First, gagawin kong public ang relationship natin. I want you to be beside me anytime and anywhere. Kapag aalis ka kailangan alam ko. Hindi mo alam ang Maynila kaya baka maligaw ka lang. Second, yung mga ginagawa natin is private lang. Bawal ipagsabi sa iba dahil nga hindi naman nila alam na bakla ako. Yung paghuhubad mo sa harap ko, dapat sa akin mo lang gagawin okay? Ang mga lalaki ngayon may mga hidden agenda yan. Kaya dapat lagi kang nakadikit sa akin. Maging casual ka lang sa iba. Kapag may nagtanong ng relationship natin wag ka nang sumagot. Ako na ang bahala. Kapag may hindi ka alam na sagutin wag mo nalang pansinin ha?" tumango tango naman ako.
"Kapag may nagtanong sa relasyon nating dalawa ay dapat tahimik lang ako at ikaw ang bahala?" paninigurado ko. Ayaw ko naman talagang magsalita kapag may nagtanong sa akin tungkol roon dahil wala naman akong maisasagot.
"Yup. Wala ka ng ibang gagawin kundi dumikit sa akin. Kailangan din nating maging sweet in public. Alam mo na holding hands, magkikiss, maghuhug." nanlaki ang mata ko. K-k-kiss? Gagawin naman iyon?
"K-k-kiss? Bakit kailangan ng k-kiss?" natawa naman ito sa reaksyon ko at pinisil ang ilong ko.
"Wala na tayo sa Maria Clara na panahon baby. Couples usually do those things. Normal lang iyon lalo na dito sa Maynila." malumanay na sagot nya.
Kiss? Ni wala pa nga akong first kiss sa labi e. Sa pisngi ay sya naman.
"H-hindi ako m-marunong h-h-humalik e." nahihiya kong sagot. Hindi ko naman alam ang gagawin. Bakit nga ba ako napapayag sa ganitong sitwasyon? Baka mapahiya lang ako.
"Tuturuan kita syempre. I know you don't have a first kiss so gagawin natin yang memorable." natatawang sabi nya. Sumimangot naman ako. Ginagawa nya bang biro ang lahat ng ito? Seryoso ako.
"Okay okay. Hindi na. Tuturuan kita. Nakaleave naman ako so may panahon tayo ng marami sa mga bagay na pwede ko pang ituro sa iyo." natatawa paring sabi nya.
Tumango nalang ako. Sya ang masusunod sa lahat ng bagay. Amo ko sya at marami syang alam na hindi ko pa nalalaman sa industriyang ito. Alam nya kung ano ang makakabuti para sa akin.
"And lastly, I will hire a personal tutor for you para magcontinous ang pag-aaral mo. Kailangan mo din kasing makipagsabayan sa iba para hindi ka mahuli. Sayang ang opportunity na pwede mong makuha. Maganda ka, mabait and fast learner so-" hindi pa nya natatapos ang sinasabi nya ay niyakap ko na sya. Niyakap ko pa sya ng mahigpit. Tumawa naman ito at niyakap ako pabalik.
Kumawala ako sa yakap nya at hinarap sya.
"Maraming maraming salamat Dave. Hindi mo alam na malaking bagay sa akin ang pag-aaral. Aminado akong wala akong alam bukod sa mga itinuro sa akin pero gagalingan ko. Gagawin ko ang lahat para makapagtapos. Maraming maraming maraming salamat Dave." naiiyak kong sabi sa kanya.
Ngumiti naman ito at inilagay sa gilid ng tainga ang mga takas kong buhok.
"You deserve it baby. You're very much welcome." nakangiting sagot nito.
"Anyway, kailangang masanay ka na tinatawag akong 'baby'. Yan ang magiging endearment natin lalo na kapag sa public. Yan yung tawagan na ginagawa ng magcouple." nakasimangot ito. Ako naman ang natawa at tumango.
"Okay. Baby." ngumiti na ito at natawa na rin.
"Hmm. So wala na tayong gagawin? You should cook our lunch at mamaya pa namang 5 ang meeting natin with my manager. Aayusin ko lang ang mga files na ibababa ko sayo."
"Okay. Hindi ko na ba susundin ang planado mo sa pagkain?" ang natatandaan ko kasi ay magririce sya at steam na mga karne.
"No. Ikaw na ang bahala. Lutuin mo yung alam mong pagkain tulad doon sa probinsya nyo para naman matikaman ko." ngumiti ito sa akin.
"Okay." tumayo na ako at bumaba na sa kusina para magluto.
Marami akong alam na putahe na pwedeng lutuin dahil kumpleto naman ng sangkap na narito. Pero ang lulutuin ko nalang ay chicken curry na style ni Inay. Napangiti ako. Miss ko na sila sa probinsya.
Oo nga pala. May cellphone na ibinigay si Tita G sa akin. Hindi ko pa iyon nabubuksan.
Nagtungo muna ako sa kwarto ko at kinuha ang cellphone. Binuksan ko ito at nakitang may dalawang mensahe.
Nagswipe ako at tinap ang mga mensahe. Nakita kong ganito ang ginagawa ng mga tao sa kanilang cellphone sa tv na napanood ko.
Una ay galing kay Tita G at ang isa naman ay kay Betty. Bigla akong naexcite ng makita ang pangalan nya.
Una kong binuksan ang mensahe ni Tita G. Nangangamusta lang naman ito at sinabing magreply daw ako at lagi naman daw may load itong cellphone ko. Sinimulan ko na ang pagreply sa kanya at sinabing maayos ang kalagayan ko rito.
Ang kay Betty naman ay nagsasabing tumawag daw ako pagkakita ko ng mensahe nya. Clinick ko ang call at tinawagan si Betty.
"Omg. Buti naman at nakita mo na ang message ko. Sabi ni Tita Gladys kaya baka raw hindi ka nakakatawag ay nagtatrabaho ka at busy. Kamusta dyan?" nakatiling sabi nito. Natawa naman ako. Kahit kailan talaga ay nakabibo nito.
"Oo. Maayos naman ang kalagayan ko. Maayos ang pakikitungo ng amo ko sa akin."
"Buti naman kung ganoon. At omg, si Dave Lacosta daw ang amo mo?" ramdam ko ang mga tili nya sa kabilang linya na mas nakapagpatawa sa akin.
"Oo sya nga." natatawa ko na ring sagot. Tumili naman ito ng oagkalakas lakas kaya napalayo ko sa aking tainga ang cellphone na gamit.
"OMG. Alam mo bang sobrang hot at gwapo nun? OMG talaga."
Gwapo naman talaga si Dave at hindi iyon maipagkakaila. Malaki ang katawan na halatang inaalagaan. Mabango ito at malinis tignan. Mabait din. Hindi nga lang alam ng karamihan na binabae sya. Napatawa ako sa isip ko. Naiisip ko kasi ang magiging reaksyon ni Betty kung sakaling malalaman nya na binabae ang hinahangaan nyang si Dave Lacosta.
"Gwapo nga at mabait." nakangiti kong sabi.
"Hmm. Gwapo? Ngayon ko lang narinig ang word na iyan sa iyo ha?" nahihimigan ko ng panunukso ang tinig nya kaya iniba ko na ang topic naming dalawa.
"Sila Inay at Itay pala kamusta? Ang kambal?" tanong ko. Mukhang nailipat ko nga ang atensyon nya dahil agaran naman itong sumagot.
"Okay lang naman sila. Binisita ko sila kahapon at nagaantay sila ng tawag mo. Nag-aalala ang Inay mo pero sinabi ko naman na baka busy ka na sa trabaho kaya ganun. Alam ko din namang hindi ka marunong nyang cellphone na binigay ni Tita Gladys kaya hindi mo nagagamit. Sabi ko naman sa kanya na de-keypad nalang e." naiinis na sabi nito. Natawa nalang ako.
"Ayos naman ito. Alam ko naman ang patext at tawag. Pakisabi nalang kila Inay at Itay na tatawag ako bukas ng umaga. Okay lang ba iyon Betty?" maaabala ko na naman sya pero wala namang cellphone na gamit sila Inay kaya kay Betty muna ako makikisuyo. Pagsumahod ako ay bibilinan ko silang bumili ng cellphone para may komunikasyon kami.
"Oo naman. Ano ka ba. Sige bukas ay nasa inyo na ako. Itetext nalang kita pag andun na ako okay? Para makatawag ka sa kanila."
"Sige. Maraming salamat Betty at pasensya na sa abala. Mag-iingat kayo riyan. Ibababa ko na ito." tumawa naman ito sa kabilang linya.
"Ikaw ang mag-iingat dyan. Hindi mo alam ang Maynila kaya dapat mag-ingat okay? Picturan mo din si Dave Lacosta kapag nakahubad tas isend mo sa akin okay? Hahaha" natatawang sabi nito. Uminit ang pisngi ko sa naalalang katawan ni Dave.
"Ikaw talaga puro ka kalokohan. Sige na." at ibinaba ko na ang linya.
Napangiti ako dahil kahit paano ay nakausap ko si Betty. Umalis na ako sa kwarto at bumalik na sa kusina at sinimulan na ang pagluluto.