Prolouge

1.2K 28 2
                                    

Hi po sa mga readers nito, huwag po sana kayo magalit kung hindi niyo po ito nagustuhan dahil I'm only 13 years old lang po and a second year high school girl lang po kaya wag po kayong magalit kung hindi niyo po nagustuhan...

THANK YOU PO!

-DoYouNeedMe-

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-

"Kevin?"

"Kevin Lee, ikaw ba iyan?"

"Hintayin mo naman ako oh"

"Huwag mo akong iwan!"

"Please"

-riiiiing-

'isa na namang panaginip, masamang panaginip'

"Grrrrrrr... nakakainis naman oh, ang aga pa kaya bakit kasi kailangan pang maagang gumising para pumasok ng school eh 5:00 pa lang gising na ako tapos 7:30 pa simula ng classes ko!" sigaw ko sabay gulo sa buhok.

bakit ba kasi kailangan maagang pumasok sa school?!

Biglang kumatok yung katulong namin na si manang myla at binuksan ang pinto.

"Pinapasabi po ni sir na bumangon ka na po at mag-ayos ka na daw po ng sarili niyo tapos po baba na daw po kayo at kumain ng agahan dahil may pag-uusapan pa daw po kayo" paliwanag ni manang.

"Sige po, susunod na lang po ako sa baba" sabi ko kay manang habang nililigpit ko na ang higaan ko.

"Ma'am Avery, ako na lang po, ipaglalabas ko na rin po kayo ng susuotin niyo po" di pagsang-ayon ni manang sa ginagawa ko at pilit na hinahatak ni manang ang kumot na nililigpit ko.

"Huwag na po manang, parang nakaka-abala na po ako sa inyo, sige na po manang ako na rin po kukuha ng damit na susuotin ko" paliwanag ko kay manang.

"Sigurado po ba kayo dyan ma'am Avery?" tanong sa akin ni manang.

"Opo, tsaka po pala 'wag niyo na po akong tawaging ma'am, Avery na lang po" sabi ko kay manang bago siya umalis sa kwarto ko.

"Sige po ma-- ay Avery po pala" sabi niya sabay sara ng pinto ko.

'Masyado talagang mabait si manang myla, haaaayyyy, sana kung may kapatid pa ako mas sasaya ang buhay ko, dahil may mag-aalala sa akin at magbibigay sigla lang eh'

Tumayo na ako sa pagkaka-upo ko at kumuha na ng damit na susuotin ko.

'Sana mapansin niya man lang ako'

Nagbuntong hininga ako at tumingin saglit sa picture frame at ngumiti ng mapait.

Sa picture frame na kung saan kasama ko pa siya.

Wait. Mali.

Sila

Noong lagi pa kaming magkasama, yung ngiti nila na napapangiti din ako sa tuwa.

Kung pwede sana, sana hindi na lang sila nagbago, hindi na nagbago ang samahan namin.

Ang samahan na akala ko magtatagal at hindi matatapos, ang samahan na puno ng kasiyahan pero may halo ring kalungkutan at minsan galit.

Kaya minsan ang inaakala natin, yun ang mangyayare pero sa katotohanan hindi pala ganoon iyon.

Mayroong mga unexpected na magaganap na pwedeng ikasira ng lahat, kung sinabi kong lahat, lahat talaga...

Inlove With My Childhood Friend?! (slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon