Chapter 14

30 0 0
                                    

"Kuya.."

"Hey Lex!" nawala ang pagkakunot ng noo ni Kuya, napalitan ito ng nakakalokong ngisi at nakipagfist bump kay Lexell.

"Hey Klive!" so Klive pala tawag ni Guevarra kay Kuya.  Zachary Klive kasi ang buong pangalan ng pogi kong Kuya.

Really inignore ang beauty ko?? Grabe muntikan na.  Was he really going to kiss me?? Or masyado lang akong assuming na naman?? Kasi friends will not kiss on lips di ba?

"Did you two ditched for a date?" nakangising tanong ni Kuya samin.

"Date???? Kuya date is for lovers and we're not."

"Lovers agad?? Di ba pwedeng friendly date?? You obviously sound defensive Lav."

Loko tong kapatid kong to asarin ba naman ako sa harap ni Guevarra at ang isang to ngingiti-ngiti lang. Tumalikod na lang ako  sa kanilang dalawa at deretsong pumasok ng bahay.

Walang pasok today kaya past 9 am na ako nagising. Naghilamos lang ako, pinusod pataas ang buhok ko at nagtoothbrush bago bumaba para magbreakfast.  As usual di na ako nagpalit at nakadamit pantulog pa rin ako na short shorts at katernong sando.  Syempre nagsusuot naman ako ng bra pag lumalabas ako ng kwarto ko dahil puro lalaki kaya mga kapatid ko. Sanay at komportable kasi  akong matulog nang walang bra at sando lang ang suot at short shorts o kaya pajama.

Papasok pa lang ako ng dining hall ay dinig na dinig ko na ang halakhakan ng mga kapatid ko.  Wait boses ni Lexell yan ah.  Anung ginagawa ni Guevarra dito??

"Morning Baby!" si Kuya

"Morning Ate!" si Zeus

Natulos ako sa kinatatayuan ko ng makita ko nga si Lexell na nakaupo sa dining. Nakapambahay din siya at suot nya ang tshirt ni Kuya. Messy pa ang hair niya at halatang bagong gising pero super gwapo pa rin. Ibig sabihin dito siya natulog kagabi.

Agad na nagtama ang mga mata namin at nakita ko na napaawang ng konti ang bibig niya at pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Natauhan ako ng binati ako ni Lexell ng good morning. OMG! Bigla tuloy akong naconcious sa suot ko. Ngayon ko lang narealize ang ayos ko. Sanay na ang mga kapatid ko na ganito ang suot ko. But Lexell being around, that's another story.  Never pa akong nag expose ng ganito sa harap ng ibang tao.

"Excuse me.." tumalikod ako at dali-daling tumungo sa kwarto ko para magpalit ng maayos na pambahay.

I took a deep sighed bago pumasok sa dining hall namin.  I keep on reminding myself that I should act normally and besides di ba Lexell and I were friends na. "Good morning everyone!" bati ko sa kanilang tatlo acting as if walang nangyari.

I saw Kuya Zach and Zeus rolled their eyes samantalang si Lexell ay nagpipigil ngumiti.

"Bakit, ngayon lang ba kayo nakakita ng maganda sa umaga?" I joked as I rolled my tantalizing eyes too..naks!!Makatantalizing eh noh??

"You bet!"..what the..at sabay pa talaga ang tatlong damulag na to.

What the heck to start my day. Obviously pinagtitripan na naman ako ng mga to. Ang unfair lang dahil tatlo sila versus me. Anu, daanin na lang kaya namin sa suntukan one on one..hahahah..."Heh!!!..kayong tatlo kung wala kayong magawa sa buhay subukan nyo kayang magpakatotoo at aminin sa sarili nyo na maganda ako ng sa ganun mabawasan ang problema ng gobyerno sa waste management lalo na sa mga plastic na tulad nyo!"

"Gwapo naman" at last narinig ko ring nagsalita si Guevarra.

"Agree!" sabat naman ni Zeus.

I grinned to them dahil tumawa lang ang tatlong hinayupak na to. Pero tama naman si Lexell kahit maging square man ang hugis ng mundo I can't deny that he's a drop gorgeous man.

Natapos ang breakfast namin na puno ng asaran at tawanan. Kakatapos ko lang maligo ng maisipan kung pumunta sa garden sa likod ng bahay namin kung saan nandoon ang pool at mini basketball court para dun tumambay at magbasa ng di maubos-ubos na stories sa wattpad.

Nadatnan ko ang tatlo na naglalaro ng basketball. Si Zeus ang referee. Bakit kaya ang mga lalaki ang hilig maghubad?? Topless lang, yung mind nyo ha. Porke't maganda ang abs kailangang ibalandra?? Ang sakit kaya sa nunal. Di ko namalayan at nakatitig lang ako sa malagreek god na katawan ni Lexell.

"Enjoying the view??" I felt my cheeks blushed when I heard Lexell's sarcasm. Magtataray na lang ulit ako para makalusot. "Nauumay na kaya ako sa pagmumukha mo.  Bakit andito ka pa? Umuwi ka na nga. Mamya niyan magblotter na yung girlfriend mo sa police station dahil missing in action ka."

"Di yan!" kampanteng sagot naman nito.

Kung sabagay, knowing Pamela, na masyadong possessive kay Lexell at kung makalingkis akala mo any moment maglalaho sa tabi nya si Guevarra. Siguro oras-oras tumatawag or kaya nagtetext kung nasaan ang gwapong nilalang na to. "Di yan ka jan!! Umuwi ka na nga baka namimiss ka na ng Pamela mo!"

"Ate Lav di ka naman nagseselos at bitter nyan noh??" ang totoo Zeus?  Kailan pa to naging Boy Abunda? Tiningnan ko ng masama ang kapatid ko ."Ooppss, I'm outta here." nagpeace sign pa ang loko ng nakangisi sabay humarurot ng takbo papasok ng bahay.

"Lav hwag masyadong obvious." segunda naman ni Kuya Zach. Ayan na naman ang nakakalokong tawa nila. Malapit na talaga akong mainis promise. Nagpaalam ito na kumuha ng tubig sa loob at naiwan kaming dalawa ni Guevarra. And now he's smiling deviously.

"Are you jelous Lav?" lumapit pa ito sa akin and we stared each other..eye to eye, malamang, alangan namang foot to foot. Kailan pa pwdeng gamitin ang paa sa pagtitig?? Try ko kaya ng maiba naman..joke! I met his gazed and crossed my arms on my chest " And why should I?" nakataas kilay na sagot ko sa kanya.

"And why should you?" balik tanong naman niya sakin.

Uso pala ngayon ang sagutin ng tanong din ang ang tanong noh? Sino ba nagpauso nito at itake down ko sa what to do list ko para mapahunting.

"I am not, you're just being presumptuous!"

"Okay, you say so." tinaas pa nya ang dalawang kamay nya na kunwaring suko na siya pero nakangising aso naman ang loko.

Feeling naman nito, bakit naman ako magseselos. Baka di nya alam na wala sa vocabulary ko ang salitang selos.  Never ever I will feel jelous...kaya Laverne???

"Hoy!! If you two want to argue doon kayo sa barangay magreklamo." sita ni Kuya na nakabalik na pala at may dala-dalang baso at pitcher ng tubig.

Nabaling ang attention namin sa sumisigaw na si Zeus. "Ate! Ate! Someone's here and maybe to  piss someone off."

Nawala ang kunot ng noo ko ng makita ko si Raven na nakasunod kay Zeus.

#skeptictofinishthestory#

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'M AFRAID I'M FALLING FOR LEXELL ANTHONY GUEVARRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon