Monday morning at may pasok muli ang mga bata. Hindi niya alam kung anong oras tumabi si Marcus sa kanya dahil nakatulugan niya na ang paghihintay dito.
She smiled and kissed his lips bago mabilis na bumangon habang tulog pa ito. Tumulong siya sa pagluluto ng baon matapos niyang makaligo at makapag ayos.
Nang matapos na siyang makalapag ng mga almusal ay nagsibabaan na rin ang mga bata at si Shy.
Her lips twisted when Marcus went in, bagong ligo at nakapang-opisina pero sambakol ang mukha.
Her children kissed them both good morning. Laking pasasalamat niya at mukhang nakarecover na ang mga anak niya at mukhang maganda amg gising. Maingay ang tatlo sa pakikipagkwentuhan na aakalain mong may magandang nangyari kagabi. Napansin niya pa ang bahagyang pagsesenyasan ng tatlo ng kung ano.
Mamaya na niya kakausapin ang tatlo at nag promise pa naman siyang maghanda ng maraming timatoes kagabi kaso napurnada..or nga ba?
Napatitig siya kay Marcus na walang imik.
Nang maupo ito at isang sulyap lang ang ginawad sa kanya ay siya na ang lumapit at humalik sa pisngi nito.
"Good morning,"she sweetly said at hindi na pinansin ang pagkagulat nito.
May narinig siyang ingay kaya sinipat niya si Shy na malaki ang ngisi at kunwaring inaasikaso ang mga bata.
"Asikasuhin mo na ang admission mo Shy at ako na ang mag-aantay sa mga bata," sabi niya na lang at inumpisahan na ring asikasuhin ang kanyang Baby..baby damulag.
Marcus glared at her pero nginisihan niya lang. Pasimple niya kasing hinahaplos ang braso nito habang naglalagay ng pagkain sa plato nito.
Naupo na rin siya pagkatapos. Walang imikan sila ni Marcus ngunit nginingitian niya naman ito pag sumusulyap. He sometimes answer the kids' queries pero sa kanya ay wala pa ring development.
Pagka akyat niya sa taas para ihanda ang mga bags ng mga bata ay tumunog ang cellphone niya. She saw a message from an unknown number.
Unknown Number:
Can we meet and talk? Importante lang.
Monette
She gasped at what she has read. And why the hell would she talk to me? Para saan?
Akmang ide-delete niya nang makatanggap ulit ng isa pang text.
Unknown Number:
Just this one please?
Shit!
Matapos ang isang minutong pagpikit ay sinagot niya ang babae hanggang sa napagkasunduan nila ang meeting place.
Once and for all.
"Let's go," mariing sabi ni Marcus pagkababa niya. Nagkibit balikat siya at sinenyasan si Shy na siya na ang bahala. She instructed her to inquire about her admission in a university.
"Ako na ang mag-aantay sa kanila. Hindi mo na kailangang balikan."
He glared at her once again nang paalis na sila. She just smiled kahit pa iba din ang dating ng kanyang huling sinabi.
"We'll fetch them together. You're coming with me in the hotel."
At nag-isip siya agad ng paraan para makapuslit. Buti at doon rin ang meeting place nila ni Monette. Sa Banquet hall ng hotel.
Iyon nga ang nasunod.
"Ahmm, bibili muna ako ng coffee. Una ka na sa taas," I said nang pababa kami sa basement parking.
BINABASA MO ANG
Ravages of Desire (COMPLETED)
General FictionDate started: January 15, 2017 Date finished: September 1, 2018 Warning: Mature Content What does your heart truly desire? Have you ever come to a point when you feel lost and empty? When you don't know what to do to drift away from a cyclical dull...