Hi po sa mga readers ng book na ito! ^_^ May sayad lang po si author kaya nag-author's note ako.
-DoYouNeedMe-
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-
CHAPTER 1:
THE INTRODUCTION
Avery's POV
Pagkatapos kong maligo, nagtungo na ako sa dressing room or walk in closet ko at nagbihis na.
Inayos ko ang sarili ko.
'Mapapansin niya kaya ako?' tanong ko da sarili ko.
Hindi man niya ako mapansin, ayos lang sa akin iyon. Kuntento naman na ako sa hindi niya ako pansinin pero masakit lang talaga eh.
Ito siguro yung karma sa akin, yung parusa na dapat talaga sa akin.
Ako rin naman ang may kasalanan kung bakit ako, kami nagkaganito.
Napahinto ako sa pag-iisip ng malalim noong pumasok si kuya Drei.
Hindi ko siya kapatid ah, pinsan ko lang na nakikitira sa amin. Namatay kasi sila Tita Natalie noong bata siya dahil sa car accident tapos yung tatay naman niya, kinamumuhian niya dahil iniwan na lang siya nito noong nalamang namatay si tita.
Parehas lang kami ng dinadanas ngayon. Mahirap at masakit, masaklap at sobrang nakakapagod na.
"Punta ka na raw sa baba, pinapasabi ni tito" naiiritang sabi niya.
"Oo na, bababa na ako kaya lumabas ka na ng kwarto ko" sabi ko sa kanya tapos bigla na niya itong isinara.
Kahit ganyan ugali noon, mahal ko yung pinsan ko na iyan kahit nakaka bad mood yung ugali.
Then, bumaba na ako at pumunta na sa kusina. Pagdating ko dun nandoon na silang lahat, I mean tatlo.
Si papa, si kuya Drei at si Mina.
Si Mina naman kapatid ni Drei. Mas matanda lang si Drei kay Mina ng halos isang taon.
Saktong pupunta na ako sa upuan ko ay kinausap ako ni papa.
"I heard that you're grades are getting lower" sabi niya sa akin.
Kung makapagdikta sa akin concerned siya pero ang totoo hindi.
Hindi ako sumagot at umupo na sa upuan ko.
"Masisira ang pangalan ko, ng pamilya natin at ng kompanya ko" galit na sabi sa akin ni papa.
"Wow! Akala ko pa naman concerned ka sa akin pero yung totoo, concerned ka lang sa kompanya mo!" pasigaw kong sabi na nakakuha ng atensyon sa mga kasambahay namin.
BINABASA MO ANG
Inlove With My Childhood Friend?! (slow update)
Подростковая литератураAkala ko perfect na ang buhay ko... Dahil may mga kaibigan para tulungan ka kapag may problema ka. May magulang na nagmamahal at nag-aalala sa iyo. May kapatid ka na pinapasaya ka sa araw-araw. Paano kung isang maling ginawa mo mawala ang lahat. At...